Chapter 22

674 36 0
                                    






                —  Kai Hakan POV —







Nandito kami ngayon ng mga kaibigan namin ni kuya which is the Royale sa kapiterya dahil lagpas tanghali na, kanina ko pa nga hinahanap si Ember dahil hindi pa 'yon kumakain at hindi ko lang pinapahalata kay kuya. Napabuntong hininga na lang ako at nakinig sa pinag uusapan nila na wala namang ka- interes-interes.


" Nga pala Prince Rhys, nasaan si Princess Hellaisha? I miss my best friend. " Biglang tanong ni Princess Cove Carly ng Aegir Kingdom, napangiwi ang iba sa amin dahil na rin medyo maarte ang pagkakasabi niya pero gano'n lang talaga siya.


Nagpakawala naman si Kuya ng hininga bago sumagot.  "Bumababa siya kanina ng   kalesa habang papunta kami sa silid ng Royale dahil may kailangan daw siyang puntahan. " Paliwanag niya, nakita ko naman sa gilid ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Prince Caecius Wyn ng Zygereian Kingdom.


" Akala ko ba wala siyang maalala? " May kung ano sa boses ni Prince Caecius habang tinatanong iyon kaya hindi namin napigilan ang mapatingin kami sa kanya.


" Bakit ganyan ang mga tingin niyo? Ang ibig ko lang sabihin, bakit siya gagala kung wala siyang maalala, di'ba? " Paliwanag niya, napatango naman sila.


" Binigyan siya nang mapa ng kawal. " Saad ko, hindi niya naman pinansin ang sinabi ko bagkos tinuloy niya nalang ang pagkain niya.


" Nasaan pala ang personal na kawal at katulong ni Princess Hellaisha? Hindi ba dapat binabantayan nila ang Prinsesa? " Tanong ni Lady Mealigh hindi siya Prinsesa ngunit anak siya ng isang Duke.


" Naglilinis sila sa bagong silid ni Princess Ember dahil ayaw niya sa silid namin tsk. "  Saad ni Kuya, bumontong hininga ako sa sinabi niya, alam kong may galit O inis siyang nararamdaman kay Hellaisha, hindi na ata iyon mawawala dahil lagi niyang naaalala iyong nangyari dati.


" Bagong silid? Kung gano'n ay dalawang silid ang bakante sa inyong silid? " Sabay kaming tumango ni kuya sa tanong niya. Nagsipatahimik naman at wala na muling nagsalita pa.


" Kailangan pa ba natin siyang bantayan? I mean, wala naman siyang ginagawang kahina-hinala, hindi ba? " Biglang tanong ni Neil Erjon ng Sonus Kingdom na tinanguan ng dalawa pa niyang kapatid na parang hindi Prinsepe kung kumain.


Sasagot na Sana kami ni Kuya ng marinig namin ang pinag uusapan sa kabilang mesa, kahit medyo malayo ang mesa nila ay hindi namin mapigilan na marinig dahil na rin malakas ang mga boses nila.



" Nakita niyo ba si Prince Vladimir kanina? Ang gandang lalaki talaga niya. "

" Talaga? Buti naman at nakarating na siya galing sa misyon niya. "

" Oo nga, ang tagal pa naman pero hindi kayo maniniwala sa nakita ko. "

" Bakit? "

" Kasama ni Prince Vladimir si Princess Hellaisha kanina, may pupuntahan ata sila. "

" Ha? Baka naman nilandi ni Princess Hellaisha si Prince Vladimir, diba kasi hindi niya kilala ang Prinsesa at kung ano ang ugali niya? "

" 'Wag niyong lakasan ang boses niyo, nasa kabilang mesa lang mga Prinsepe na kapatid niya. " Saad ng isa sa kanila .

" Sigurado naman akong hindi sila magagalit O ano dahil alam naman nila kung ano ang ugali ng Kapatid nila,  at diba pinapahiya nga nila ang sarili nilang kapatid noon dahil ayaw daw nila kay Princess Hellaisha at kikinakahiya nila ito? " Paliwanag n'ong babae, pasimple kong niyukom ang kamao ko, alam ko sa sarili ko na totoo lahat ang kanilang sinasabi pero hindI ko maiwasan ang hindi magalit.


The Land Of ERA series 1: REINCARNATED ( Slow Update )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon