Chapter 3

141 23 7
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ

3RD PERSON'S POV

ANG buhay showbiz ay hindi madali, maraming bagay ang itinatago ng magagandang ngiti at masayang mukha ng mga taong nasa harap ng camera. Mga katotohanan na hindi nakikita ng mga manunuod, mga bahong itinatago sa mata ng publiko.

Hindi dapat paniwalaan ang lahat ng iyong nakikita base lamang sa ipinapalabas sa mga telebisyon o mga balitang lumalabas sa internet.

Maraming issue ang lumulutang at lumalaki kahit wala namang basehan o matibay na ibedensya. Noong nagsisimula pa lamang si Gabe, hindi siya nakaligtas sa mga issue na ito para lang sirain ang kanyang pangalan at hindi na siya magtagumpay sa larangan ng pag arte.

Natatandaan pa niya nang may lumabas na anonymous post sa social media tungkol sa kanyang magaspang at masamang pag uugali. Well, tunay naman, pero lahat naman siguro ng tao ay may kanya-kanyang personalidad na pinangangalagaan.

Hindi siya gano'n ka-baba para patulan pa ang mga issue na iyon, sa halip ay mas pinaganda niya ang kanyang imahe sa publiko upang walang maniwala sa mga paratang ng taong gustong sumira sa kanya.

Ngayon, mas naging matalino na siya pagdating sa kanyang paligid at mga taong nakakasalamuha. Hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang labi, gano'n din ang magalang niyang pakikitungo sa lahat.

Pero, syempre hindi maiiwasan na maraming naiingit sa biglaan niyang pagsikat at pag angat sa showbiz.

"Anong masasabi mo Gabe sa mga taong humahanga sayo?"

"Syempre naman Steve, gusto kong magpasalamat sa kanila dahil kung wala sila para suportahan ako, wala rin ako sa kinalalagyan ko ngayon. Sa aking  avid fans at mga tagahanga, thank you so much!"

Maririnig ang malakas at di magkamayaw na sigawan ng mga audience bago niya patayin ang tv. Gabi naganap ang pagbisita niya sa talk show na iyon at ngayon lamang iyon inere sa tv.

'Gwapo mo talaga, Gabe,' mayabang pa niyang ani sa isipan habang proud na proud sa kanyang sarili.

Narito siya sa resting area ng set kung saan ay may shooting silang ng isang action scene ngayon. Hinihintay pa nila ang ibang artista kaya hindi pa nagsisimula ang lahat.

"Hindi pa daw ba magsisimula?"

"Hindi pa ata, wala pa si Jun," sagot naman ng kanyang P.A nang makapasok ito sa tent.

"Seriously? Mag iisang oras na siyang late ah, iba din. Akala mo VIP tsk," inis niyang turan.

Napailing na lamang naman si ate Jenny sapagkat may karapatan namang magalit si Gabe sapagkat pagdating sa trabaho, hindi nito binabasta-basta ang lahat. Maaga itong dumadating at talagang pinagpa-praktisan nito lahat ng scene na nakatalaga sa kanya.

Kahit napapailing ay may ngiti pa ring sumilay sa labi ni Jenny sapagkat kahit napaka reklamador nitong kanyang inaalagaang artista ay napaka diligent naman nito sa trabaho.

Dahil rin sa inip ay napalabas na rin si tent upang pagmasdan na lang ang paligid. Hindi pa nga nagtatagal ay may lumapit na sa kanya.

"Pre, wala pa ba? Male-late na ako sa sunod kong schedule," napapakamot batok ng kanyang co-star na si Mike. Kagaya niya, newbie lamang din ito sa showbiz.

"Kaya nga, pero hayaan mo na pre, baka may rason naman siya," nakangiti pa niyang ani, kahit sa loob-loob niya ay minumura na niya si Jun dahil sa inis.

"Tunay, sana dumating na siya," tugon na lamang rin ni Mike.

MAKALIPAS ang ilang sandali dumating rin ang hinihintay na co- artist, halata na kahit ang ibang crew na narito ay inip na rin sa paghihintay.

🌈MY HUSBAND IS A MAFIA BOSS WITHOUT HIM KNOWING [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon