Teka babalikan ko po muna yung mga readers na nag promise ako for dedication.----------------------------
GAIL POV
Ilang weeks narin mula ng malaman ko na may posibleng koneksyon si Semira kay Lindon pero hanggang ngayon ay hindi ko ma confirm kung ano yun.
Hindi ko rin naman masabi kay Lindon ang lahat at sakali man ay wala rin itong maaalala. Saka ko na ito sasabihin sa kanya pag may nakuha na akong malinaw na sagot sa lahat.
Pinagpatuloy ko ang pagsunod at pagmasid kay Semira at ilan pa ngang beses ko itong nakikita sa patuloy na pagsunod din kay Lindon pagbibigay dito ng regalo ng pasikreto at pag mamasid sa lalaki mula sa malayo na kung minsan ay hindi ko nakakayanan kaya pag tila kakapusin nako ng hininga sa tila pagpiga sa puso ko sa nasasaksihan dito ang ginagawa ko ay tumatalikod nako at matatagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak.
Yeah... Im crying.... Im crying not because of Lindon but im crying because of her!
Sa ilang weeks na dumaan ay unti unti ko rin nalaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.
What is exactly im feeling towards Semira at based sa lahat ng naramdaman ko mula pa ng una ko siyang nakita hanggang sa mga sumunod na linggo ay sa wakas nasagot din ang lahat.
Naamin ko rin sa sarili ko that I fell to that girl.... I fell the first time I laid my eyes on her. Doon sa shop kung saan ko siya unang nakita.
Hindi ko pa alam kung paano ko tatanggapin ng una ang katotohanan na sa babae ako nahulog.
Paano yun nangyare?
Litong lito ako noong oras na mabigyan ko ng pangalan ang nararamdaman ko.
Para ngang gusto ko agad na magpa doktor ng oras na iyon o magpa council baka sakaling may ibang sagot at esplinasyon sa lahat.
But no, kahit san kong anggulo tignan isa lang ang sagot. I FELL AND I JUST NEED TO ACCEPT IT!
What can I do? Ito yung nararamdaman ko. Can I tell to my heart to choose who to love? That it should be a guy??
It can't be right?
It never does!
Sa ilang beses akong nasaktan at pinaiyak ng mga nakikita ko dito towards Lindon, paano ko yun ipapaliwanag sa sarili ko, gayong malinaw na malinaw na nasasaktan ako sa atensyon at tila pagiging secret admirer nito sa ibang tao?
Napaka Ironic!!!
Lindon chasing me, and Semira seems chasing him and now here I am chasing her.
Her presence always drawing me close to her. Yung parang magnet na hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi siya lapitan tuwing may pagkakataon.
Ngayon ay nakatayo ako habang nakatingin sa kanya na nakaupo sa isang bench na tila may malalim na iniisip. At muli ay para akong inuutusan ng mga paa ko na lumakad palapit dito at pilit ko mang pinigilan gawin iyon ay natagpuan ko na lamang ang sariling naglalakad palapit sa kanya.
I continue walking towards her at nang tila apat na hakbang nalang ang layo ko dito ay napalingon ito sa gawi ko.
I saw how she frown while looking at me, at ng halos nasa harap na talaga ako nito ay natigilan ako ng bigla nalang kung saan ay may humatak sa bewang ko at hinatak ako payakap ng kung sino mang iyon.
"Guess what baby? Nanalo kami."
Kasabay ng tinig na iyon ay ang paglanghap ko sa pabango ni Lindon.
BINABASA MO ANG
CHASING MY FLING'S EX GIRLFRIEND!
Chick-Lit"Stop following me around, Im getting sick of you!!" "I won't hanggat hindi mo tinitigilan si Lindon." Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin matapos ay tinitigan ako nito ng seryoso. "Let him go Gail, you don't love him! He doesn't deserve th...