Chapter 48

258 11 1
                                    












          — Wriedt Livathon POV —








Napayukom ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman.
Siguraduhin niya lang na hindi niya susuwayin ang aking utos dahil hindi ko alam kung ano man ang aking magagawa.
Marahas kong binuga ang usok na galing sa pagsipsip ko sa tabako at malamig na tiningnan ang kaisa-isahang pinagkakatiwalaan ko.




" anong balita ang dala mo? At siguraduhin mo lang na hindi kita MAPAPATAY sa maririnig ko. " saad ko, ngunit kalmado lamang siyang nakayuko sa aking harapan marahil ay sanay na siya sa aking ugali.



" naiintindihan ko kamahalan. Base sa nakalap kong impormasyon galing sa aking pinagkakatiwalaang nakasunod sa kaniya ay, walang problema at ginagawa niya kung ano man ang iyong inuutos. " saad niya, napatango naman ako nang ilang beses.


" sigurado ka diyan? " nakita ko naman ang kaniyang bahagyang pagtango.


" opo, kamahalan. "



" kamusta naman ang asawa ko? " tanong ko, muli siyang napayuko at narinig ko pa siyang bumuntong hininga.



Parang hindi ko magugustuhan ang kaniyang sasabihin sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang aking inuupuan.



" pasensiya na po, kamahalan, at baka hindi niyo magustuhan ang aking susunod na ibabalita. " nakayuko niyang saad, hindi ako sumagot kaya naman nagpatuloy siyang magsalita.



" Ang Mahal na Emperatis ay, ahem, lumalaki po ang kaniyang kalagayan. " saad niya, naramdaman kong may itim na usok na lumalabas sa katawan ko dahil sa aking narinig, agad namang dinugtungan ang kaniyang sinasabi. " Isa lang po ang sulosyon para gumaling ang Mahal na Emperatis at ating mga mamamayan, 'yon po ay ang paslangin siya, " saad niya at tumingin sa akin pero bago pa ako makapagsalita ay agad siyang nag salitang muli. " ngunit, hindi po iyon maaari dahil alam po natin ang kahihinatnan pag siya ay mamatay, nagkakagulo ang lahat lalo na ' sila '. At ang isa naman pong sulusyon ay bawiin ng Hari ang kaniyang sumpa sa ating Emperyo pero—" agad ko naman pinutol ang kaniyang sasabihin dahil alam ko na ang susunod.



" — pero hindi niya alam kung paano bawiin, dahil una pa lamang ay hindi siya taga rito sa atin. Marunong lamang siya magbigkas ng sumpa na galing sa libro pero hindi niya alam kung paano iyon bawiin dahil hindi iyon nakasaad sa libro dahil pinagbabawal iyon na isulat. " saad ko habang umiigting ang panga dahil sa galit. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa aking upuan.



Napayuko naman siya at hindi na muling nagsalita, ilang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang aking sarili, umayos ako nang upo at muling humithit sa tabako bago magsalita.



" tuloy sa unang plano, walang akong magagawa, mata sa mata, ngipin sa ngipin. Paslangin siya— " agad namang naputol ang aking sasabihin ng magsalita si Devlin.



" p-pero kamahalan, a-alam niyo p-ping— " malamig ko siyang tiningnan at hindi pinatapos ang kaniyang sasabihin.



" sa tingin mo ba may pakialam pa ako? Ang mahal ko ang nakataya sa digmaang ito. Sa tingin mo ba may pakialam pa ako sa propisiyang pinagsasabi mo, wala! Wala akong pakialam! " malakas na boses na saad ko, napatayo ako sa aking inuupuan at malakas na itinapon ang tabako. " nagdurusa ang Mahal ko at ang mga tao ko dahil sa kaniya! Kung hindi man magdusa at masaktan ang asawa niya, pwes ang mga tao at anak niya! " nanggigigil kong saad. Umupo akong muli at muling nagsalita ng walang emosyon.




The Land Of ERA series 1: REINCARNATED ( Slow Update )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon