Jack's P.O.V.
"Ma, Pa, sorry po. Di ko po sinasadya. Patawarin niyo po sana ako."
"Baliw! Anong sorry? Tinawag ka lang namin dahil ipabibigay ko lang sayo ang regalo namin kay Mare."
Sermon ni Mama. Akala ko kung ano na yun pala magpapabigay lang. Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis na at bumalik sa bahay nila Krit.
"Good Evening, Tita! Eto po, regalo namin para sa'yo."
"Salamat hijo. Andun si Krit sa kusina, hinintay ka."
Nagpaalam na ko kay Tita at pumunta na sa kanilang kusina. Nadtan ko dun si Krit na may kasamang babae.
Teka, naduduling ata ako. Parang dalawang Krit ang nakikita ko ngayon na magkaiba ang height. Kulot na buhok at maputi din yung isa at yung isa.
Tinawag ko si Krit at lumingon silang dalawa. Ano to? Krit din pangalan niya?
"Oh, nandyan ka na pala Jack. By the way, pinsan ko, si Claire. Oh ba't parang natulala ka jan? Hoy! Hindi kami kambal nuh. Mas maganda kaya ako."
"Hahahaha. Saan banda? Teka wala ata."
"Ang sama mo, Jack. Tulungan mo na nga lang kami dito."
Bumalik ako sa katinuan at tinulungan sila.
Ang tahimik ng pinsan ni Krit at kaming dalawa ang maingay dito. Krit decided to break the silence.
"Oh, diba marami kang alam sa dream, Claire? Kausapin mo 'tong si Jack. Napaniginipan daw yung soulmate niya."
"Talaga? Alam mo ba kuya na ang rare ng mangayari nun? Ano bang pakiramdam mo ng makasama mo siya?"
"Parang ang gaan, parang marami kaming pinagsamahan. Basta parang love na parang ewan."
"It just simply means that when you dream of a girl, it must be your ideal that results to feel complete and whole. The dream could be compensatory for an unsatisfactory or unfullfilling relationship in your real life."
"Krit, pinaglihi ata to sa dictionary ang pinsan mo. Nakakanosebleed."
"Hahaha. Ganyan talaga yan."
"Alam mo kuya, kung ako sayo hinanap ko na yang babaeng yan."
"Sabi nga din ni Krit eh. Pero paano?"
"Alam mo tutulungan kita jan pero tulungan mo muna akong magluto."
Tinulungan ko na silang magluto. Muntik ko na ngang ilagay ang mga gulay sa spaghetti. Akala ko kasi bihon eh. Tas mutik ko na din malagyan ng asin ang Mango Float, kasalanan ko bang magkalapit sila ng asukal.
Nang makatapos kami, nagcelebrate na kami tas pinapunta ko sila ni mama at papa dito. Dito din ang mga kapamilya ni Krit. May games pa, eh ayaw ko naman na hindi ako kasali.
Kaya ayun, nanalo ako ng 2 pakete ng candies. Okay na toh. Hahaha. Mauubos ko lang to ng dalawang araw.
Pagkatapos ng party, umuwi na kami pati na din ang mga kapamilya ni Krit. Nang makarating ako sa bahay, naghanda na ako para tumulog.
BINABASA MO ANG
My Dream Soulmate (COMPLETED)
Short StorySoulmate a person who is perfectly suited to another in temperament. You're long last half. It's awesome to be with your soulmate. But in order to find him/her you need to have faith. But what if, one night, you'll dream about him/her? Will this be...