Chapter 02

24 5 0
                                    

Are you dead?


Naglupasay ako sa aking kama na para bang sinasaniban ng masamang espirito habang hinahampas ang malambot na unan at ini-imagine na iyon ang manager kong napakabulok ng mindset, manyak pa.

Bwisit na bwisit ako! Kainis!

Sumigaw ako ng napakalakas habang nakatakip ang unan sa aking buong mukha. Feel ko pa nga 'yung laway kong dumikit sa pillowcase.

Nang maramdaman ko ang pagod sa kakadabog kanina ay kusa rin akong tumigil... at pagkatapos ay dumausdos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Strong ako, diba? I don't cry?" usal ko sa sarili.

Why is everything not going according to what I envisioned it would be? Napaka-unfair naman ng mundo sa akin.

I saw our summa cum laude's post na nag-se-celebrate ng kanyang achievements sa facebook. She had successfully made a deal with a pharmaceutical company in the US. Habang ako, naiwang talunan at wala man lang maipagmamayabang.

Ang lakas ko pang makipagbuno sa kanya noon. Siguro pinagtatawanan na ako n'on sa isip niya.

I cried again.

I read the comments from our batchmates, whule crying. They were all congratulating her and wishing her well for her safe travel. Pati 'yung plastic naming nag-magna cum laude rin, nakiki-greet.

"Congratulations, my ass!" I mimicked while making weird facial expressions.

And then again... I bawled. Tinapon ko ang cellphone ko somewhere and I heard it crashed on the floor.

Rinig na rinig ang pagngawa ko sa loob ng aking kwarto. If only I had ghosts inside my room, magsisialisan kapag narinig akong ngumangawa ng sobrang OA.

Valid naman siguro itong iniiyak ko, diba? 'Yung manuscript ko tinapon lang. Para na rin niyang sinabing walang halaga itong existence ko.

Hoy, baka si Allora to! Magna cum laude? Helloooo???

Sana pinakyuhan ko pa ng matagal yung panot na' yon! I even forgot to slap that Bridgette, urgh!

Kung maka-ngisi sa akin, wagas! Nakakainsulto 'yon sa part ko! Edi suso niya na yung nagwagi!

Tanginaaaaa...

Bakit ba ako nagmumukmok dito? Wala na naman akong babalikang kumpanya, e. Pinakyuhan ko ba naman yung manager ko.

Hindi ko namalayang lumabas na pala ako ng apartment ko at kanina pa nasa kabilang linya si Charles. Hello ng hello na parang tanga.

"Tara, shot!" Nadedemonyong halakhak ko at pinatunog ang baso naming dalawa ni Charles.

Umiikot na 'yung paningin ko at tumatatlo na rin ang ulo ni Charles sa paningin ko. Nilaklak ko ng isang bagsakan ang soju saka napa-dighay sa harapan niya.

Ngumiti ito saka pinaypay ang kamay niya sa kanyang mukha.

"Arte mo ah. Pasalamat ka nga inaya kita. Single ka kasi kaya naawa lang ako baka mabaliw kang mag-isa." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka pinisil iyon.

Red Spider Lily (To Be Published Under PaperInk Imprints)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon