Chapter 21

1K 41 17
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE










IVY'S POV

Tatlong araw ang dumaan at wala namang kakaibang nangyari. Hinatid ako ni Ate Deanna dito sa dorm nung Monday tapos diretso na sya sa training nila. Wednesday na ngayon at naghahanda ako ng mga gamit ko dahil uuwi ako ng Pampanga mamayang alas singko.

Birthday ko na kasi bukas at gusto kong kasama ang parents ko na magcelebrate ng birthday ko.

Nagpaalam na ako sa mga profs ko na hindi ako makakapasok bukas dahil nga uuwi ako sa'min. Nagpaalam na din ako sa manager namin sa trabaho ko na hindi ko makakapasok ng Huwebes. Pumayag naman sya dahil nga birthday ko naman.

So eto ako ngayon sa dorm, alas tres pa lang naman ng hapon. Wala kaming klase dahil may meetings daw ang faculties syempre kasama na dun yung mga profs. Pag uusapan daw kasi yung nalalapit na UAAP Season 84. Mabuti na din yun at may time ako para makapag ayos ng gamit ko.

Plano kong magcommute na lang pauwi ng Pampanga. Kasama ko pala si Cal dahil namimiss nya na daw sina Mama at Papa. Okay na din yun para may kasama ako pag uwi. Hindi ako mahihirapan.

And speaking of her, sandamakmak na sermon at tanong ang inabot sa'kin non nung lunes. May nililigawan na pala pero hindi man lang nagsasabi sa'kin ang gaga. Hays!

"Luvyah, ano? Tapos kana bang mag impake?" Tanong ni Cal na kakapasok lang ng kwarto ko.

"Patapos na. Bakit?" Sagot ko habang naglalagay ng damit sa backpack ko. Ilang damit lang naman kasi ang dadalhin ko dahil bukas ng gabi ay babalik din kami agad ng Manila ni Cal.

"Wala naman. Kala ko kasi isang dosenang damit yung dadalhin mo at ang tagal mong mag ayos ng gamit mo."

Tinaasan ko naman sya ng kilay dahil sa sinabi nya. "Isang dosena ka dyan? Buang ka ba? Isang araw lang tayo dun, hoy! Aanhin ko yung pagkadami-daming damit, aber?"

"Oh, bat galit?" Sabi nya habang nakaharang yung dalawang kamay sa harapan nya.

Inismiran ko lang sya at saka nagpatuloy sa paglalagay ng damit sa backpack ko. "Tinapos ko pa yung mga activities na binigay sa'kin ni Prof ******* na ipapasa ko mamaya."

"Activities?"

"Mm. Binigyan nya ako ng activities dahil nga hindi ako makakapasok bukas, diba?"

"Ahh."

"Ikaw? Wala bang binigay sayo?"

Umiling naman sya. "Wala, eh."

"Edi sana all." Nakangiwing sabi ko saka umirap.

Natawa lang naman sya saka napailing. "Favorite kasi ako ni Prof, eh kaya ganon. Hehehe."

"Edi wow na lang, Luvyah." Sabi ko saka isinara na yung zipper ng bag ko at humarap sa kanya. "Alis tayo bago mag-5pm. Maliligo lang ako."

"Sige sige. Mag aalas kwatro pa lang naman, eh. Punta muna ako sa kwarto nina Shaira." Paalam nya saka lumabas nang kwarto ko.

Ako naman ay pumasok na ng banyo dala yung damit na susuutin ko. Maliligo muna ako para naman hindi ako amoy pawis pag alis namin.

Habang naliligo ako ay bumabalik sa alaala ko yung mga nangyari nung nakaraan lalo na nung bago ako hinatid ni Ate Deanna dito sa dorm.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now