Kabanata 2

28 4 0
                                    

Kabanata 2

Isang linggo na din ang nakalipas magmula nung matapos ang recognition. Sa ngayon, boring pa ang bakasyon ko. Dahil nasa bahay lang ako palagi. Sana nga ay pasukan na lang ulit.

"Walang forever mga ulul!" Sigaw ko sa dumaang nakamotor.

Todo yakap naman ng babae sa lalaki. Akala mo naman mahuhulog siya. Idikit niya pa yung dibdib niya sa likod ng boyfriend niya. Nakakasuka talaga. Nakakakilabot.

"Ate! Tumigil ka nga diyan." Suway sa akin ng nakababata kong kapatid.

"Yas! Tumigil ka nga diyan." Ginaya ko siya. Inirapan lang ako. Aba!

Bumuntong hininga siya.

"Si ate Aunice talaga. Parang bata." Inis niyang bulong.

"Si Yassi talaga. Parang matanda." Gaya ko ulit sa kanya. Napangiti ako ng makita siyang nairita.

Kiniliti ko ang tagiliran niya para hindi na siya nakabusangot. Hindi kasi maipinta ang hitsura niya.

Pauwi na kami ngayon galing kila Lola namin. Sinundo ko siya dahil doon siya natulog ng isang linggo dahil walang kasama sa bahay si Lola. Napagdesisyunan namin na maglakad na lang. Tutal ay malapit lang naman. Hindi naman nakakapagod lakarin.

"Ate, bakit ang bitter bitter mo?" Tanong sa akin ni Yassi nang huminto muna kami sa tindahan para bumili ng softdrinks at chichirya.

"Hindi naman ako bitter, ah?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi daw bitter pero kung makapag sigaw kanina ng walang forever, akala mo end of the world na. Ang sakit kaya sa tenga!" Sabi niya sabay sipsip ng sotdrinks niya. "Pero seryoso ate, hindi ka pa ba nakakamove on kay kuya Josh?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"N-nakamove on na syempre!" Sagot ko sa kanya.

"Talaga lang ate, ah?" Ngumisi siya sa akin. "Pero bakit ka nagkaka ganyan?" Tanong niya pa sa akin.

"Ha?" Hindi ko kasi siya maintindihan. Anong bakit ako nagkaka ganito? "What do you mean?"

"Bakit ka na nagkakaganyan? Bakit hindi ka na naniniwala sa forever? Bakit iniisip mo na lahat ng lalaki ay pare-parehas? Bakit akala mo lahat ng lalaki iiwan at lolokohin ka lang? Bakit hindi ka na lang maghanap ng iba? Bakit nga kasi hindi ka pa nakakamove on?" Sunod sunod niyang tanong sa akin. Napanganga naman ako.

"Ikaw? Bakit ang dami mong tanong?" Tanong ko sa kanya at pinisil ang kanyang matabang pisngi. Pinanggigilan ko ito.

"Ate naman! Masakit!" Reklamo niya at tinanggal ang kamay ko sa kanyang pisngi.

"Ikaw.." Sabi ko sa kanya. "Huwag ka munang mag boboyfriend! Sisirain lang niyan ang buhay mo. Iistorbohin ka lang nila. Mag aral ka ng mabuti. Wag kang aasa sa mga lalaki. Ayokong masaktan ka dahil sa lalaki. At huwag na huwag kang maniniwala sa kahit na anong sasabihin nila. Okay?" Ani ko sa kanya. At hinila na siya para maglakad ulit.

"Hindi daw siya bitter.." Bulong niya sa kawalan ngunit narinig ko 'yon kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Okay okay!" Sabi niya at tumawa.

Pagkauwi namin sa bahay ay agad sinalubong ni Mama ng yakap si Yassi. Isang linggo din siyang nawala kaya naman ay miss na miss na siya ni Mama. Incoming grade 7 na ang kapatid ko. Grumaduate siya kaya naman ay nagkaroon ng konting salo-salo sa amin noong araw ng graduation niya.

Pumunta muna ako sa kwarto at hinayaan silang dalawa sa sala. Ang dami daming kwento ni Yassi.

Pagpasok ko sa kwarto ay nag open muna ako ng facebook ko.

Bitter HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon