SIMULA
"Aunice!" Kulit sa akin ni Sean. Winagayway niya pa sa mukha ko yung kanang kamay niya.
"Manahimik ka." Ani ko sabay kuha ng Clover Chips. At hindi sila pinansin. Buti nga ay medyo busy silang nagkwekwentuhan. Talagang makulit lang itong si Sean. Kanina pa kasi ako tahimik. Wala lang. Wala lang sigurong sa mood.
Kanina pa kami nandito sa 7 11. Dito ang tambayan namin pag wala kaming ginagawa. Nag aambag ambag kami ng tig-30 tapos bibili kami ng isang softdrinks na malaki at mga chichirya.
Patapos na ang school year. Last week na 'to kaya busy kami sa mga requirements pero nagawa pa din naming tumambay. Next school year ay grade 10 na kami. Excited na ako pero at the same time, kinakabahan.
"Guys, alam niyo ba si Kayla tsaka si Briko!" Eto nanaman si Kari. And dami daming nalalaman na kwento. May pagkachismosa kasi. Lalo na ex crush niya si Briko kaya malamang ay updated siya sa girlfriend nito. "Break na daw sila." Tuwang tuwa niyang sabi.
"Sabi ko naman sa inyo, eh. Hindi magtatagal 'yang dalawang yan!" Singit ko sa kanila at kumuha ulit ng clover. Ako na lang ata ang kumakain. Panay kasi sila kwentuhan.
"Ayan. Diyan!" Sabi naman ni Kaina. Tinapunan ko siya ng nagtatakang tingin. "Diyan ka magaling!"
Inirapan ko sila.
"Tss. Bahala na nga kayo diyan. Basta ako? Wala akong pake." Sabi ko sakanila at nilaklak ang natitirang softdrinks.
"Wala daw siyang pake oh?" Sabi naman ni Meredith. Nagtawanan naman sila.
Napabuntong hininga na lang ako. Magkaroon ka ba naman ng gantong mga kaibigan. Lima kaming magkakaibigan. Puro kami mga babae. Sina Sean, Kaina, Kari, at Meredith.
"Aunice! Si Josh oh." Sabay nguso ni Kari sa likod ko. Bigla akong kinabahan. Automatic naman akong napatingin sa likod ko.
"Tangina mo." Sabi ko ng mapagtantong niloloko lang nila ako. Bakit kasi ako tumingin sa likod? Eh wala naman akong pake. Bakit Aunice? Bakit?!
"Yan ba ang walang pake? Bilis mong lumingon, ah?" Ani ni Sean.
Malamang lang na lilingon ako. Aba, bibigyan ko ng warm hug si Josh pag nakita ko siya. Hahalikan ko pa siya! At sasabihin ko sa kanya na putangina niya. Ang sweet ko, diba? Oo na. Mahal na mahal ko 'yun eh. Yung tipong kaya kong pumatay para sa kanya.
"So, ano na ngang nangyari kila Kayla at Briko?" Balik ni Kaina sa usapan. Laking pasalamat ko ng ibahin nila ang topic.
"Ayun nga. Etong si Briko daw, nanloko. May ibang babae daw habang mag on pa sila ni Kayla--"
"Two timer." Putol ko sa kwento ni Kari. Nakatingin lang ako sa kawalan habang pinapakinggan siyang magkwento.
"Bitter." Sabi naman ni Kari. Inirapan ko siya. "Nakita daw ni Kayla na naghahalikan sa fire exit itong si girl at si Briko. Kaya ayun. Pinagsasampal sampal daw ni Kayla si Briko tapos pinagsasabunot-bunutan daw niya itong si girl."
Puta, mga malalandi nga naman. Hindi makuntento sa isa.
"Haaaay, kawawa naman si Briko myloves." Sabi ni Kari.
"Saan banda ang kawawa don, Kari? Dapat lang sa kanya yun!" Sagot ko naman sa kanya.
Siya na nga ang nanloko. Siya pa ang kawawa?
"No. Ang ibig kong sabihin, yung mukha ni Briko myloves. Pulang pula daw eh. Puro galos pa daw." Ani ni Kari.
Napailing ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala.
"Alam mo kung sino ang kawawa?" Tanong ko sa kanya. "Si Kayla! Kari, si Kayla ang kawawa! Sino ba ang niloko? Si Kayla diba? Kung tutuusin nga kulang pa yung sampal na ginawa niya, eh. Kumpara do'n sa sakit na naramdaman niya nung time na nakita niyang may kahalikan yung mahal niya. Gagaling agad yung pagsampal na ginawa ni Kayla sa kanya. Eh yung ginawa ni Briko kay Kayla?" Umiling ako at tumayo na.
"Hashtag hugot." Sabay sabay nilang sinabi.
Ayan ang problema sa mga lalaki eh. Lahat sila, sa una lang magaling. Oo, LAHAT. Sa una, ipaparamdam nila sayo na special ka. Ipaparamdam nila sayo na mahal na mahal ka nila. Hanggang sa mahuhulog ka na ng sobra pa sa sobra. Tapos ano? Iiwan ka din nila. IIWAN KA DIN NILA. Tapos ano pa? Eto ka ngayon, iiyak iyak. Para ka ng tanga sa kakaiyak.
Pero sinasabi ko sa inyo.
HINDI AKO BITTER. Hindi talaga ako bitter. Naka move on na ako. NAKA MOVE ON NA!
"SM na muna tayo! Ang aga pa oh." Sabi ni Meredith sabay tingin sa kanyang relo. Wala naman akong nagawa kung hindi sumama dahil pumayag na din naman silang lahat.
Pagkarating namin do'n ay nagyaya si Sean na bumili ng ice cream. Libre daw niya. Niloko pa nga namin siya dahil himala ay manlilibre siya.
"Annepalaya, eto ice cream mo oh." Sabay bigay sa akin ni Sean ng kabibili nilang ice cream. Kung hindi lang ako nilibre nito, sasapakin ko na 'to eh.
"Stop calling me Annepalaya, Sean." Second name ko ang Anne. Dahil nga bitter daw ako ampalaya ang tawag niya sa akin. Pero naisip niya na ang Am at Anne ay magkatunog kaya pinalitan niya ng Anne yung Am.
"Okay, Anne.." Sabi niya at dinilaan yung ice cream niya. "Palaya."
Mapapamura ka na lang talaga sa kakulitan netong si Sean.
Nag-yaya na akong umuwi pagkatapos naming kumain ng ice cream pero ayaw pa nila. Maglibot libot muna daw kami. Pag kasama ko talaga ang mga kaibigan ko, butas ang bulsa ko. Wala akong naiipon. Mawawala na lang sa isang iglap ang pera ko. Magastos sila. Sobra.
"Tara sayaw tayo!" Sabi ni Kaina.
Tama ako, diba? Sabi nila maglilibot lang pero parang mapapagastos nanaman ako ata ako.
"Wala na akong pera." Sabi ko naman.
Pinigilan ko talaga ang sarili ko na wag gumastos. Kaya nagpaalam muna ako sa kanila na maglilibot muna ako. Pumayag naman sila kaya iniwan ko na silang sumasayaw doon.
Bumili muna ako ng maiinom bago maglakad lakad. Para naman hindi ako kawawang naglalakad magisa. Sabagay, sanay naman na akong magisa. Sanay na akong maiwan. Sanay na akong masaktan. Sanay na akong maloko. Sanay na akong humugot. Kaya titigilan ko na 'to.
Pumunta muna ako sa sinehan. Tinignan ko kung ano yung mga palabas kahit na hindi naman ako manonood. Pitch Perfect 2 at Para sa hopeless romantic lang naman ang alam ko do'n kaya umalis na ako. Pumunta na lang ako sa world of fun. Makikinood sa mga naglalaro.
Ang daming papogi dito. Nakakairita kaya lumabas na lang ako. Tumambay ako do'n sa may gilid at tinignan yung mga bumababa sa escalator. Kung nakikita mo lang siguro ako ngayon ay mapagkakamalan mo akong druglord. Mukha akong tanga kaya umalis na ako.
Kaswerte ko nga namang ngayon araw.
"Uy."
Nakasalubong ko pa ang pinakamamahal ko kasama ang pinakamamahal niya.
Joke.
"J-josh.." Shit. Tumingin ako sa kanan niya. "Ate Ella." Nginitian ko silang dalawa. Hindi ko alam kung anong hitsura ko ngayon kaya nagpaalam na kaagad ako matapos niya akong batiin pabalik.
Sabi ko naman sa inyo diba? Mahal na mahal ko yun. Yung tipong kaya ko silang patayin na dalawa. Sobrang sweet nga nila eh. Okay lang. Makakarma din sila. Bukas, makalawa, at sa susunod na taon.
Sinasabi ko ulit sa inyo.
Hindi talaga ako bitter. Masakit lang na makitang masaya yung taong dahilan kung bakit ka nasaktan. Masaya siya samantalang ikaw.. Nagdurusa.
Hindi, eh. Naka move on na talaga ako! Promise! Peksman! Mamatay man si Josh!