I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
3RD PERSON'S POV"---r. D'Angelo."
"Sir!"
Isang nakakagulat na hampas sa kanyang mesa ang gumising sa pagkatulala ni Gabe.
"Hm? What's the matter?" kunot-noo naman niyang tanong sa kanyang secretary. Wala siyang schedule ng shooting ngayon kaya sa opisina ang kanyang bagsak.
"Your meeting will be rescheduled at 2 in the afternoon today," walang emosyon na saad nito sa kanya.
"I see," tipid niyang tugon at saka sinenyasan ang dalaga na pwede na itong lumabas. Muli ay blangko lamang siya nitong tiningnan at yumuko nang bahagya bago umalis.
Habang pinagmamasdan ang paraan ng paglalakad, gano'n din ang magandang kurba ng katawan nito ay hindi niya napigilan na hindi mapasipol ng bahagya.
Ganyang mga babae ang kanyang gusto, kung hindi nga lamang parang robot at isang manikang walang emosyon ang kanyang sekretarya ay matagal na niya itong pinatulan.
Kaya naman hindi talaga niya maintindihan ang balak ng kanyang Lolo. 'Tingin ba ni Lolo sa akin ay bading? Bakit niya ako ipinakasal sa Damien na iyon-- wait,' napatigil siya sa pag iisip nang maalala ang isang mahalagang bagay.
"Apo, pumunta ka sa townhouse mo sa tagaygay, doon ko sayo ipapakilala ang asawa mo."
Ang masaya at malapad na ngiti ng kanyang Lolo habang sinasabi ang bagay na iyon ang lalong nakapagpasakit ng kanyang ulo.
"Seriously? Ngayon nga pala ipapakilala ni Lolo ang lalaking iyon," parang baliw pa niyang ani habang nakahawak sa kanyang buhok na kanina pa niyang gustong sabunutan dahil sa kakaibang inis na nararamdaman.
Habang naghihintay ng kanyang susunod na conference meeting, napasandal si Gabe sa kanyang swivel chair at napatitig sa kisame. Sinubukan niyang isipin ang itsura ng lalaking mula kahapon ay asawa na niya.
'Wife ang sabi ni Lolo, ibigsabihin baka medyo feminine ang Damien na iyon. Pero kahit mukha man siyang babae o hindi, ayaw ko pa rin, lalaki pa rin siya,' gigil na saad niya sa kanyang sarili habang marahan na hinihilot ang sintido.
Minsan talaga hindi rin niya mawari kung anong mga bagay ang tumatakbo sa isipan ng kanyang Lolo.
'Baka naman nagkaka Alzheimer's disease na kaya kung ano-anong naiisip.' Napailing na lamang siya upang pigilan ang sarili na hindi mapatawa.
▼△▼△▼△▼△
DUMAAN nang kay bilis ang buong maghapon ni Gabe, ngayon ay nagmamaneho na siya patungo sa private house niya sa tagaygay. Tago ang lugar na iyon at mahigpit ang security kaya naman walang paparazzi na nakakalusot.
Ang village na kinatatayuan ng kanyang townhouse ay pagmamay ari ng kanyang Lolo kaya lalong mas secure ang kanyang pakiramdam sa pagbisita doon. Ngayon nga habang nasa gitna ng byahe ay nakailang tawag na ang kanyang makulit na Lolo upang ipaalala ang mahalagang diner na magaganap.
"Yes, I'm on my way, Lo. Wag kayong mag alala, sisipot ho ako," saad pa niya, at napadasal na sana ay makumbinsi na niya nito.
"Good, aasahan namin ang pagdating mo," tugon pa nito bago maputol ang tawag.
Napabuntong hininga na lamang siya habang nakatutok sa daan ang paningin. Medyo malapit na siya sa kanyang destinasyon kaya naman may kaba na namang nagsisimulang magparamdam sa kanya.
BINABASA MO ANG
🌈MY HUSBAND IS A MAFIA BOSS WITHOUT HIM KNOWING [Ongoing]
Romance"Living in a facade of simple and happy life makes your world crumble when the truth surface and wreck everything you believe in." - Gabriel "Memories sure is detrimental, It even destroyed my pathetic love for you"-Damien ◆◇◆◇◆◇◆◇ Having a secret a...