Chapter 36

1K 52 32
                                    




CHAPTER THIRTY-SIX









DEANNA'S POV

"Mommy pala, ah? Di mo naman kami in-inform na may bago na palang nanay si Ollie, Poks?" Nang aasar na sabi sa'kin ni Reg.

Andito kami sa may gilid malapit sa escalator dahil hinila nila ako dito. Mukhang mai-interrogate ata ako ng wala sa oras.

Narinig kasi nilang tinawag ni Ollie na mommy si Ivy kanina nung inaya nya itong sumali sa aming maglaro. Ito namang mga kaibigan ko akala mo mga nakakita ng kung ano dahil sa mga gulat na gulat sila sa narinig nilang tawag ni Ollie kay Ivy.

Speaking of them, iniwan muna namin sila dun sa Kidzone dahil nga kakausapin daw muna nila ako. Meron daw kasi akong hindi sinasabi sa kanilang importante kaya eto, hinila ako ng mga baliw dito sa gilid para i-interrogate.

"Huy, ano na? Tatahimik ka na lang dyan?" Masungit na tanong ni Ate Madz sa'kin habang nakahalukipkip at nakataas pa ang isang kilay. "Ilang linggo lang kaming hindi nakabisita sa bahay mo, mommy na tawag ng anak mo kay Ivy? Don't tell me kayo na pala tapos hindi mo man lang kinuwento sa'min?! Tatamaan ka talaga sa'kin, Deanna Wong! Sinasabi ko sa'yo!"

Napangiwi naman ako atsaka napailing na lang. "Ano namang iku-kwento ko sa inyo kasi?" Nakabusangot kong tanong sa kanila. "Forda marites lang kayo, eh."

"Aba syempre naman, bud." Naiiling na tanong naman ni Pongs sa'kin. "Kailangan i-kwento mo sa'min kung bakit mommy na ang tawag ni Ollie kay Ivy. At kailan pa nagstart yun."

"At curious din ako kung papano silang naging close? Eh samantalang halos hindi malapitan yung anak mo kapag hindi nya kilala." Singit ni Ate Jem na sinang ayunan naman ng iba.

"Hindi ka nag-iisa, Te Jem. Pati ako naku-curious din." Sabi naman ni Isa.

"And since when pa sila naging close na dalawa to the point na mommy na ang tawag nya kay Ivy? I mean, pa'no nangyari yun? Diba?" Seryoso pero nakangiwing tanong ni Ate Cherry.

"Oo nga?!" Sabay sabay na sang ayon nung iba.

"Bat kailangan magsabay-sabay?" Nakangiwing komento ko saka napailing. Inirapan lang naman ako ng iba pero yung iba ay nanatiling seryoso at naghihintay ng sagot ko. Napailing na lang ako ulit at malalim na napabuntong hininga atsaka nagsimulang magkwento. "Ganito kasi 'yan. Naalala nyo yung last time na pumunta tayo dito sa mall na nawala bigla si Ollie tapos nakita sya nina Ivy at Eya?"

"Oo." Sabay sabay nilang sagot.

"Sino namang hindi makakaalala dun, eh halos mamutla na sa kaba 'tong si Maddie?!" Ngiwing sabi ni Des dahilan para tignan sya ng masama ni Ate Madz.

"Kelangan ipaalala?" Pagsusungit ni Ate Madz kaya natawa naman yung isa.

"Oh, bat nagagalit?"

"Uy, kalmahan nyo. Ano ba kayo? Nagsisimula pa lang magkwento si Deanna, dami nyo nang eksena. Focus tayo sa goal, mga beh! Okay ba yun?" Saway sa kanila ni Ate Cherry.

"Ito kasi, eh!" Turo ni Ate Madz kay Des na agad namang nangunot ang noo.

"Luh, bat ako?"

Umirap lang naman sa kanya si Ate Madz kaya napangiwi ito. Napailing na lang naman kami dahil nagsisimula na naman ang tarayan ng dalawa.

Si Ate Bei ay tahimik lang na nakikinig sa gilid. Katabi nya si Cait, as usual at nakaakbay pa sya dito. Nagtataka man ako ay hindi ko na lang yun pinuna pa at baka masabihan pa akong malisyoso. Kahit halata namang may something sa kanila pero ayaw pa ding umamin.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now