Chapter 5: Ang Pagpapanggap

217 14 0
                                    

CLYDE POV

SA loob ng isang linggo ay ipinilit nila ang kanilang gusto ngunit ayoko na!! Hindi ko na kaya. Kailangan ko nang kumilos. Maaga akong gumising at nagbihis bago umalis. Hindi na ako kumain. Papunta ako ngayon sa bahay ni Layla. Sana matulungan niya ako. Kalahating oras akong nagmaneho ng kotse bago ako nakarating sa lugar nila. Naglakad ako papasok at nung nakarating ako sa bahay niya ay kaagad akong kumatok sa pinto.

"Sandali Lang"sagot mula sa loob.

Maya-maya pa ay lumabas siya at nagulat siya nung nakita ako. Naka uniform na siya.

"Anong ginagawa mo dito?"nagtatakang tanong niya.

"Gusto sana kitang makausap Layla. Please"ani ko.

"Tungkol saan?"tanong niya.

"Tulungan mo ako... Ayokong makasal kay Celine!"ani ko.

Alam na ng lahat na nakatakda akong ikasal sa babaing iyon dahil inanounce Ito sa lahat ng pahayagan.

"Anong tulong ang kailangan mo?"tanong niya.

"Magpanggap kang girlfriend ko!"sagot ko na ikinagulat niya.

"Pero Clyde-"

"Kahit Ito nalang ang gawin mo kapalit ng pagligtas ko sayo! Please Layla. Hindi ko kayang makasal sa kanya!"ani ko.

"Hindi mo na talaga kayang makasal sa kanya?"tanong niya

"NO!! No way!!! Please Layla"ang pagmamakaawa ko

"Okay. Sige na pumapayag na ako. Pero paano kapag tinanong nila Tayo kung kailan Tayo nagkakilala or Kung kailan naging Tayo? Paano?"sunud-sunod na tanong niya.

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng kailangan naming sabihin sa lahat. Ito na lamang ang nakikita kong paraan para hindi ako mapatali sa babaing iyon! Samantala si Celine ay sa university na namin napasok at dikit ng dikit sa akin. Nasusura na ako. Matapos niyang mag-ayos ay sabay kaming lumabas. Sa kotse ko na din siya sumakay. Kapag ipinilit parin nila ang gusto nila, doon ko na isasagawa ang huling plano. Pagkarating namin sa university ay marami agad ang mga matang nakatingin.

"Huwag kang bababa agad"ani ko

Nauna akong bumaba ng kotse at pinagbuksan ko ng pinto si Layla at inalalayan ko siya pababa ng kotse.

Magkahawak kamay kami habang naglalakad sa corridor ng university. Lahat ng mga nakakita sa Amin ay nagtataka.

"Diba ikakasal na ang Prinsipe kay Celine?"

"Bakit magkaholding hands sila ni Layla at sabay pa silang pumasok?"

"Hindi kaya Hindi na matutulog ang kasal? Kasi si Celine matapobre at feeling. Baka nagbago ang isip ng Prinsipe?"

Iyan ang mga nadidinig kong usap-usapan ng mga tsismoso at tsismosang estudyante dito. Hanggang sa nakapasok kami ng classroom. Kaagad na lumapit si Celine sa Amin nung nakita Kami.

"Anong ibig sabihin nito?? Bakit nilalandi mo ang fiance KO??"galit na turan niya.

"Wala kang karapatang pagsabihan ng ganyan ang girlfriend ko Celine!"galit na sagot ko.

"Pero ikakasal na Tayo!!!"sagot niya

"Kasal na ikaw lang ang may gusto!!"ani ni Layla

Pinagtitinginan na Kami ngayon ng mga classmate namin at Yung iba vinibideohan pa kami pero wala akong pakialam.

"How dare you!"galit na Turan niya at akmang sasampalin si Layla pero nasalag ko ang kamay niya.

"Iyon ang katotohanan Celine. At si Layla? Siya ang girlfriend ko na maaaring maging Prinsesa pagdating ng araw at hindi ikaw!"galit na Turan ko at pabagsak na binitawan ang kamay niya.

The Falcon CousinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon