Chapter 06

87 5 0
                                    

KINABUKASAN, hindi ako pinatulog ng maayos dahil sa nakita, bakit kasi umandar ang pagiging kuryuso ko ng mga oras na yun eh, ayan tuloy kung ano anong kababalaghan nakikita ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakangiwing pinagmasdan ang malaki kong eyebag. Umiling iling nalang ako at pumasok sa banyo para mag-ayos.

Lumabas na ako ng maid quarters, naabutan ko si manang na nagluluto kaya agad akong tumulong. Ako ang nagsalang ng ulam na ihahain sa agahan. Matapos iyon ay naisip kong lumabas para magdilig at maglinis ng pool, mabuti nalang at unti-unti ng nawawala sa isip ko ang nakita kagabi. Inisip ko nalang na normal naman talaga yun at hindi kona kailangang problemahin pa.

"Anong ginagawa mo?" napatalon ako sa gulat kaya nahulog ang hawak kong walis na mabilis ko ding sinimot agad. Nilingon ko ang lalaki habang bahagyang nakayuko kasi hindi ko siya matingnan ng diretso, sumasagi parin sa isip ko ang nakita.

"Nag-naglilinis lang po sir, good morning po pala," saad ko habang kagat kagat ang labi at nakatungo parin. Nag-iinit kasi ang pisngi ko sa di malamang dahilan.

"Nagulat ba kita? Sorry, i didn't mean it," ani nito.

"O-okay lang po, magugulatin lang po talaga ako," ani ko na ikinatango tango nito. Bahagya pa nitong itinagilid ang ulo niya na para bang sinisilip ako. Nakapamulsa ito habang nakasuot lang ng manipis na t-shirt, bahagya pang magulo ang buhok pero kahit ganon ay hindi nabawasan ang ganda ng itsura nito.

"Tyron! Where are you?" rinig nilang sigaw mula sa loob ng bahay kaya mabilis akong bumalik sa ginagawa, bastos man kung sabihin pero ayaw kong makita kami ng girlfriend niya na magkausap lalo na at kami lang dalawa ang naroon.

Umatras pa ako para makalayo, tinungo ko ang garden at doon nagwalis ulit. Isa isa kong pinulot ang tuyong dahon at inalis ang mga tuyong bulaklak, malakas parin ang kabog ng dibdib ko, para bang galing sa pakikipagkarerahan.

"Nandito kalang pala, akala ko kung nasaan kana, tara na sa loob," narinig kong wika ng babae kaya nilingon ko ito, naglalakad na ang dalawa papasok ng bahay habang nakakapit ang babae sa braso ni Tyron at ang lalaki naman sa bewang nito. Hindi ko alam pero may kaunting hapdi siyang naramdaman.

Pumasok na din ako pagkatapos, sa likod ako dumaan at nakita kong si manang na ang nagserve ng agahan ng dalawa kaya dumiretso ako sa laundry area para magsimula na sa paglalaba. Mas gusto ko dito para hindi sila makasalamuha, walang eksaktong dahilan sadyang ayaw ko lang.

"Aena kumain kana, tapos na sina Tyron," aya ni manang kaya ngumiti ako.

"Sige po manang, tapusin ko lang po ito," ani ko at tinutukoy ang huling kurtina na pipigain ko.

Mag-isa akong kumain sa kusina, nasa pool area ang magkasintahan at kahit nasa loob ay rinig na rinig ko ang hagikhik ng babae na para bang kinikiliti. Napangiwi ako dahil doon, hindi niya nalang pinansin at kumain na siya.

Inihatid din ni Tyron ang girlfriend niya kinahapuan, may shoot daw kasi ito kinabukasan kaya kailangan ng umuwi.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng marinig ang malakas na busina. Dali dali akong bumangon at tumatakbong tinungo ang gate ng mansyon. Maliwanag sa labas dahil sa ilaw sabayan pa ng liwanag ng buwan.

Isinarado ko rin kaagad ang gate pagkatapos ay tinungo ang sasakyan, bumukas iyon at lumabas mula doon ang lalaking mahigpit na nakakapit sa pintuan ng kotse na tila ba kumukuha dito ng suporta. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis itong dinaluhan ng makitang muntik na itong matumba. Amoy na amoy ko ang alak mula sa binata dahil nakasubsob ngayon ang ulo nito sa leeg ko kaya naman ako ang hirap ngayon. Hindi ko naman magawang tawagin si manang dahil baka natutulog na ito.

Lasing na lasing siya. Nagawa niyang magmaneho pauwi pero hindi niya magawang lumakad ng maayos ngayon.

Ang bigat! Inda ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng pagdating sa hagdanan ay lumakad ito ng maayos, tanging suporta nalang ang ginawa ko hanggang sa makarating kami sa silid niya.

Pabagsak itong nahiga sa kama, tiningnan ko ang kabuuan nito. Naisip kong alisin ang suot nitong sapatos dahil tiyak na sasakit ang paa nito kinabukasan kung hindi ko aalisin.

Ang kapal ng suot niyang damit. Alam ko ring hindi ito makakatulog ng komportable kung suot iyon. Hubadin koba? Nag-init naman ang pisngi ko sa naisip.

Bahagya itong nag-unat kaya nakadipa na ito ngayon. Sa huli ay napagdesisyonan kong linisan ito.

"Lilinisan po kita sir ah," mahinang paalam ko kahit na alam kung hindi naman niya iyon maririnig.

Pumasok ako sa banyo nito at kumuha ng panlinis. Kumuha din ako ng damit para sa binata.

Nangininginig ang kamay ko habang nakapikit na ibinababa ang suot nitong dresspants. Hanggang sa matapos ako ay nakapikit, kabado at nanginginig.

Tatayo na sana ako para ligpitin ang mga ginamit kung panlinis sa kaniya nang hawakan nito ang kamay ko na ikinagulat ko.

"S-sir,," aangal pa sana ako pero malakas ako nitong hinila dahilan para pumaibabaw ako sa kaniya. Nanlalaki parin ang mata ko sa gulat at handa na sana akong bumangon ng hawakan nito ang magkabilang pisngi hanggang sa naramdaman ko nalang ang malambot nitong labi na dumapi sa labi ko.

"Argh!" Hindi pa ako nakakabawi sa paghalik niya sakin ng kagatin niya ang ibabang labi ko. Mabilis niyang naipasok ang malikot niyang dila sa loob ng bibig ko.

"Uhmm!" gusto kong sapakin ang sarili ko sa ginawa kong pag-ungol.

Mabilis niyang nabaliktad ang sitwasyon namin, siya na ngayon ang nasa ibabaw at ako ang nasa ilalim. Hindi parin niya pinuputol ang halikan sa pagitan namin. Unti unti akong naliliyo sa mga halik niya at nadadala.

Mali ito!

Tumigil ito sa paghalik at namumungay ang matang tinitigan ako. Akala ko ay titigil na ito ngunit bumaba ang tingin nito sa leeg ko at sumubsob doon, nagulat ako ng sipsipin niya ang bahaging yun ng leeg ko na alam kung mag-iiwan ng marka. Mabilis ko siyang naitulak dahil doon. Mabilis akong tumayo habang ang binata naman ay tumagilid at pumikit na para bang walang nangyari.

Dali dali akong lumabas ng silid at tumakbo papunta sa silid ko. Pagkarating doon ay mabilis akong pumasok sa banyo para tingnan ang leeg ko. Napahawak ako sa pulang bahagi doon.

"Tanga tanga mo Aena, bakit mo hinayaan na mangyari to?" sumbat ko sa sarili ko.

Napahawak ako sa sariling labi at nararamdaman ko parin ang malambot na labi ng binata doon.

Lasing lang siya kaya ganoon, pagkumbinse ko sa sarili ko.

Pero paano ko siya haharapin bukas? Paano ko tatakpan ang pulang marka na nasa leeg ko?

Hindi pa nga ako nakakamove-on sa nakita ko noong isang gabi tapos heto nanaman.

Naiinis ako sa sarili ko dahil nagustuhan ko ang ginawa niya kanina kahit na dapat ay mandiri ako. Paulit ulit kung isinaksak sa kukote kona mali ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon