CHAPTER 30

203 13 0
                                    

CLYDE POV

NAKAPIIT na Ngayon sa kulungan ng palasyo sina Celine at Ang Ina naman nito ay pinakawalan na dahil hindi naman siya kabilang sa mga gumawa ng kalokohan ngunit si Zyrus ay hindi parin nahuhuli.

"May problema ba?"tanong ni Layla.

Mabuti na lamang talaga at sa kabila ng ginawa ko sa kanya ay nanatili siya sa aking tabi. Ilang Araw na din mula nung nakalabas siya sa hospital.

"Ahm nagising ako kagabi nang Wala ka sa aking tabi. Saan ka galing?"tanong niya.

"Ahh kuwan! Galing ako kina Aubrey. Niyaya kasi ako nina Tita Emma at Tito Brandon na magmovie Marathon hindi na kita nagising kasi nakatulog ka na"Ani ko.

"Ahh kaya pala pero napapansin ko lamang na lagi kang umaalis ng Gabi. Clyde pwede bang limitahan mo ang pag-alis lagi Lalo na sa Gabi?"tanong niya.

"Bakit naman?"tanong ko.

"Nag-aalala kasi ako ehh. Alam mo ba na kagabi ay may mga napat*y na imperial knights Ang apat na strangers na napapabalita. Hindi Sila nahuli kasi maiilap at malakas Sila"nag-aalalang sambit ni Layla.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi Sila gumagalaw ng mga taong malinis Ang budhi"sagot ko dahilan para mapatitig siya sa akin.

Ang limang imperial knights na iyon ay palihim kong natuklasan na nagnanakaw sa museum ng mga alahas ng sinaunang hari at Reyna.

"Bakit ganyan kang magsalita? Kilala mo ba Sila?"tanong ni Layla dahilan para kabahan ako pero Hindi ako dapat magpahalata.

"Hindi. Pero diba mga kumakalaban sa gobyerno Ang pinapat*,y nila? Kaya Wala akong dapat ipangamba"ani ko.

"Ngunit kagabi nga ay imperial knights Ang pinat*y nila! Hindi Sila kalaban ng gobyerno! At alam mo ba may hinala Sila na Dito lamang din nagtatrabaho ang mga taong iyon Dito dahil alam nila kung saan Sila papasok at lalabas!! Kabisado nila Ang buong palasyo!"Ani ni Layla.

"Ahh ganon ba? Okay! Ahm may itatanong lamang sana ako"Ani ko.

"Ano iyon?"tanong ng aking Asawa.

"Tungkol kay Celine. Sapat na ba Sayo na nakakulong lamang siya?"tanong ko.

"Oo aba ehh alangan namang ilagay ko sa aking mga kamay Ang batas Diba?"sagot niya

"May point ka naman! Wait kakausapin ko lamang si Chief Leo sandali"Ani ko.

"Sige punta Muna ako sa kusina nagugutom na Kasi ako"Ani ni Layla at umalis.

Kung Ikaw ay payag ako hindi! Lumayo Muna ako sandali at kinontact si Maja.

"Hello Clyde? Anong atin?"tanong nito.

"Magkitakita Tayo sa lumang headquarters Mamaya. Sabihan mo si Aubrey. Isasama ko din si Karina. May pag-uusapan tayong apat!"Ani ko.

"Okay"

KINAUSAP ko si Karina may kinalaman sa mga nangyari at sa aking binabalak.

"Kung ganon ay hayag na nga talaga sa buong palasyo Ang ating ginawa. Ano Ang Plano mo kay Celine?"tanong niya.

"Sa lumang headquarters ko sasabihin ang plano!"Ani ko.

"O Sige magbibihis lamang ako"aniya kaya hinintay ko siya..

Ang sabi ko kay Layla ay ipinatatawag si Karina sa guidance kahapon pa. At ako Ang pupunta. Naniwala naman siya dahil alam niyang si Karina ay laging laman ng guidance office. Ayokong magsinungaling sa kanya pero kailangan. Ngunit paglabas ni Karina ay lumapit si Lanny na court lady.

"Ipinapaabot daw ni Celine mahal na Prinsesa"aniya at iniabot kay Karina ang papel at binasa namin ito ni Karina.

"Isa ka rin palang pangahas ayon kay Selina. Humanda ka dahil malapit na ang katapusan ninyong dalawa ni Layla!"

"Umalis na Tayo"walang emosyong Turan ko.

Ilang minuto akong nagmaneho Bago nakarating sa lumang headquarters. Nung dating Namin ay naroroon na sina Maja at Aubrey.

"Anong plano Kuya Clyde?"tanong ni Aubrey.

"Hindi ko kayang tanggapin na habambuhay na pagkakakulong lamang ang aabutin ni Celine Kasi ng dahil sa kanya nag-away kami ni Layla at nawala ang isa sa mga magiging anak ko!"Ani ko.

"Bukod pa diyan ay pinagbantaan niya ako pati si Layla"Ani ni Karina at ipinakita sa dalawa Ang papel.

Kita sa mga Mukha ng aking mga pinsan ang gulat at galit!

"Hindi na siya dapat pang buhayin!"Galit na turan ni Maja.

"Tama!"

"Kung gayon ay Mukhang iisa lamang Tayo ng iniisip"Ani ni Karina

"Nais kong iligpit siya!"Ani ko.

;"Paano?"tanong ni Karina.

"Magpanggap ka na court lady Magbigay ng mga inumin sa mga imperial knights sa may kulungan. Haluan ng pampatulog. At ako naman Ang dudukot kay Celine kasama sina Aubrey at Maja! Kaya Natin siyang ilabas sa palasyo!"tugon ko.

"Tamang-tama. May natanggap na din kasi akong information kung saan nagtatago si Zyrus!"Ani ni Maja.

"Tamang-tama!"sagot ko.

---

JANINA POV

NARIRITO ako Ngayon sa silid ni Yasser. Magkatabi kami ngayon.

"Nagtataka talaga ako"Ani ko.

"Bakit?"tanong ni Yasser.

"Laging sumasabay sa atin ang mga Bata sa pagkain pero Ngayon ay TILA ba lagi silang busy at Ang gustong kasama ay ang mga pinsan nila"sagot ko

"Nagtatampo Kaba sa kanila?"tanong ni Yasser.

"Hindi naman sa ganon. Nagtataka lang ako"sagot ko.

Biglang may kumatok sa pintuan ng room ni Yasser at nung buksan namin Ang pinto ay Nakita Namin si Chief Leo.

"Mahal na Hari Mahal na Reyna! Si. Celine nawawala sa kulungan!"natatarantang Turan nito.

"Paano iyon nangyari?? Maraming imperial knights Ang nakabantay Doon!"Galit na Turan ko.

"Natagpuan ko Po silang natutulog.

At nung pilit ko silang ginising ay sinabi nilang may court lady na nagbigay ng juice sa kanila! At matapos noon ay nahilo na Sila at nakatulog!"sagot nito.

*Hindi kaya naririto Ang apat na estranghero?? Ang mga anak ko. Alam mo ba kung nasaan Sila?"tanong ko.

"Iyon na nga Po Ang Isa pang dahilan kung bakit ako naririto! Nawawala Ang Prinsipe at Prinsesa!"aniya

"Halughugin Ang buong palasyo at hanapin Ang mga anak ko!! Huwag mo itong sasabihin kay Layla!"Ani ko.

The Falcon CousinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon