Chapter 05

121 5 0
                                    

Tuwang tuwa ang kapatid ko ng tumawag ako kinabukasan, masayang masaya ito habang kausap ko sa telepono, namasyal daw kasi sila ni ate merna kahapon sa bayan at kumain sa Jollibee, marami din daw syang bagong damit at laruan. Ang malamang masaya at kumpleto sa pangamgailangan ang kapatid ko ay masaya narin ako. Pinagpatuloy ko ang pagmomop sa mansyon, pagdidilig sa mga halaman, gayun din ang paglilinis ng pool. Pawisan akong pumasok sa loob ng matapos ako, mataas kasi ang sikat ng araw sa labas kaya ganun na lamang akong pagpawisan.

Wala ngayon si boss sa mansyon, pumasok ito sa kompanya niya, si manang naman ay umalis dahil may kailangan daw asikasuhin at mamaya pa siyang hapon babalik, ako lang tuloy ang tao ngayon dito. Naglakad ako papalapit sa malaking refregerator at naghanap ng pwedeng kainin, nahagip naman agad ng mata ko ang adobong tira namin kagabi kaya mabilis ko itong kinuha, nagsaing din sako sa rice cooker at matapos iyon ay masaya na siyang kumain.

Tinapos ko lahat ng kailangan gawin sa mansyon, nilabhan ko ang lahat ng labahan, mga kurtina, basahan, bedsheet, at pinaltan lahat ng bago ang mga iyon. Hapon na ng dumating si manang, sinabi din niyang bukas na daw ang dating ng mag asawang De Vega, ang mga magulang ni boss.

"Mabuti at nakapaglinis kana Aena, bukas kasi ang uwi nina ma'am Leah," Sambit ng matanda habang pumapasok sa kitchen dala dala ang mga prutas na wari ko ay pinamili nito.

"Mabait po ba sila?" Wala sa sarili sambit ko.

"Oo naman, mababait naman sila, wag mo lang galitin," ngumiti naman ako, kahit naman siguro sino kapag ginagalit, magagalit.

Mag aalas singko na ng magpasya akong lumabas sa mansyon, naisip ko lang na silipin ang ibang mga bahay na katabi neto, at isa pa, dalawang linggo na ng mula ng pumasok ako dito, hindi ko pa nalilibot ang paligid sa labas.

Ilang hakbang lang ang ginawa ko at tinanaw ang ilang malalaking bahay, pero hindi maitatangging mas malaki ang bahay ng boss niyang si Tyron sa mga bahay na iyon.

Sa dulo ng mansyon ay mayroong daan na paliko, dahil sa kuryosidad ko ay tinungo ko iyon, tumambad sakin ang lumang playground, mapapansin mo iyon kasi meron ng mumunting lumot ang semento dito, nangangalawang narin ang mga bakal, sira na rin ang ibang laruan para sa mga bata. Madilim dilim na kaya bumalik nako sa mansyon, nadatnan ko si manang na nagluluto kaya agad akong tumulong sa paghihiwa ng rekado.

Isang malakas na busina mula sa sasakyan na kadarating lamang ang nakaagaw sa atensyon namin.

"Si Tyron na iyon iha, ikaw na muna ang magbukas ng gate para sa kanya," Utos ni manang.

"Sige po," tinakbo ko ang gate at mabilis na binuksan yun. Pagkatapos ay pinanood kung pumasok ang sasakyan at dumiretso sa garahe.

Bumaba doon ang kanyang boss dala dala ang itim na attache case nito, hindi niya alam pero sa sandaling tumigil ito at humarap sa kanya ay tila napako siya sa kinatatayuan at bumibilis din ang tibok ng puso niya.

"Are you okay?" biglang tanong nito, napansin ata ang pagkaestatwa niya.

"Opo, good evening po sir," tumango lang ito bago pumasok sa loob.

Ako naman ay pumasok ulit sa kusina.

"Ipaghanda mo na si Tyron ng pagkain, baba na iyon dito," tumango ako.

Maya maya lang ay pumasok na nga ang binata, nakasuot na ito ng sandong hapit na hapit sa katawan nito. Mas kita tuloy ang maganda nitong katawan. Napailing iling ako, tama bang pangpantasyahan ko ang boss ko? Hayst

Naupo ito bago tumingin sakin, "Call manang, sumabay na kayo saking kumain," saad nito. "Mag isa lang naman ako at mas maganda kung sabay sabay na tayo, diba?" aniya pa nito.

Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon