Khalid
Pinapasok niya kami ng bata dito sa loob ng building, sobrang naguguluhan na ako ngayon at gusto ko nalang sayangin ang araw ko sa pag hahanap ng trabaho, pero e'to ako ngayon nasa loob ng building habang iniintay mag salita ang lalaking mokong na ito.
"Ano ba! Gusto ko nang umalis dito" reklamo ko sa kanila, hindi talaga ako makaka alis dito dahil nasa harap ng pintuan ang mga taga bantay niya, yung batang lalaki naman konti nalang ay iiyak na.
"Dada, you want to leave again?" Nahimigan ko ang malungkot nitong boses. Naawa naman ako kaya nilapitan ko siya at hinawakan ang mukha
"Ayaw man kitang iwan pero sorry.. hindi talaga kase ako ang dada mo, baka kamukha ko lang o ano" mahinahon Kong paliwanag sa kanya para hindi matakot kung tataasan ko ng boses, tska hindi ako gano'n. Nakita kong nag iinit na ang gilid ng mata niya kaya alam Kong iiyak na siya.
Pinag masdan ko ang mga tao dito Kasama namin, naka tingin lang sila sa amin lalo na sa akin kung anong gagawin ko sa bata.
"Dada, don't leave again please? I'm begging you, my moma has left me, will you also leave me, dada?" pag mamakaawa niya sa akin, maniwala man kayo o sa hindi pero awang awa na rin ako sa bata na katulad niya lalo'nat wala din kaming mga magulang ng kapatid ko.
"30k, each will be your salary in a month kung papayag ka na maging nanny ng anak ko," wala ng tao dito sa loob at tanging kami nalang dalawa ang nag uusap, binigyan niya ako ng offer kung gusto ko daw ba ang sinasabi niya magiging trabaho ko. "Don't worry dahil uuwi ka pa rin naman sa bahay mo dahil hindi naman kita responsibilidad para pakainin, patuligin at bihisan" aniya sa akin ng walang babakas na emosiyon sa mukha niya
30k.. sobra-sobra na yun para sa mga utang namin ng kapatid ko, kung pwede nga lang ay makaka lipat na kami ng bagong apartment kung gugustuhin ko pero 'wag na muna siguro iyon, ang mahalaga ay mabayaran ko lahat ng kailangan bayaran sa bahay at may maipakain ako sa araw-araw ng kapatid ko.
"Pa'no kung hindi ko tanggapin?" nag aalangan Kong tanong.
"Your lost, not mine. Hindi naman kita pinipilit na maging nanny niya, pwede ko rin naman dagdagan ang 30k kung hindi mo pa rin—"
"W-wag na! Ayos na yun, sobra pa nga eh... Tatanggapin ko na" Sabi ko. Sobrang lumuwag na ang pakiramdam ko ngayon, gusto ko nalang umuwi at ilibre ang kapatid ko.
"Good, hindi ka naman pala kailangang pilitin eh, your good to go. Ibibigay ko nalanga ang number ko sayo, bukas mag sisimula ka na. Makaka alis ka na kung wala Ka ng sasabihin" derederetso niyang sabi sa akin na para bang wala lang, pero ako gusto Kong maiyak sa tuwa at mag tatalon sa saya.
"Salamat po, Mr?"
"Cordova, call me sir cordova" Cordova..
"T-thank you, sir cordova. Makaka asa po kayong gagawin ko nang mabuti ang trabaho ko"
Umuwi ako ng may ngiti sa labi, sabik na akong umuwi dala ang manok na binili ko sa Kanto malapit sa amin. Pahirapan pa nga nung umuwi ako dahil ayaw akong paalisin ng batang si khian, weird nga kase malapit ang pangalan ko sa pangalan niya, parehas pa kami ng first letter sa second name, gab sa kanya at gil naman ang sa akin. Isinawalang bahala ko nalanga ang mga iniisip ko at pumasok na sa bahay.
YOU ARE READING
First encounter [bxb]
Non-Fictiona story that will start from two men who have never met before. Khalid Gil Zamora- isang lalaki lang naman ang nag hahanap ng maayos na trabaho upang may mapa kain sa bata niyang kapatid, nang hindi niya inaasahan na may tatawag sa kanyang 'dada'. S...