I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
3RD PERSON'S POV
"Huwag mo akong hawakan PRE! Hindi ko na kailangan ang tulong mo, kaya ko nang maglakad mag isa," iritableng bulalas ni Gabe at marahas pang tinapik ang kamay ni Damien na handang bumuhat sa kanya.
"Kahit na, nag aalala lang naman ako Gabe," nakanguso namang tugon nito sa kanya.
"Wala akong pakialam, lubayan mo na ako!" aniya, bago pa man niya mapigilan ang sarili.
Nanlulumo namang lumabas sa kwarto si Damien dahil sa kanyang pahayag na iyon. Kahit ayaw niyang aminin, pero mabilis siyang nagsisi at nakunsensya dahil sa kanyang inasal ngayon lang. Sa halip na pasalamatan si Damien dahil sa pag aalaga nito sa kanya habang baldado siya nitong mga nakaraang araw ay mas nanaig pa rin ang kasamaan ng kanyang ugali.
Ngayon, puno ng kirot ang kanyang dibdib dahil sa ginawa sa asawa. 'Tsk, bakit ba pagdating sa kanya ang bilis kong makunsensya?' inis pa niyang turan sa sarili.
Makalipas ang halos ilang linggo na pananatili sa bahay at pagre-recover ng katawan ay medyo magaling na rin sa wakas si Gabe. Halos wala nang bakas ng matinding pasa sa kanyang likod, gano'n rin ay hindi na sobrang sakit ng kanyang pangangatawan ngayon. Nakakatayo na siya mag isa at nakakapaglakad.
Habang napapabuntong hininga ay marahan siyang bumaba sa hagdan upang puntahan si Damien sa kusina. Dalawang lugar lang naman ang karaniwan nitong tinatambayan, una ay sa garden, pangalawa naman ay sa kusina kaya mabilis niyang mahanap ito.
"D-Damien," nahihiya at mahina pa niyang pagtawag dito.
Hindi naman ito lumingon, halatang masama pa rin ang loob sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo at marahan na nilapitan ito. Kahit kakabog-kabog ang kanyang dibdib at napapalunok pa ng laway dahil sa kaba ay nagawa niyang yakapin ito mula sa likod.
'Nababaliw ka na Gabe! Anong klaseng pansusuyo ito!? Mahiya ka naman sa pride mo!' Kahit sinisigawan na siya ng kanyang sarilimg utak, hindi niya pinansin iyon at mas hinigpitan pa ang yakap sa asawa. 'Itapon ko muna ang dignidad ko, mas malilintikan ako kapag nagsumbong 'to kay Lolo,' aniya para pakalmahin ang nagwawala niyang ego.
"P-Pasensya na tala--" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng maramdaman ang mainit at malaki nitong palad na nakapatong sa kanyang kamay.
Bakas din ang pamumula ng mukha at tenga nito habang pinipigalan ang sarili na lingunin siya. Sa mga oras na iyon, tila ba ay napuno ng kakaibang saya ang kanyang dibdib dahil sa naging reaksyon nito. 'Ibigsabihin ganito katindi ang epekto ko sa kanya.' Bigla siyang naging proud sa kanyang sarili habang napapangisi pa.
"Huwag ka nang magalit, hindi ko naman intensyon na sabihin iyon," pagpapa awa pa niya dito. Hindi naman siya naging artista para lang sa wala, di ba?
"O-Oo hindi naman ako galit," maamo pa nitong ani matapos siyang harapin.
Dahil rin sa biglaan nitong paglingon kaya naman wala na siyang oras pa para makahakbang palayo, ngayon ay ilang pulgada na lamang ang naglalayo sa kanilang mga labi. Ramdam na niya ang mainit at mabango nitong hininga na tumatama sa kanyang mukha.
Sa hindi niya malamang dahilan, sa halip na itulak ito o kaya ay suntukin. Tila ba ay naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan at ang nagawa na lamang ay pumikit at hintayin kung anong sunod na mangyayari.
Ngunit, ilang segundo na ang lumipas pero wala namang lumalapat sa kanyang labi kaya napamulat ang kanyang mga mata. Nag aalala at may halong pagtataka naman siyang tiningnan ni Damien. "Okay ka lang ba, Gabe? Bigla ka kasing natigilan, bumalik ba ulit ang lagnat mo?" tanong pa nito habang sinasalat ang kanyang noo.
BINABASA MO ANG
🌈MY HUSBAND IS A MAFIA BOSS WITHOUT HIM KNOWING [Ongoing]
Storie d'amore"Living in a facade of simple and happy life makes your world crumble when the truth surface and wreck everything you believe in." - Gabriel "Memories sure is detrimental, It even destroyed my pathetic love for you"-Damien ◆◇◆◇◆◇◆◇ Having a secret a...