Chapter 4

91 5 0
                                    

Jack's P.O.V.

Kinabukasan di ko na napanaginipan ang babae. Iba na ang paniginip ko, puro mga taong hindi ko kilala ang nakikita ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin o ano ang mangyayari sa akin.

Sabi daw sakin no Krit na kung maglalagay ka daw ng isang note sa isang place na mahalaga sayo tas kung makita ito ng babae man o lalaki tas ibabalik niya sayo. Yun na daw ang soulmate mo.

Eh dahil sa pinilit ako ni Krit, pumunta ako sa painakamahalagang place para sakin. Pumunta ako sa playground. Mabuti nalang at wala ng bata ang lumalaro dun. Sabi daw nila, haunted to eh. Sus, di naman ako naniniwala jan. Kahit na naranasan ko na.

Kung takot ka, magpapakita sayo ang kinatatakutan mo dahil ma-sense nila ang fear. Tsaka hindi naman sila nagpapatakot kundi tinatakot niyo lang ang mga sarili niyo sa mangyayari sa inyo.

Tinago ko ito sa isang malaking butas sa kahoy. May tumitira ata ditong hayop kaya pinadikit ko nalang ito sa loob at ibabaw ng butas.

"Sana may makakahanap sayo."

Sabi ko sa kahoy. Di naman masyadong mataas pero matayog. Ilang taon na to dito. Naisipan kong umupo muna sa swing at nag-isip-isip ako.

Nabigla ako ng may narinig akong huni sa aking likuran. Naramdaman kong lumamig ang simoy ng hangin at parang may nakatingin sa akin.

"Pssst."

"Hindi ako natatakot sa'yo. Wag mo nang subukan kundi papaliguan kita ng holy water."

Banta ko habang di pa rin lumilingon. Di ko naman alam kung ano yun eh. Lumingon ako, tas may nakita akong mata sa mga bushes. Pinuntahun ko ito sa likod ng bush ng bigla itong nawala.

Hay naku. Pinagtitripan na naman ako. Nakailang balik na ako dito noon, hanggang ngayon pa rin ba? Hindi siguro matatahimik ang mga espiritu dito. Di bale, iimbestigahan ko ito sa susunod.

Aalis na sana ako ng may narinig akong umiyak. Malapit pa din ako sa playground at lumingon ako. Nakita ko ang babaeng umiiyak. Mahaba ang buhok, konteng kulot at may maputi na balat. Nakasuot siya ng pink na damit. Nakupo siya sa isang swing na katabi ng inpuan ko kanina.

Ano na naman ba 'to? Hayst. Lalong lumakas ang hikbi ng babae dahilan ng pagdala sa akin ng mga paa ko. Nakatago ang kamay niya sa kanyang mukha at hinawakan ko ang kanyang likod.

Totoong tao siya. Hinihimas ko ang kanyang likod para tumahan siya. Iyak naman siya ng iyak. Hindi ko nga to kilala eh. Nahihirapan akong tingnan ang istura niya dahil nakatago ang mukha niya sa kanyang kamay at buhok.

"Magiging okay ka din, Miss."

Sabi ko sabay umalis. Nakita ko sa peripheral vision ko na pumunta siya sa puno at umupo sa ilalim nito, umiiyak pa rin. Lumayo na ko sa playground at umuwi sa bahay.

Dumiretso ako sa bahay nina Krit at nagtanong kay Tita kung saan siya, di naman ito alam kaya pumasok nalang ako sa kwarto niya. Nakailang pasok na ko dito. San kaya siya pumunta?

My Dream Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon