prologue.

18 1 0
                                    

Isang normal na araw lang Kay Khalid ang araw niya, babangon, maliligo't kakain, at mag hahanap ng maayos na trabaho para sa kanilang dalawa ng kapatid niya.

Bumangon na siya at nag handa ng kanyang sarili upang mag hanap muli ng trabaho ngayon, kaka-graduate niya lang kaya alam niyang pahirapan talaga sa pag hahanap ng trabaho. Pag katapos ay inayos niya na ang mga gagamitin niya at gagamitin ng kapatid niya papunta sa paaralan nito, nasa unang grade palang kasi ito kaya alagain pa talaga ng mas matanda.

Inaayos niya ang kanyang polo na nagusot pa ng kaunti kasabay ng pag luluto niya ng kanilang almusal ngayong umaga. sinangag, itlog, tuyo at hotdog para sa normal na pang araw-araw nilang kainan sa umaga.

"Liam, paki bilisan po ang kilos dahil baka ma-late tayo parehas!" Tawag niya sa kapatid niyang bata habang inaayos ang pag hain sa lamesa dahil sila'y kakain na.

"Eto na po, kuya khal!" Sagot naman sa kanya nito.

Pag labas ng kapatid niya sa kwarto nila ay tinulungan niya na rin ito mag sapatos habang kumakain para mapa bilis ang kilos nilang dalawa, saka siya nag simulang sumubo ng kanin.

"Kuya, mag hahanap ka ulit?" Tanong sa kanya ni Liam

"Oo eh, kailangan na kasi nating mag bayad Kay aling Nena kasi na ngangaylangan na din sila" sa murang edad ay alam ni Liam na hindi sa lahat ng oras at araw ay makakasama niya ang kuya Khalid niya kaya tumango nalang siya kahit alam niyang hindi siya nito maihahatid sa school niya. "Wag ka mag alala. pag naka hanap na si kuya khal ng trabaho, maihahatid na ulit kita sa school mo, wag kana malungkot babawi naman po ako eh" naka ngiting aniya nito sa kapatid.

"Promise yan, kuya ah?"

"Kaylan ba ko na ngako na hindi natupad? syempre oo naman 'no! Ako pa baka kuya mo 'to!" parehas pa sila natawa sa ka-cornihan ng kuya niya, totoo namang hindi sumasablay ang mga pangakong binibitawan nito sa kanya, kaya umaasa siyang babawi ang kuya khal niya sa kanya.

Gumayak na sila palabas ng kanilang munting bahay, apartment ang tinutuluyan nilang dalawa. Dati naman ay saktong bahay ang tinitirhan nila kaso nag bago ito nang mawala pareho ang mga magulang nila.

"Stella, ikaw na bahala Kay Liam ah?" Tuwing hindi kaya ng oras niya ay sa matalik niyang kaibigan na si Stella ang pag iiwanan niya nito, bata palang ay mag kaibigan na sila nito kaya malalim ang tiwala niya dito.

"Oo na, umalis kana dahil baka ikaw na ang ma-late" umagang bulalas nito sa kanya.

"Ayusin mo ah, kapatid ko yan baka akala mo ah. Basta babawi ako kapag naka hanap na ko ng trabaho, libre ko kayo ni Liam"

"Alam ko yun 'no! Basta ililibre mo kami ni Liam sa favorite naming Jollibee" may ngiti sa labi nito habang sinasabi iyon Kay Khalid kaya natatawa nalang siya dahil sa tuwing libre ang pag uusapan, Jollibee agad ang sasabihin ng dalawa sa kanya.

"Oo na po, sige na mauna na ko. Liam, bye na si kuya Khalid" lumuhod ito upang pantayan ng laki ang bata

"Bye kuya, ingat ka sa pag hahanap kase ililibre mo pa kami ni ate Ella" tumango tango nalang siya habang natatawa sa sinabi ng kapatid niya kasabay ng pag halik niya sa tuktok ng ulo nito bago maunang umalis.

Sumakay na siya ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep, sa manila lang kasi merong matinong trabaho dahil sa lugar nila ay wala na gaano. Ang iba ay puno na, ang iba naman ay ayaw tumanggap, kaya wala siyang choice para iwanan ang kapatid at ibilin muna sa kaibigan niya.

Nang maka baba na siya sa tricycle ay agad siyang pumila sa sakayan ng jeep, umaga pa lang kase ay pila na dahil sa marami ding nag hahanap ng trabaho. Kaya kahit pumila siya sa waiting shed habang mainit ang panahon ay wala siyang choice kundi mag hintay nalang at habaan ang pasensiya niya.

First encounter [bxb]Where stories live. Discover now