𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 3

61 5 0
                                    

Nagsuot kaagad ako ng bathrobe at naglakad papunta sa banyo para maligo. May suot pa ako kagabi eh haha pero hindi na ako magtataka. Hindi ko nga alam kung anong oras na siya nakauwi.

Nagmamadali na akong maligo kasi magluluto pa ako ng breakfast namin. Parang magasawa na nga kami eh dahil sa ginagawa namin. Sinusulit ko yung mga araw na magkasama kami, hindi naman kami ganito habang buhay.

After ko maligo ay nagbihis na ako. Nagsuot ako ng dress this time. He bought this for me nung birthday ko. Nagayos ako ng buhok ko at naglagay ng light makeup. Lumabas na ako ng banyo at nilapitan si Zeus.

"Wake up." kinalabit ko siya.

"Hmm...five minutes." napangit ako. Hinalikan ko labi niya bago ako lumabas ng kwarto.

Naghanda kaagad ako ng breakfast, simple lang. Bacon, fried rice and scrambled egg. Nagtimpla din ako ng espresso tapos juice naman ang sakin. Naglakad ako pabalik sa kwarto para tignan kung gising na ba si sir Zeus. Nasa loob na pala ng banyo kaya inayos ko yung bed tapos nag prepare ng susuotin niya.

Kinuha ko yung iPad to check his emails. Isang meeting lang ang nadagdag. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa office niya para ayusin naman yung mga gamit niya. Maayos naman pala pero pinasok ko sa loob ng briefcase niya yung notebook na lagi niyang dinala.

"Shit!" nahulog pa talaga bwisit. Habang inaayos ko yung mga nahulog na papel may napansin akong isang picture ng babae. Maganda, sexy, malaki ang dibdib tapos malaki ang pwet. Mukha siyang model.

"Baby?!" dali-dali kong binalik yung picture sa notebook niya at nagmamadaling lumabas ng office niya.

"I'm here." nilapag ko sa couch yung dala ko tsaka ako lumapit sa kanya. I hug him at hinalikan ang labi niya. "Let's eat?"

"Ang clingy naman ng baby ko. Do want something?" umiiling ako. "Let's eat. Gutom ka na siguro." nilagyan ko siya ng pagkain sa plato niya. "Ang ganda mo talaga sa dress na yan."

"Syempre sayo galing eh." he chuckled. Nagsimula na din kaming kumain. Sino kaya yung babae, hindi naman yung babae na nakita ko kagabi. Ibang-iba siya. Sabi niya sa akin noon may ex girlfriend siya pero that was 8 years ago.

~~••~~••~~

Sumabay na ako kay sir Zeus papunta dito sa kumpanya, naka-dress kasi ako tsaka hindi mawala sa isip ko yung nakita ko kanina. Faelynn baka nakalimutan mong wala kayong label.

"...yung sales this past few months?" ano daw? Sales? Haist lumilipad ang utak mo Faelynn. Hangang matapos ang meeting wala akong naintindihan.

Nagpaalam ako kay sir Zeus na magpahangin muna ako sa rooftop buti pumayag at hindi na nagtanong. Bakit ba ako affected eh hindi ko naman boyfriend si sir Zeus.

"Hey, what's wrong? May problema ba?" sinundan niya pala ako dito sa rooftop.

"Wala po...m-may iniisip lang." lumapit siya sa akin at pinaupo niya ako sa bench.

"Tell me what's bothering you baby. Maybe I can help." kung sasabihin ko sa kanya baka magalit siya sa akin. Tumingin ako sa kanya.

"I s-saw..."

"You saw?"

"P-picture ng babae dun sa notebook mo. Nahulog kasi tapos nakita ko yun." nginitian niya ako.

"It was my ex." tangina bakit ba kasi ako nagseselos.

"Sorry. Hindi ko k-kasi alam kung bakit ako nagseselos."

"Kasi mahal mo ako." hindi ko alam. Hindi ako sure. Imbes na sumagot sumandal na lang ako sa balikat niya. "Tara balik na tayo sa office mo baka may makakita sa atin dito." sabi ko sa kanya.

𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 𝐈𝐧 𝐓𝐡𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon