Chapter 4

24 3 4
                                    

Halos dalawang oras kaming nagtagal ni Kuya Ryan sa sapa. Nang mag alas tres ay napagdesisyunan muna naming kumain ng meryenda. May dala pala si Kuya na mga container ng pagkain at water jugs na galing sa bahay. Hindi ko akalaing ganito niya ito pinaghandaan.

Kumakain ako ng pastang niluto ni Mommy nang matapos siya sa kanyang pagkain.

Umangat ang ulo ko sa kanya, "Bilis mo talaga." Wala pa atang tatlong minuto ang nakalipas naubos niya na ang pasta niya na nasa isang punong paper plate.

"Matutulog lang ako saglit sa likod ng kotse. Ikaw na ang magligpit diyan." Inubos niya ang tubig sa malaki niyang jug at dumeretso sa likod ng sasakyan para humiga roon. Ultimo patak ng tubig sa jug 'di niya pinalagpas.

"Katatapos mo lang kumain!" Sigaw ko sa kanya ngunit nakatulog na ata. Umiling nalang ako at natapos narin sa aking pagkain tsaka ako nagsimulang magligpit.

Hindi ko alam kung ilang kilometro ang layo ng stream na ito sa amin. Pakiramdam ko sobrang layo dahil wala kang ibang taong makikita dito kasi liblib ang lugar at maraming puno sa malayo. Pati ang mga kabahayan ay nasa dulong parte pa malapit sa centro.

Natuyo na ang katawan ko kaya nakaramdam na ako ng lamig. Sobrang nipis ng suot kong t-shirt at halos kita na ang green kong bra sa loob. Nanlaki ang mata ko nang may maalala. Agad akong tumayo at pumunta sa sasakyan upang hagilapin ang bag ni Kuya. Nakadagan ng kaunti ang mabigat niyang katawan doon kaya medyo nahirapan akong kunin.

"Mhmmm.." Umungol ito at gumalaw ng kaunti. Nakataas ang isa niyang tuhod habang ang braso ay tinatakpan ang kanyang mukha. Hindi pa nagpapalit si Kuya at sinuot lang muli ang shorts niya pero topless.

Nahanap ko ang hinahanap kong undergarments. Bumuga ako ng hininga at ibinalik ulit iyon sa bag. Nag isip ako saglit.. Paano pala ako magpapalit? Hindi pwedeng sa bahay dahil malalaman nila Mommy na dito kami galing kaya mas mabuting dito nalang ako magbihis sa sasakyan. Susuotin ko nalang ulit iyong damit ko kanina para hindi kami mapaghalataan ni Kuya. Sa bahay na ako maliligo ulit.

Naglakad ako pabalik sa malaking bato sa tabi ng sapa. Pinagmasdan ko ang kumikintab na tubig at huminga ng malalim. Dinama ko ang hangin sa kabila ng kalamigan nito. Inuudyok na naman ako ng mga paa ko na tumapak sa tubig. Nagpasya akong maligo ulit at pumunta sa dulo ng mag isa naman. Kanina nung nagkarera kami ni Kuya ay hindi ko masaydong na-enjoy ang falls dahil bumalik rin kami agad. Sa pangalawang pagkakataon ay ako ulit ang nanalo sa kanya. Ang laki ng ngiti ko nun at pinaalala sa kanya ang aming pustahan. Inis lang siyang umahon at iniwan ako kalaunan.

Hanggang balikat ko na ang tubig roon at medyo malamig na ito dahil sa paghampas ng tubig mula sa taas.

Lumangoy ako doon. Pagkaangat ng aking ulo ay may anino akong nakita sa punong malaki 'di kalayuan sa akin. Noong una ay akala ko gising na si Kuya ngunit hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Kinusot ko pa ang mga mata ko upang tanggalin ang natitirang tubig dito. Una kong naaninag ang dalawang pares na mga mata.

Asul at berde.

Jasper? Naningkit ang mga mata ko.

"Ikaw na naman." Tamad kong sambit at tsaka bumalik na sa mababaw na parte ng sapa. Ngayon ay mas malapit na ulit ako sa puno at kitang-kita ko na siya.

Nakasandal ito sa puno at nakahalukipkip. May suot siyang black na v-neck longsleeves tulad ng akin at blue faded jeans. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit wala siyang saplot sa paa. Binalewala ko iyon at sumisid nalang ulit para mabasa ang aking ulo. Pagkaangat ko ay naroon parin naman siya. Akala ko mawawala na naman na parang bula eh.

Palagi ba siyang narito? Oo nga pala at "teritoryo" niya ito. Umikot ang mga mata ko at matalim siyang tiningnan. Alam kong kitang-kita niya ako ngayon dahil sa liwanag galing sa sikat ng araw. Nakapagtataka ang medyo mainit na sikat ng araw sa panahon ngayon. Ang sabi kasi sa balita ay may bagyo. Pati kalikasan nagiging bipolar narin ata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sound of GaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon