Nandito ako ngayon sa isang restaurant para makipagkita sa kapatid ko. Galing siyang Davao at pumunta lang dito para kunin yung pera na kailangan nila. Sa akin lang kasi sila umaasa, yung kuya kasi namin may pamilya na.
"Ate, kamusta?" bati sa akin ng kapatid ko pagkakita niya sakin.
"Ayos lang, kayo ba?"
"Ayos lang din kami ate. Pinapasabi nga pala nila nanay na pasesnya daw kung hingi kami ng hingi sayo. Kinausap ko nga si kuya eh para padalhan kami ng pera kaya lang nagalit sa akin." napabuntong hininga ako.
"Sa akin kayo humingi ayos lang naman at hayaan niyo na si kuya baka magaway pa kayo. Kumain kana ba?"
"Oo ate kanina sa airport." kinuha ko yung pera ko sa bag at binigay sa kanya.
"Wag mo gagalawin yang pera hangga't hindi ka pa nakakabalik ng Davao. Mamaya pa naman flight mo diba?" tumango siya. "Pasyal muna tayo."
"Sige, ate." lumabas na kami ng restaurant at pumara ng taxi. "Sana ate makauwi ka sa graduation ko."
"I'll try. Magpapaalam pa kasi ako sa boss ko."
"Naintindihan ko, ate." simula nung nandito na ako sa Manila hindi pa ako nakauwi ng Davao. Nagpapadala lang ako ng pera sa kanila, minsan sila ang pumupunta dito sa Manila.
Dito kami sa isang mall na malapit sa NAIA napadpad. Pagpasok namin ay agad kami pumunta sa department store, ibibili ko kasi sila ng mga damit.
"Pumili ka na."
"Talaga ate?" tumango ako. "Thank you ate. Dito na muna ako." iniwan ko muna siya para makahanap ako ng damit nila mama't papa. Yung kuya namin may trabaho naman siya tsaka may pamilya na din yun.
Habang busy ako sa paghahanap ng damit tumunog naman ang cellphone ko kaya dali-dali kong kinuha sa bag ko. Si sir Zeus pala kaya sinagot ko yung tawag niya.
[ Hello po? ]
Where are you? Pauwi ka na?
[ Nandito po sa mall kasama kapatid ko. Mamaya pa po kasi flight niya...]
Send me your location. Pupuntahan kita mamaya...
[ Okay po. Ingat...]
I will...
After ng call agad kong sinend yung location ko. Baka magalit yun kapag hindi ko sinunod ang utos niya.
"Ate nakapili na ako." pinakita niya sa akin yung mga napili niya.
"Yan lang ba?" tumango siya. "Sige, tulungan mo ako kanila mama't papa."
"Sige po." naghanap ako ng top at jeans para kay mama, hindi naman yun maarte si mama. Binilhan ko na rin siya ng bra at panty.
"Completo na ba?" tanong ko kay Rosalynn.
"Yes, ate."
"Tara magbayad na tayo." pumunta na kami sa cashier para magbayad. Ilalagay na lang namin mamaya sa foldable bag.
Mamaya pagkauwi ko try kong magpaalam kay sir Zeus kung pwede ba ako umuwi ng Davao. Next week na kasi yung graduation ni Rosalynn.
Palabas na kami ng mall. Ihahatid ko siya sa NAIA, may isang oras pa naman siya. Sumakay na kami ng taxi.
~~••~~••~~
Nandito na kami sa NAIA at kakatapos ko lang umorder ng pagkain namin sa Mcdo. Mamaya bibili kami ng pasalubong nila mama.
"Ako na kukuha ate."
Nandito na daw si Zeus sa NAIA. Ang sabi ko sa kanya kakain pa lang kami. Natatakot ako baka sabihin niya kay Rosalynn yung totoo.