Kabanata 1
Patapos na ang school year pero eto pa rin ako tarantang taranta sa mga requirements. Paano ba naman kasi. Pasagutan ba naman ang buong libro sa inyo tapos magbibigay sila ng deadline na napaka aga. Naka e-book kasi kami. Kaya minsan ay hindi ko na sinasagutan yung mga activities sa e-book. Ang hirap kayang magsagot do'n. Minsan nga ay magsasagot ako tapos bigla bigla na lang mawawala yung mga sagot ko. Basta ang hirap gamitin kaya sana next year ay bumalik na kami sa libro. Mas gusto ko na ang libro kaysa sa e-book ngayon.
Kasi ganto yan. Naka e-book kami kaya ang hirap magsagot sa tab. Kaya ang pinagawa sa amin ay isusulat ang mga sagot sa notebook.
By group sa amin pinapasagutan yung mga activities. Nakakainis naman kasi yung nagreklamong magulang noong meeting. Anila'y bakit wala daw mga sagot yung mga e-book namin. Nainis naman kaming mga estudyante sa ginawa ng principal namin. Kaya hindi pipirmahan yung clearance namin hangga't hindi pa tapos sagutan yung mga activities.
Nandito kami sa canteen ngayon. Pagod na pagod na yung kamay ko sa kakasulat ngayon. Kasama ko ang mga groupmates ko. Sina Noami, Henry, Joey, Rica, at ang leader namin na si..
Tentenenenennnn!
"Josh." Tawag ko sa kanya.
Tinignan niya ako.
"Kaswelo mo din, noh?" Sabi ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Sa halip ay tinuloy niya ang pagtetext.
"Rica, huwag mo ng ituloy 'yan. Hayaan mong siya ang magsulat." Sabi ko kay Rica na pagod na pagod na sa pagsusulat.
Umiling lang siya at bumulong na kaya pa daw niya.
Sobrang bait talaga netong si Rica. Pero sa sobrang bait naman niya ay nagiging tanga na siya. Hindi niya ba nahahalata? Inaabuso nitong si Josh si Rica. Porket alam niyang may gusto ito sa kanya.
Ayan ang hirap sa mga lalaki. Porket alam nilang mahal sila nung tao ay aabusuhin na nila ito. Wala akong pake kung sasabihin niyong, "Hindi naman lahat."
At eto pa, umaasa si Rica na sa pagsasagot niya ng libro ni Josh ay may gusto din ito sa kanya.
"Rica, ikaw na magsagot nitong sa akin. Please? Tapos ka naman na, diba? Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Sabi kanina ni Josh kay Rica. Kaya si Rica ay agad namang pumayag.
Hindi na talaga ako makatiis kaya kinuha ko na yung notebook at ballpen kay Rica. Pinanlakihan ko ng mata si Rica dahil may balak pa siyang pigilan ako.
Etong si Josh ay prenteng-prenteng nakaupo habang may kausap. Nakatalikod kasi siya sa amin kaya hindi niya alam na nakikinig ako sa kanya.
"Yes, baby. What do you want? Ice cream? Cupcake? Cake? What?" Humalakhak pa siya.
Ang landi talaga! Baby baby pang nalalaman. Mabuntis na sana niya si Ella. Para magiging batang ama na siya.
Napairap ako sa kawalan. Ugh!
"Yes, of course. Ikaw lang ang babae sa buhay ko. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko. I love you, baby Wynoena Arceo."
Wala talagang pinagbago 'tong hayop na 'to. Akala ko ba may girlfriend na siya? Akala ko ba mahal na mahal niya si Ella? May iba nanaman siyang babae. Wynoena? Mukhang aso.
Once a gago, always a gago.
Ganyan din yung sinabi niya sa akin, eh. Mahal niya daw ako. Ako lang daw ang babae sa buhay niya. Ako lang daw ang mamahalin niya forever. Seriously? Wala na ba siyang ibang masabi?
"Hoy, Joshua!"
Tumingin siya sa akin. Halata naman sa mukha niya ang pagkagulat.
"Kanina ka pa diyan?" Tanong niya sa akin.