I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
3RD PERSON'S POV
"OKAY! CUT! GOOD JOB EVERYONE!"
Nang marinig ang malakas na sigaw ng direktor ay mabilis ring napatigil si Gabe sa pagtakbo. Ang hudyat na iyon ang nagsasabi na tapos na ang scene na kanilang ginagawa.
Dahil rin sa pagod kaya naitaas niya ang laylayan ng suot na t-shirt para ipahid sa mukha. Ang paglabas naman ng kanyang katawan sa madla ang naging dahilan upang marinig ang matinis at di magkamayaw na sigawan mula sa mga sibilyan na nanunuod sa gilid ng set. Napangisi tuloy siya at nagawa pang kindatan ang mga kababaihang nandito.
"AMAZING! Ang galing no'n, Gabe! Malaki talaga ang improvements mo!" hiyaw muli ng direktor habang naka thumbs up pa sa kanyang dereksyon.
Ngumiti naman siya nang tipid at hindi gaanong ipinahalata ang pagod na nararamdaman habang swabe pa rin na naglakad palapit sa direktor.
"Salamat direk," yumuko pa siya nang bahagya upang ipakita ang masinsin niyang pasasalamat.
Hindi pa siya ganoong katagalan dito sa industrya ng pag arte, pero dahil sa mga fans na sumusuporta at magagaling na direktor na kumukuha sa kanya bilang actor kaya mabilis siyang sumikat at nakilala.
Ilang teleserye na rin ang kanyang pinagbidahan at ngayon naman ay sa pag gawa ng pelikula siya naka-focus. Katulad ngayon, ang kanyang role ay isang bida sa action-romance movie na tungkol sa lalaking myembro ng isang organized crime group.
Dahil sa tangkad at well built niyang katawan kaya naman sa halip na puro drama at mellow na story ang napapabigay sa kanya, mas kinukuha siya bilang isang action star.
Wala naman siyang reklamo doon sapagkat pangarap niya mula kabataan ang maging isang artista. At ang magkaroon ng ganitong role ang isa sa kanyang mga nais na gawin noon pa man.
Mula sa kanyang peripheral vision pansin pa niya ang masaya at tuwang-tuwang ekspresyon ng ibang taong narito. Crew man o mga normal na bystander.
"Tunay nga iyong balita, napaka bait at professional pala talaga ni Gabe pagdating sa trabaho, hindi kagaya ng ibang mga artista."
"Sinabi mo pa, at saka super duper gwapo pa! Kya!!!"
Mula sa kanyang isipan ay halos masamid na siya dahil sa malakas na pagtawa. Syempre naman, gagawin niya ang lahat wag lang masira ang reputasyon na meron siya. Hindi isang issue tulad nito lamang ang sisira sa kanyang career.
Naririnig niya noon pa man ang usap-usapan tungkol sa kanyang ugali, syempre ngayon dapat ipakita niya na mali ang iniisip ng ibang tao tungkol sa kanya. Kahit sa harap lamang ng publiko at ng camera.
Matapos siyang purihin ng direktor dahil sa bilis niyang mag memorize ng mga lines at magandang performance ay nagpaalam na rin ito.
Si Gabe naman ay bumalik na sa kanyang tent upang magpahinga, habang papasok ay sinalubong pa siya ng kanyang personal assistant na si Jeni.
"Gabe ito ang towel oh."
"Hm, salamat ate," tipid niyang sagot at saka pasalyang umupo sa kanyang silya.
Nang masigurong wala nang nakapalibot sa kanyang mga tao. Nagpakita na ang hindi maipintang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Tss, ang tatamad ng mga crew dito at mukha pang engot ang direktor." Inis niyang hinubad ang damit at nagpunas ng katawan.
"Shh, chill ka lang dyan Gabe, baka marinig ka pa ng iba," natatawa pang bulong sa kanya ni Jeni. Sanay na ito sa kanyang ugali kaya naman hindi na ito nagugulat kapag ganito ang kanyang pananalita.
BINABASA MO ANG
🌈MY HUSBAND IS A MAFIA BOSS WITHOUT HIM KNOWING [Ongoing]
Romance"Living in a facade of simple and happy life makes your world crumble when the truth surface and wreck everything you believe in." - Gabriel "Memories sure is detrimental, It even destroyed my pathetic love for you"-Damien ◆◇◆◇◆◇◆◇ Having a secret a...