Chapter 4

131 24 7
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ

3RD PERSON'S POV

HABANG nagdidilig ng kanyang mga pinakamamahal na halaman sa harap ng bahay ay sandaling napatigil si Damien upang silayan ang oras sa kanyang cellphone.

5'o clock na ng hapon, napabuntong hininga siya nang makita ang oras. Hapon na pero hindi pa rin tumatawag si Gabe ibigsabihin ay hindi ito makakauwi ngayon. Matinding pagkadismaya ang kanyang naramdaman nang mapagtanto ang bagay na iyon. Dapat nagluluto na siya sa oras na ito, pero dahil wala naman ang taong nais niyang makasabay kumain kaya tila nawalan siya ng gana.

Sa mga lumipas na buwan mula nang magising siya, napakaraming bagay at mga katanungan ang gumugulo sa kanyang isipan lalo't wala siyang na-aalala kahit kaunti sa kanyang pagkatao o tunay nilang relasyon ni Gabe.

Nang magising siya sa isang ospital, nalaman na lamang niya na kasal na siya sa isang lalaki. Noong una, mahirap para sa kanyang tanggapin ang lahat lalo na at magulo, puno ng takot at pangamba ang kanyang utak sapagkat blanko ang kanyang isipan. Ni pangalan, katauhan, pamilya at edad ay niya wala siyang ideya.

Salamat at nandyan si Lolo Julio para ipaliwanag sa kanya lahat, ito rin ang nalalapitan niya kapag mayroon siyang mga katanungan.

'Kahit sabihin ni Lolo na matagal na kaming may relasyon ni Gabe, hindi ko pa rin magawang paniwalaan ang lahat dahil sa malamig niyang pakikitungo sa akin,' malungkot at naguguluhan pa niyang ani sa sarili habang inaayos ang mga ginamit na pandilig.

Sumagi rin sa kanyang isipan ang ilang bagay na maaring maging dahilan kung bakit gano'n na lamang ang trato sa kanya ng asawa. Ni hindi sila natutulog sa iisang kwarto, iwas din ito lagi at wala ring oras para sa kanya.

'H-Hindi kaya nahuli niya akong may kalaguyo noon? Nag cheat ba ako?' hindi mapakali niyang tanong sa isipan. Napatigil rin siya sa paglalakad at napayuko na lamang dahil sa kabaliwang pumapasok sa kanyang utak. Kung iyon nga ang dahilan kaya galit at malamig sa kanya ang asawa ay wala nga siyang magagawa kun'di ang humingi ng tawad at suyuin ito.

Kahit nanlulumo habang papasok na muli sa loob ng bahay ay bigla siyang napatigil sa paglalakad sapagkat may narinig siyang tunog sa di kalayuan. "Teka-- si Gabe ba iyon?" bulong pa niya at mabilis na tumakbo palabas ng gate.

Hindi siya nagkamali, kotse nga ni Gabe ang nakaparada sa harap ng bahay. Nagmamadali at masigla siyang lumapit upang salubungin ang asawa, ngunit nagtaka siya sapagkat hindi ito lumalabas ng sasakyan.

"Gabe?"

"Gabe!" Kinatok pa niya ang bintana ng kotse.

Ilang beses na niyang tinawag ang pangalan nito ngunit hindi ito gumagalaw. Napuno ng takot ang kanyang puso sapagkat baka kung ano na ang nangyari dito. Dahil sa pagkataranta kaya naman gamit ang kanyang malaking braso, hindi man lang siya nakaramdam ng sakit nang suntukin niya at basagin ang bintana ng kotse. Mabilis niyang binuksan ang sasakyan mula sa loob at kinuha si Gabe.

Mukhang may mataas itong lagnat base sa nanginginig nitong katawan at pawisan na mukha. Matulin ang naging paglalakad niya patungo sa kwarto ng asawa. Hindi niya ininda ang dumudugong braso dulot ng basag na bintana ng kotse kanina. Maingat niyang inihiga ito at kahit namumula pa ang mukha dahil sa hiya ay wala siyang choice sapagkat kailangan niyang paltan ito ng damit. Makalipas ang ilang segundo matapos niyang matawagan ang Lolo ni Gabe ay dumating ito na may kasamang doktor.

"Okay ka lang ba, hijo?" tanong pa ng matanda sa kanya habang nakaturo sa may benda niyang braso.

"Opo Lo, wala ito."

🌈MY HUSBAND IS A MAFIA BOSS WITHOUT HIM KNOWING [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon