Chapter 33

1.1K 54 15
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE














BEA's POV

Pagkatapos pa lang ng half day training namin ay kapansin-pansin na kaagad ang pagkawala sa mood ni Deanna. Nakabusangot ito at halos mag-isang linya na ang mga kilay dahil sa sobrang pagkakasalubong. Masama din ang tingin nito sa cellphone nya na parang may kaaway doon.

Hindi ko alam kung bat nagkakaganon sya dahil kanina habang nagti-training kami ay okay naman ang mood nya. Pero habang nagpapahinga kami ay bigla na lang itong sumimangot nang hindi namin alam kung anong dahilan.

"Bea, kausapin mo nga yung anak mo. Mukhang problemado, eh." Sabi ni Madz sa'kin.

"Oo nga, Bei. Kausapin mo muna yun at baka makaapekto sa game natin yang pagiging bad mood ni Deanna." Segunda naman ni Ate Jem.

Tumango naman ako atsak naglakad palapit sa pwesto ni Deanna. Nandito na kami sa Philsports at kasalukuyang nanunuod ng game ng Cignal versus PLDT. Nagdecide kasi kaming manuod muna saglit since mamaya pa naman ang game namin. Magandang opportunity din para mapag-aralan namin yung mga galawan nila at mapaghandaan ito.

Marahan akong naupo sa tabi ni Deanna na nakatutok lang sa mga naglalaro ang tingin. Hindi nga ata nya napansin na nandito ako sa tabi nya dahil hindi man lang ito lumingon sa'kin.

Mahina akong bumuntong-hininga saka marahan syang tinapik sa balikat nya. Agad naman itong lumingon sa akin at tinaasan ako ng dalawang kilay.

"Te Bei, bakit?" Tanong nya.

"You okay?" Tanong ko din sa kanya.

Tumango naman sya saka binalik sa harap ang tingin. "Okay lang ako, Te."

"You sure? You seems bothered kasi simula pa kanina after ng training natin. May nangyari ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

Lumingon sya sa akin at tipid na ngumiti. "Wala naman, Te. Disappointed lang."

Napakunot noo naman ako sa sinabi nya. "Disappointed? On what?"

"Wala." Umiiling nyang sagot saka bumuntong hininga.

Pinakatitigan ko sya ng maigi at doon ko nakita yung lungkot at disappointment sa mukha nya. Hindi ko alam kung para san sya nalulungkot at disppointed. Parang meron syang pianghihinayangan na kung ano.

'Ano bang nangyari sa isang 'to?'  Tanong ko sa isip ko habang nakatingin pa din kay Deanna.

Nakatutok sya sa panunuod ng mga naglalaro habang magkasalubong pa din ang mga kilay. Hindi ko naiwasang mapailing atsaka bumuntong hininga ng malalim. Ramdam kong ayaw nyang magkuwento kaya naman nagdecide na lang akong tumayo at bumalik sa pwesto namin kanina nila Maddie.

"Oh, anyare?" Agad na tanong sa'kin ni Ate Jem nang makalapit ako sa kanila. "Nagsabi ba kung anong problema nya?"

Umiling naman ako at pabuntong hiningang naupo. "She just said na disappointed sya."

"That's it?"

"Disappointed saan?" Kunot noong tanong nilang dalawa.

"I don't know. Hindi naman nya sinabi." Kibit-balikat kong sagot.

Mas lalong kumunot ang noo ng dalawa saka lumingon sa pwesto ni Deanna.

"Tsk! Ano na naman kayang nangyari dun sa anak mo, Bea? At san naman sya disppointed, aber?" Inis na tanong ni Madz pero kibit balikat lang ang sagot sa kanya.

Hindi ko naman kasi talaga alam, eh. Malay ko ba kung san disappointed yun.

Napahilot na lang sa sintido nya si Maddie habang nakasimangot na din. Alam kong nag aalala sya kay Deanna kahit na hindi nya sabihin. Kahit ako din naman kasi ay nag-aalala. Ngayon na naman lang kasi nagkaganon si Deanna after ng halos dalawang buwan. Bigla na lang itong sisimangot nang hindi namin alam ang dahilan na hindi namin nakita sa kanya this past weeks.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now