𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 4

56 4 0
                                    

Pagkagising ko kanina wala na sa penthouse si sir Zeus, maaga siyang umalis. Walang breakfast na nakahanda sa lamesa, hindi gaya ng dati na kapag maaga siyang umaalis may breakfast ng nakahanda.

Maghihintay na lang ako kung kailan niya sasabihin sa akin na tapos na kaming dalawa. Pero gusto na rin mag resign at gusto ko sa Davao na lang ako.

Kakarating ko lang din dito sa kumpanya. Hindi na ako dumaan sa fresh mart, bibili na lang ako mamayang breaktime. Habang naghihintay ako sa elevator napansin ko yung dalawang couple na naglalakad palayo pero kahawig ni sir Zeus yung likod ng lalake. Pumasok na lang ako sa loob ng elevator.

Babayaran ko na lang yung utang ko sa kanya. Ayaw kong may masabi siya sa akin. Pagkadating ko sa 8th floor ay kaagad akong lumabas at naglakad patungo sa office niya. Tanaw ko na yung desk ko sa malayuan. Nasaktan ako.

"Faelynn, pinalipat ni sir Zeus ang desk mo. Gusto daw kasi nila ng privacy." sabi ni Andrew sa akin.

"Nila?" kunayari hindi ko alam.

"Yung ex fiancé ni sir Zeus. Nagkabalikan na daw kasi sila." napatango ako. "Iwan na muna kita may kukunin lang ako sa HR." umupo ako sa upuan at binuksan yung laptop ko. Gagawa ako ng resignation letter. Walang trabaho bukas kaya kailangan kong ipasa to sa kanya mamaya.

Kukunin ko na lang mamaya sa penthouse niya yung mga gamit ko. Babalik na lang ako sa dati kong apartment.

"Olea, in my office." sabi niya sa akin. Tumayo kaagad ako at pumasok sa office niya.

"Ano po yun?"

"We should stop what we are doing. My fiancé is back and we're planning to get married this year. Thank you for everything. Kalimutan mo na yung utang mo sa akin." pinipigilan ko ang luha ko. "I can provide you..."

"N-never mo ba akong nagustuhan?" napatingin siya sa akin. "For 3 years na magkasama tayo sa isang bubong...w-wala talaga?"

"No. My heart only belongs to Kathryn." tumulo na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. "I can see that you're a wife material pero si Kathryn lang talaga." napatango ako.

"K-kukunin ko na lang mamaya yung mga gamit ko. Excuse me." nagmamadali akong lumabas at nagtungo sa cr.

"Faelynn? Are you okay?" hindi ko pinansin kung sino man yun. "What's wrong? Are you fired?" tumango na lang ako. "Ha? Bakit? May ginagawa ka ba?"

"H-hindi ko nagawa yung inutos niya. Ayos lang din naman kasi matagal ko na rin gustong umuwi sa amin." sabi ko kay Jessie. Inayos ko yung sarili ko. "Mauuna na ako sayo, Jess."

"Sure kang ayos ka lang ha." tumango ako. Lumabas na ako ng cr at bumalik sa desk ko. Tinapos ko na yung resignation letter ko parang hindi ko na kasi kaya magtagal dito.

~~••~~••~~

Tapos ko ng iligpit yung mga gamit ko at nakapagpaalam na din ako sa mga kasamahan ko dito. Yung iba umiiyak kasi hindi na daw kami magkikita. Kumatok ako sa office ni sir Zeus. Hindi ko pa kasi naibigay yung resignation letter ko.

"Come in."

"Sir." napatingin siya sa akin. "My resignation letter po." nagulat siya sa sinabi ko. Nilapag ko sa desk niya.

"Why are you resigning?"

"Uuwi na po ako ng Davao, kailangan ako ng pamilya ko dun." umiwas ako ng tingin. "Iiwan ko na lang po sa security yung susi niyo."

"Are you resigning dahil sa nangyari?"

"H-hindi niyo na po kailangan malaman yung rason ko sir. Pirmahan mo na lang po para makaalis na po ako." wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ko. "Thank you po. Thank you po sa tatlong taon, wala po akong pinagsisihan. Bye po." tumalikod na ako.

"Olea..." hindi ko siya nilingon. Naglakad na ako palabas ng office niya. Kinuha ko na yung mga gamit ko at nagpaalam sa kanila. Naiiyak na din ako kasi umiiyak sila.

~~••~~••~~

Kakatapos ko lang magimpake ng mga gamit ko dito sa penthouse ni sir Zeus. Nagmamadali na nga ako kasi baka maabutan niya ako dito. Iniwan ko yung mga gamit na binigay niya sa akin.

Bago ako umalis pinagmasdan ko muna yung penthouse. Mga masasayang ala-ala at may malungkot din.

"Paalam." lumabas na ako ng penthouse at iniwan sa security yung susi. Sumakay na ako ng taxi. Balang araw sasaya din ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext yung kapatid ko. Sunduin niya ako bukas ng gabi sa NAIA. Nagbago ang isip ko, sa hotel na lang ako mag stay. Maghahanap din ako ng ticket mamaya.

From: Sir Zeus

Olea please stay. Don't leave.

Tinanggal ko yung sim ko at binali tsaka tinapon sa labas. Alam ko kung saan ako lulugar. Talo ako dun sa fiancé niya. Sana maging masaya sila, lalo na si sir Zeus.

𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 𝐈𝐧 𝐓𝐡𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon