Chapter 9

7 0 0
                                    

Candice POV

"Ma'am Candice gising na po-"

"Di ako papasok." Ang sama talaga nang pakiramdam ko.

"Manang pakipatay nang aircon." sambit ko habang nakabalot sa comforter. Ang lamig sobrang lamig. May sakit pa ata ako nagpaulan kasi ako kahapon.

"Candice? May lagnat kaba anak?"

"Wala kang pake!" Sigaw ko sa babaeng nakatayo sa pintuan.

"Fine! I'll just call the doctor." Umalis na si mama sa pintuan pagkasabi nun. Agad ko namang tinawagan si Sophie

"So-sophie cough cough* di ako papasok ha. paki sabi na lang."

"Wait candice! May lagnat kaba?"

"Oo ata. sniff* masama pakiramdam ko eh." sagot ko.

"Hala. wait punta kami dyan. I'll just buy some ingredients i'll cook for you okay? uminom kana ba nang gamot?"

"Di pa. kakagising ko lang."

"Err. sge sge ako na mag tetext kali Sandra. Just rest okay? Love you bye!"

"Okay. bye." binaba ko na ung phone. Sino pa bang kakailanganin nang boyfriend kung ganyan naman ang kaibigan mo dba? Binuksan ko na lang ung Tv manunuod na lang ako habang naghihintay sa kanila.

"Ms. Andito na po ung doctor." ay tinawagan pa pala ni mrs.Ferrer ung doctor nubayan.

"Come in." Pumasok na ung doctor at pinagtatanong ako sabi ko simpleng lagnat lang kasi nagpaulan ako kahapon. Thats it tas sabi naman nya uminom lang daw ako nang gamot pero pag di pa daw yun nawala dun at mas lumala pa call him again.

"Okay okay. you may go." Sabi ko para matapos na sya. daming sinasabi lagnat naman di pa naman ako mamatay no. Inihaya ko ang kamay ko sa direksyon papuntang pintuan nun magsasalita pa sana sya. Kinuha nya na lang ung gamit nya at lumabas na. Yun madadaan naman pala sa mabuting usapan eh.

Nanuod na lang ulit ako nang Tv habang umiiyak. naluluha kasi ako dahil sa init nang mata ko tysaka dahil sa sipon ko. Buti na lang tapos na ung Science Opening bago to mangyare.

"Candice! look at your face." napatingin ako kung sino ang nag salita. andito na pala yung tatlo.

"Nye nye may lagnat nga dba? Anong iniexpect mo mag make up ako at magpaganda?" Sabi ko Sandra.

"Yah. may point si Candice. tabi nga dyan dun ka sa kabila. Candice were here for you. you know that right? We love you very much so please hold on." binatukan ko naman si Mikaela. ano ba tong kaibigan ko maluluwag tornilyo sa ulo.

"Ano tingin mo sakin mamatay na at may pa hold on hold on ka dyan." ngumiti naman sya nang alanganin at hinawakan ung parte nang ulo nya kung saan ko sya binatukan.

"Tumigil na nga kayo. Candice sniff sniff* i love you candice! Wag kang nang mawala pagluluto kita nang kahit ano wag mo lang kaming iwan." alam nyo ung itsura ko?

-_________- < ganyan di ko alam ano bang nakain nang mga to at ganyan ang mga pinagsasabi. Sagad sa pagka OA.

"Isa ka pa! Lagnat nga lang to. magluto ka na nga lang kung ano anong pinagsasabi mo." sabi ko kay Sophie.

"Eto naman joke lang. pinapasaya ka lang eh." Sagot naman nya. ahhh. eh bat di ako natawa? Pero ayos na din basta nandito lang sila masaya na ko.

"Oo na. pagsilbihan nyo ko may lagnat ako!" sigaw ko sa kanila.

"Aba ako rin may lagnat." sabi naman ni Mikaela.

"Ako rin grabe! Ah ah ang sakit ng ulo ko." Sunod na sabi ni Sandra. lakas talaga nang tama nang mga to.

The Playgirl's storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon