CHAPTER 11: Lihim na pagtingin

188 12 0
                                    

MAJA POV

NASA school ako ngayon ngunit miserable parin. Bakit? Katabi ko siya ngayon dahil magkaklase kami sa Mathematics. Lapitin talaga ako ng malas.

"Kung inaakala mo na kinalinutan ko na ang mga ginawa mo sa akin ay nagkakamali ka"Sabi niya sa akin.

"Hindi ako natatakot sayo Mr. Useless!"sagot ko.

"HINDI KA PA BA NAKUNTENTO SA MGA GINAWA MO SA AKIN?? NOW YOU'RE CALLING ME MR. USELESS.?? HOW DARE YOU MAJA!!"Sigaw niya.

"YES I DARE YOU!"pabalik na Sigaw ko.

"MS. FALCON, MR. HARRISON BOTH OF YOU OUT!!! MAGLINIS KAYO NG CORRIDOR SA LABAS NOW!!"Sigaw ni Ma'am.

Wala kaming ibang nagawa kundi ang lumabas at nagwalis.

"This is all your fault Maja!"galit na Turan ni Ashton.

"No! It's your fault! Alam mo kung bakit?? Ikaw ang buwis*t sa BUHAY KO!"galit na sagot ko.

Nagdidilim ang mukha niya ngayon. Akmang magsasalita pa siya nung sumigaw si Ma'am mula sa may pintuan.

"MR. HARRISON, MS. FALCON INUTUSAN KO KAYONG MAGWALIS! HINDI ANG MAGTALO!! ISANG BESES PA NA MAKITA KO KAYONG HINDI NAGWAWALIS AY IPATATAWAG KO NA KAYO SA OFFICE!!"sigaw niya kaya wala kaming ibang nagawa kundi ang magwalis.

KARINA POV

NASA cafeteria kaming tatlo nina Aubrey at Luis.

"Ohh Karina. Bakit namamaga parin ang mukha mo?"tanong ni Aubrey.

"Huwag kang sumimangot.. sige ka papangit ka niyan"ani ni Luis.

"Si Albert kasi ehh!"galit na Turan ko.

"Hayaan mo na siya"ani ni Aubrey.

Nakita ko na biglang pumasok si Albert sa cafeteria kaya biglang nagkaingay.

"Hi Albert pakiss naman"
.
"Albert ang pogi mo talaga!"

"Albert akin ka nalang!"

"Ohh bakit lalong nagdidilim ang mukha mo ngayon?"tanong ni Aubrey.

"Nakakainis ang mga babaing iyon. Parang nga walang delikadesa!"inis na sagot ko.

"Naiinis ka? Bakit day? Nagseselos kaba?"tanong ni Luis na lalo kong ikinainis.

"NO!"Sigaw ko.

Hindi naman talaga... At Hindi ko din malilimutan ang mga ginagawa niya sa akin!!

"Ohh nandito ka pala"ani ni Serena sa akin.

Kapatid siya ni Celine. Isa siya sa mga kababaihan dito na habol ng habol kay Albert.

"Ano sa palagay mo?"tanong ko.

"Ohh kasama mo pala ang mga kaibigan mong cheap!"nakangiting Turan niya at napatingin kina Luis at Aubrey.

"Ang cheap ay yung taong mapaghabol kahit ayaw naman sa kanya. At Hindi Kami iyon!"sagot ni Aubrey.

Namamaga ang mukha niyang umalis..

BUMALIK na kami sa room matapos ang vacant. Para naman Ito sa science subject namin.

"Karina huwag ka nang sumimangot. Kagaya ng sinabi ni Luis kanina papangit Ka niyan"ani ni Aubrey.

"Hindi ako papangit! Hitsura kong Ito??"inis na sagot ko.

"Hindi siya papangit Aubrey dahil likas na sa kanya ang pagkapangit niya"ani ni Albert.

"How dare you!!"galit na Turan ko.

"Bato bato sa langit ang tamaan, pangit!"ang pang-aasar pa niya kaya hindi na ako nakapagtimpi pa. Napaghahampas ko ang braso niya.

"Pangit ka rin!"galit na sagot ko.

"Hindi ako pangit Karina. Maraming babae ang nagkakandarapa sa akin!"ang pagyayabang pa niya.

Magsasalita pa sana ako nang may napansin akong nalaglag na picture sa notebook niya at kaagad ko itong nakuha.

"Ano Ito hah? Bakit may picture ako sayo?"tanong ko.

"Panakot ko iyan sa daga!"aniya at hinablot ang picture.

Magsasalita pa sana ako nung biglang pumasok si Sir at nagdiscuss.

ALBERT POV

NAKITA niya ang picture niya na itinatago ko. Wala akong ibang magagawa ngayon kundi ang maging malihim.. Una ko palang siyang nakita ay hindi ko maipagkaila sa aking sarili na may pagtingin ako sa kanya pero wala akong magagawa. Hindi naman ako ganon kayaman. Si papa ang mayaman ngunit anak Lang niya ako sa labas. Tiyak na kamumuhian din ako ng Reyna at kukutyain kagay ng napabalitang ginawa niya sa sinasabing nobya ng Prinsipe At higit sa lahat kamumuhian nila ako ng husto kapag nalaman nila kung sino ang aking ina.

The Falcon CousinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon