Chapter 5

1.1K 60 1
                                    





Nauna na akong pumunta sa hapag-kainan habang ang dama ay nakasunod lamang sa akin, wala akong oras para sa dramahan nila gutom ako, tsk.

Agad naman na pumasok ang Reyna at Hari pati na ang dalawang asungot. Bakit ba simula ng mapunta ako dito, lagi nalang mainit ang ulo ko? I'm always calm, at dito? Lagi akong inis O galit hayss.

Agad naman silang umupo. Tiningnan ako ng Reyna pero hindi ko nalang siya pinansin,

" A-anak, bakit mo ba ginawa yun sa dama? " Mahinahong Saad ng Reyna napatingin naman ang Hari at dalawang lalaki sa akin. I rolled my eyes.

" Hellaisha! Wala ka talagang galang sa mga magulang natin- "

" And you? " Putol ko sa sinasabi niya, napakunot ang noo niya.

" What? " Parang inis na saad niya, napangisi ako ng palihim.

" At ikaw? Ginagalang mo rin ba sila? " Parang walang pake kong saad at uminom ng tubig.

" Y-you bitch! " Umiigting ang panga niya at tumayo kaso hunawakan ng lalaki ang kaniyang braso. Tinaasan ko sila ng kilay.

" Calm down " Bulong ng lalaki sa kaniya na rinig ko naman. I smirk at them.

" Salita pa lang yan, inis at galit na kayo... " Sinadya kong putulin ang sinasabi ko, I smirk at them while looking at their eyes.  " Paano na kaya pag may ginawa na ako? " Nakangising Saad ko. Nanlaki bigla ang mga mata nila, nakita ko ang takot sa kanilang Mata.... Yikes I'm enjoying this.

Tumawa ako.... Nakakakilabot na tawa .... Klase ng tawa na may gagawin... Tinuro ko ang mukha nila habang tumatawa.

" Nakakatawa ang reaksyon niyo hahaha " Natatawang saad ko. Bumuntong hininga naman sila. Tsk.

Hindi ko na sila pinansin at nag simula ng kumain, narinig ko naman na bumuntong hininga ang Hari at Reyna at nagsimula na ring kumain.

Ngayon ko lang naalala, hindi ko pala gusto ang mga damit nila, ang mga dress ang kakati sa balat ano bang klaseng tela toh.

Tumikhim ako at tumingin sa Reyna na ngayon ay nakatingin na sakin.

" Pupunta pala ako sa pamilihan bibili nang-- "

" Of course, hellaisha, pupunta ka doon para ano? Para bumili ng kolorete sa mukha? I thought you got amnesia, wow napagod ka na ba sa pagpapanggap --- FUCK " Sigaw niya at napahawak pa sa dibdib.

" HELLAISHA! " sigaw naman ng lalaki at napatayo. Masama ang tingin na pinukol ko sa kanila.

" Don't. Cut. My. Words. While. I'm. Talking. " Madiin at galit na saad ko. Tumayo ako at inayos ang bisteda ko at tumingin sa dalawang lalaki.   " Sa susunod na magsalita ka habang nagsasalita pa ako, ang kutsilyong iyon " Sabay turo sa kahoy O ano man yan kung saan nakabaon ang kutsilyong tinapon ko , sinadya ko lang na hindi siya patamaan.   " Hindi na sa kahoy nakabaon, kundi sa bibig mo " Malamig na saad ka.

Tumayo ang lalaki.

" Sumusobra ka na Hellaisha! Nasaan na ang galang mo sa-- " Pinutol ko ang sasabihin niya.

" Ginalang niyo rin ba ako? Kaya wag kang magsalita tungkol sa galang dahil wala kayo nun" Malamig na saad ko. Pati ang Reyna at Hari ay nakatingin na sa akin na may kung ano sa  mga mata nila. Tsk. Tumalikod na ako at hindI na inintay ay ang sasabihin nila.

" Maid " Tawag ko, agad naman siyang lumapit sa akin habang namumutla.

" Let's go. Sasamahan mo ako sa pamilihan. " Saad ko, tumango naman siya at umalis na sa hapag-kainan.

Nakasakay na ako ngayon sa karwahe pero ang ganda kasi ang daming gold, Hindi ko alam kung totoo ba 'to. Mamimili ako ngayon ng mga tela, nakalimutan kong sabihin na may business pala si mommy ng Clothing kaya may kaunti akong kaalaman sa mga tela at pagtatahi, tinuruan niya ako eh.

I miss them... Lalo na ang kambal kong kuya na maiingay, kailan kaya kami magkakasama. Kailangan ko rin maka-usap ang mga goddess na iyon, sila lang ang makakasagot sa mga katanungan ko. Bumuntong hininga nalang ako at tumingin sa paligid.

Kitang-kita ko ang bundok, napansin ko rin dito na ang araw Hindi siya masakit sa balat, kailangan kong pag-aralan kung anong klaseng lugar ito. Tumingin ako sa maid na katapat ko.

" Maid " Tawag ko, para naman siyang nagulat at bahagyang nanlalaki ang mata. Her reaction is kinda funny.

" Yes, your Highness? " Parang nanginginig pa ang kaniyang boses. Tsk

" May pamilihan ba rito ng mga libro? " Tumango naman siya.

"Sasamahan mo ako." Tumango lang ulit siya.

Ilang minuto ang nagdaan at sa wakas nakarating din kami, pagbaba ko pa lang, karamihan ay tumingin sa akin at nagsimulang magbulungan, pati ba naman dito may chismosa? Hindi ko nalang sila pinansin at namili nalang ng tela dahil wala naman silang tinda na mga t-shirts at jeans, kaya ako nalang ang gagawa. Lahat ng kakailanganin ko ay binili ko na.

May nakita rin akong mga pintura? Pero Kakaiba siya pero pintura parin naman, kaya binili ko nalang rin gusto kong baguhin ang theme ng kwarto ko kahit naman hindi ako marunong eh susubukan ko.

Ilang oras rin ang aking ginugol sa pamimili at ngayon naman ay nasa pamilihan kami ng libro. Para siyang library pero makaluma. Nanliit ang mga mata ko nang may mapansin ako sa likod na parang kumikinang, parang glitters at dahil medyo madilim dito kumikinang siya ng kaunti. Lumapit ako sa pinaka-dulo na estanti, tama nga ako parang may glitters ang libro.

Kinuha ko ito at pinagpagan dahil may alikabok, sinuri ko ang libro

' hindi ipinagbibili ' ... Binasa ko naman ang title ng libro.

╭────       ༺♡༻        ────╮
✨ Engcantacia De Majica ✨
╰────       ༺♡༻        ────╯

Hmm interesting... Hindi ito ipinagbibili kaya naman ipinasok ko siya sa loob ng damit ko. Buti nalang medyo malaki ang bisteda ko. Agad naman akong naglakad papuntang pinto. Bigla namang tumayo ang maid ng makita ako.

"Kamahalan, wala po ba kayong napiling libro?" Tanong niya. Umiling ako at Hindi nagsalita. Tumango naman siya at lumapit sa lalaking bantay ng pamilihan .

" Aalis na po kami, walang napiling libro ang mahal na prinsesa. "

"Sige, mag ingat kayo sa pag-uwi "

Agad naman na lumapit sa akin ang maid kaya naman nauna na akong lumabas, alam ko naman na ang dawn kaya naman nauna na akong naglakad papuntang karwahe habang mahigpit ang hawak sa tyan ko kung saan naroon ang libro.

Hindi ako makapaniwalang nagnakaw ako.... Mom forgive me for doing this.

The Land Of ERA series 1: REINCARNATED ( Slow Update )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon