Chapter 46

889 40 29
                                    


C H A P T E R    F O R T Y - S I X


Before the confession...



Third Person's POV

"Huy, mga beh! Ano na? Nagconfess na ba? Sila na ba? Magkakajowa na ba si Deans?" Sunod sunod na tanong ni Cherry na kakabalik lang sa room na inu-ukopa nilang magkakaibigan.

Natawa naman silang magkakasama sa kwarto dahil halata sa mukha ni Cherry na excited ito sa magiging resulta ng plano nila.

"Te Che, kumalma ka! Wala pa. Wag masyadong atat. Hindi pa nga nakakaakyat si Ivy, oh!" Sagot ni Des sa kaibigan.

"Ay sorry! Hehehe! Excited lang." Nagpeace sign pa ito na ikinailing na lang ni Des.

Sampu silang magkakasama sa silid na 'yon at pare-parehong nakaabang sa nangyayari. May malaking flat screen TV sa room nila na ikinonekta ni Maddie sa mga hidden camera na nilagay nila sa rooftop kanina nung nagde-decorate sila dito.

Naglagay sila ng hidden cameras para masubaybayan nila ang mangyayaring confession ng kaibigan nila. Inaabangan nilang lahat na magkakaibigan ito at talagang tutuk ang lahat sa screen ng TV at naghihintay sa mala-teleseryeng pag amin na mangyayari sa rooftop.

Kakaakyat lang din ni Deanna sa rooftop matapos ang halos isa't kalahating pagpapaliwanag na may kasamang sermon at sagutan sa pagitan nito at ng pasimuno ng plano, walang iba kung hindi si Bea.

Mabuti na lang at bago magwala si Deanna nang magising ito ay dumating din si Bea kasama si Caitlyn. Bitbit ni Bea ang isang pares ng semi-formal attire na ngayon ay suot na ni Deanna habang si Caitlyn naman ang may bitbit ng isang boquet ng tulips.

Muntik nang magwala si Deanna pagkatapos malaman kung anong nangyayari at ang plano ng matalik nyang kaibigan, mabuti na lang at naawat ito ni Maddie at Denden. Naipaliwanag din naman ni Bea ang dahilan at sinabing para din ito sa ikakasaya nito.

Sinabi nitong panahon na para umamin si Deanna kay Ivy tungkol sa feelings nito para sa huli. Dahil baka maunahan pa ito ng iba o di kaya ay mabawi pa ito ng ex nito na hanggang ngayon ay umaaligid pa din sa dalaga.

Pero hindi muna binanggit ni Bea ang tungkol sa kalokohang ginawa nya sa bahay ng kaibigan. At maging ang tungkol sa panganib na umaaligid sa paligid. Napagdesisyonan nila ni Maddie na wag munang ipaalam kay Deanna hangga't hindi pa ito nakakaamin ng nararamdaman nito para sa dalagang tinuturing ng ina ng anak nito.

Ayaw pa sanang pumayag ni Deanna sa plano ng kaibigan dahil hindi pa sya handang umamin ng feelings nya. Pero pinagtulungan sya ng mga kaibigan nya hanggang sa nakombinsi din nila itong umamin na habang maaga pa.

Pagkatapos ng seryosong pag uusap nila ay pinagbihis na nila si Deanna. Pagkatapos ay saka lang nila tinawagan si Ivy at kunwaring pinalabas nilang nakidnap si Deanna.

At dahil si Bea ang pasimuno, siya ang pinakausap nila kay Ivy gamit ang ibang cellphone at ibang numero.

****** F L A S H B A C K ******

"Beatriz, ayusin mo, ah! Babatukan talaga kita kapag hindi mo inayos." Seryosong banta ni Maddie sa kaibigan habang nagre-rehearse si Bea nang sasabihin nya.

"Eto, Bei. Ginawan kita ng script para hindi ka magkamali." Inabutan sya ni Ponggay ng isang papel na may nakasulat na parang sinasabi ng isang kidnapper. "Dapat with emotions, ah?! Para hindi magduda si Ivy. Madali pa namang makahalata 'yon."

"Luh? Kailangan talaga ganito yung sasabihin ko? Parang ang cringe naman pakinggan." Pagrereklamo ni Bea nang mabasa nya ang nakasulat.

"Anobg cringe? Gaga, ganyan naman sinasabi ng mga kidnapper 'no! Dapat with emotions tapos palalimin mo yung boses mo para magmukhang nakakatakot. Parang boses lalaki, ganun."

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now