Kabanata 3

38 3 0
                                        

Kabanata 3

Kanina pa ako sinesermonan ni Mama dahil ang tagal tagal ko daw kumilos.

"Ma, teka lang po!" Sigaw ko kay Mama.

Nandito pa ako sa kwarto at nagsusuklay ng buhok. Dali dali kong kinuha yung bag ko sa kama.

"Aunice! Ang tagal mo!" Sigaw ulit ni Mama.

"Nandiyan na po." Sagot ko sa kanya at ni-lock ang pinto ng kwarto.

Kanina pa kasi sila nasa sala. Kanina pa nila ako hinihintay. Susunduin daw kami ng Tita ko. Ikakasal kasi yung pinsan namin na si kuya Jaxton. Beach wedding ito. Tatlong araw kami doon dahil tutulong kami nila mama sa paghahanda sa kasal. Maganda na din ito dahil kahit papaano ay makakapagbeach naman kami nila Mama ngayong bakasyon.

"Ma! Ate! Nandito na po sila Tita Margarette." Sabi ni Yassi at binuksan ang gate.

Tinulungan ko si Mama sa mga dala niyang bag. Bumaba si Tita mula sa van at binati si Mama. Nag-mano naman kaming dalawa ni Yassi sa kanya.

"Hi, tita!" Bati ko sa kanya.

"Aunice!" Sabi niya sa akin at ngumiti. "Pasok na kayo sa loob. Tulog pa yung mga pinsan mo. Hindi kasi natulog kagabi kaya ayan, tulog silang lahat." Sabi ni Tita at pumasok na ulit siya sa front seat.

Pinauna ko munang papasukin sa van si Mama at si Yassi. Sa harap sila umupo kasama ni tita Feli. Nag-mano din kami ni Yassi sa kanya.

"Tito Robs!" Bati ni Yassi kay tito Robert na nagdadrive sa harap.

"Hello sa pinakamaganda kong pamangkin! Gumaganda lalo, ah?" Sabi ni tito. "Kaya lang parang dumoble yata ang taba ng pisngi natin, ah!" Biro niya at tumawa.

"Tito Robs naman, eh!" Pagmama-arte ni Yassi.

Magkasundo sila sa lahat ng bagay kaya naman ay super close silang dalawa. Si Yassi nga lang ang tumatawag ng Tito Robs kay tito eh. At puro lalaki ang anak ni tito kaya parang anak na din niya si Yassi. Gusto kasi niya ng anak na babae ngunit hindi naman sila biniyayaan.

Apat na magkakapatid sila mama ko. Lahat sila ay puro babae.

Panganay si tita Margarette. Tatlo naman ang anak nila ni tito Robert. Sina kuya Grayson, kuya Callum, at kuya Kobe.

Sunod naman si tita Zeny. Isa lang ang anak nila ni tito Jay at yun ay si kuya Jaxton na ikakasal.

Pangatlo naman si tita Feliciana. Hiwalay na sila ng asawa niya. Dalawa naman ang kanyang anak. Sina Yves at Yvette.

Sunod si mama.

At ang bunso sa kanila ay si tita Amanda. Tatlo naman ang anak nila ni tito Riccardo. Sina Daria, Wren, at Sonia.

"Hoy!" Sigaw ko sa mga pinsan kong mahimbing ang mga tulog.

Umupo ako sa dulo. May bakante pa kasing upuan do'n. Sa tabi ni kuya Kobe.

Hindi kami kumpletong magpipinsan. Sila tita Zeny ay gamit ang kanilang sasakyan dahil hindi na kasya dito sa van.

"Aunice huwag ka ngang maingay." Bawal sa akin ni Mama.

Ang himbing talaga ng tulog ng mga pinsan ko. Naisipan kong kunan sila ng picture. Nilabas ko ang phone ko at isa isa silang kinuhanan. Sobrang pigil ko ng tawa kaya tumigil na ako baka kasi magising ko pa sila.

Tinignan ko yung mga pictures at todo pigil ko na ng tawa. Si kuya Callum ay nakuhanan ko pang nakanganga.

Umupo na ako ng maayos at naisipang i-upload ito sa facebook. Binuksan ko ang aking facebook at pinost ito. Hindi ko na sila tinag dahil baka makita pa nila agad. Pilit kong pinipigilan ang tawa ko habang nagu-upload.

Bitter HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon