Preface

73 5 0
                                    

"Ang ganda dito, 'no?" Napaangat ang ulo ko sa boses na nagsalita. Si Daddy ay nakapameywang sa harap ko at lumilinga-linga sa paligid.

Medyo malakas ang hangin at malamig ito. Nakaupo ako sa isang puno sa tapat lang ng bahay na nilipatan namin at nagbabasa ng libro. Kalilipat lang namin sa isang hindi naman probinsya pero malapit na ito sa pagiging rural. Kaunti lang ang mga taong naninirahan dito at malayo ng trenta minutos ang mga pamilihan. Parang gitna lang rin ng syudad.

Nilagay ko ang bookmark sa libro at ibinaba iyon sa tabi ng puno tsaka ako tumayo para luminga rin. May iilang mga batang naglalaro sa 'di kalayuan at maraming dikit-dikit na bahay sa kabilang dulo ng centro.

"Fresh air.." Bulong ko sa sarili ko pero narinig iyon ni Dad. Nilapitan niya 'ko at niyakap ng kaunti sa kanyang gilid kaya napahilig ako sa kanya.

"Pasok ka na. May niluluto ang Mommy mo at kakain narin tayo ng hapunan." Aniya at ngumiti.

Tumango lang ako at tiningnan siyang pumasok na ulit sa bahay. Malaki ang nalipatan namin. Three-storey ito at may limang kwarto. Sa labas ay kulay puti ang kabuuan na may pagka-maroon ang brick walls. Square type na parang mansyon at pag nasa malayo ka ay nasa pinakagitna ito at wala nang nakapaligid pang ibang kabahayaan dahil medyo malayo na iyon. Hindi mo makikita ang gate na black dahil natatabunan ito ng isang napakalaking puno.

Ilang metro mula sa aming bahay ay mayroong lumang bahay na mukhang antique na at walang nakatira dito. Ang sabi ni Dad mayroong daw caretaker na dalawang beses pumupunta sa isang buwan para i-maintain ang bahay. Sa likod naman ng aming bahay ay may malawak na damuhan. May maliit na kabalyerisang nakatayo sa gitna ngunit walang kabayo, sa halip ay naging tambakan ito. Gusto ngang bumili ni Kuya ng kabayo dahil aniya'y mukhang masaya raw mangabayo malapit sa mapunong parte ng centro. Nagustuhan ko rin ang ideya niya dahil gusto ko rin naman matutong mangabayo.

Umihip ang malakas na hangin habang kinukuha ko ang aking libro at babalik na sana sa loob ng bahay. Hinawi ko ang buhok kong straight at itim na itim pero magulo na. Ang haba nito ay nasa ibaba lang ng aking mga balikat. Mahaba na rin ang bangs ko sa gilid at natabunan nito ang mukha ko.

Pangatlong araw na simula nang lumipat kami at sa maliit na panahong iyon ay nasanay narin ako sa parating magkahalong kulay gold at light blue na langit simula umaga hanggang mag-hapon. Malamig ang simoy ng hangin at minsan ay malakas ito. Tahimik ang lugar at tanging ang huni lang ng mga ibon ang maririnig sa umaga habang mga kuliglig naman sa gabi.

"Loner na nga ako, feeling alone pa sa lugar na 'to. Wala bang malapit na tindahan?" Bulong ko ulit sa sarili ko.

Nilalamig na 'ko kaya pumasok na talaga ako sa loob. Bago ko isarado ang gate ay naramdaman ko na naman ang napakalamig na hangin na humaplos sa balat ko. Pakiramdam ko ay may kasama akong pumasok sa bahay. Tinatakot mo pa ang sarili mo!

Isang plain white shirt at tokong lang ang suot ko na nasa ibabaw lang ng tuhod ko ganunpaman ay kailangan ko na nga sigurong magsuot ng kahit sweater man lang sa tuwing lalabas ako.

Hinaplos ko ang magkabilang braso ko at pumasok na nang tuluyan. Grabe ang taas ng balahibo ko at hindi ko malaman kung epekto ba ito ng hangin o kawalan ng maraming tao dito dahil sa nakabibinging katahimikan ng kalikasan.

The Sound of GaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon