Kabanata 4

34 2 1
                                        

Kabanata 4

CAT 1 ko na. Isang linggo kaming tutunganga sa school. Wala nga daw ginagawa sabi ng isa kong classmate na kakatapos lang mag CAT 1. Sana ngayong week ay walang masyadong gagawin.

Nandito muna kami sa may harap ng school. 7 am ang pasok namin pero ang iba ay pumasok ng 7: 30. Syempre, filipino time.

Dumating na si Ma'am Sebastian kaya umayos kami ng upo.

"Good morning po ma'am!" Sabay naming sabi.

"Good morning din." Sabi niya at ngumiti. "So, kumpleto na ba kayo?"

"Hindi pa po." Sagot ni Devon.

Tumango si ma'am. At pinasunod niya kami sa office niya.

Tinulungan ni Rydell si ma'am sa pagbubuhat ng mga dala niyang gamit samantalang kami ay sumunod lang.

Kinausap kami ni ma'am at inassign kami. Sinabi na din niya ang mga gagawin. Madali lang pala. Yung nga naassign sa harap ay uupo lang sa may mesa na malapit sa gate. Ituturo lang nila kung saan dapat pumunta. Room 1 kapag sa mga mageentrance exam. Mga incoming first year lang. Room 2 naman sa mga magpaparegister.

"Aunice, ikaw na lang doon sa room number 2." Sabi sa akin ni Ma'am Sebastian.

Dalawa lang pala ang teacher na nandito ngayon sa school. Sina ma'am Sebastian at ma'am Buenaventura.

"Sino pong kasama ko, ma'am?" Tanong ko.

"Si Josh na lang. Kasi yung iba naassign ko na sa harap at yung iba naman ay nasa room 1. Lima lang kayong nakaduty, diba?" Ani ni ma'am.

Oo, lima kaming nakaduty pero apat na lang dahil absent si Josh. Hah! Lagot siya kay principal niyan. Ibagsak na yan! Sabi kasi ng principal namin na bawal ang mag-absent. Bagsak na daw kaagad lalo na kung hindi naman valid yung reason.

Si Marcus ay naka-assign sa harap. SinaSina Devon naman at Rydell ay nasa room 1. Ako at si Josh naman ay room 2.

Tumango ako. "Opo. Pero absent po si Josh ma'am." Sagot ko sa kanya.

"Naku! Yun talagang batang yun!" Sabi niya at tumawa. "Sakit talaga sa ulo!" Tumawa ulit siya. "Ikaw na muna mag-isa, Aunice. Kaya mo naman 'yan." Sabi niya at umalis muna siyamuna saglit dahil tinawag siya ni ma'am Buenaventura.

Pumunta na ako sa room 2 dahil nagsialisan na din yung iba kong mga kasama.

Binuksan ko ang pinto at nakita ang mga papers sa table. Mga registration forms.

Umupo muna ako habang hinihintay si ma'am Sebastian. Hindi niya pa kasi nasasabi yung mga gagawin ko.

Ang init dito sa room. May aircon nga ayaw naman isindi. Sayang daw sa kuryente. Inopen ko na lang yung mga bintana. Ang init kasi, sobra. Wala ding kwenta yung electric fan. Ang dumi kaya mahina ang binubuga nitong hangin.

Kumatok si ma'am Sebastian at tumayo. Binuksan ko yung pinto.

At nagsimula na siyang mag-explain ng mga gagawin ko.

"Dalawa yang registration form. Yung isa ay para sa mga graduating. Original itong mga 'to." Sabi niya at tinuro. "Ito naman ay mga pina-photo copy lang. Ito yung para sa mga hindi graduating." Paliwanag ni Ma'am. Tumango naman ako.

"Pagkatapos nila ay papuntahin mo sila sa room 3. Sa office ko. Okay?" Sabi niya.

"Okay po." Sabi ko at ngumiti.

Madali lang naman pala ang gagawin ko.

"Oh one more thing," pahabol ni ma'am bago siya lumabas ng room. "After nilang mag fill up ng form, i-check mo palagi yung landline or cellphone number nila. Dapat ay mayroon nakalagay do'n." Sabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitter HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon