Silent Waters
How did everything turn into this?
Kasalukuyan akong hawak ng mga pulis para isagawa ang imbestigasyon. They found my DNA in the crime scene—specifically on an oddly familiar flower.
Iyon nga ang nasa loob ng ziplock bag sa ibabaw ng mesa na tinititigan ko ngayon. Halos uminit at umanghang ang mata ko dahil sa tagal nang pagtitig ko roon—trying to remember where I've seen it. I'm trying to remember something important about this but I couldn't focus because of the idiot playing with me.
"Adik..." Aniya kasabay ng paghagikhik nito sa aking tabi.
Isinandal ko ang aking likod sa matigas at malamig na bakal na upuan at pinaikutan siya ng mata. I know he's just trying to cheer me up, but duh should he really joke at a time like this? I mean I feel sorry... for me. And he's not even helping. Dumadagdag lang siya sa mga iniisip ko.
And what fool who'd laugh about his joke when I'm about to get arrested for a crime I didn't even do?
"Itikom mo 'yang bibig mo o sasakalin kita?" Dalawa lang ang pipiliin niya or he would end up in my grip.
Hays, what police in Charles's persona can even do? I doubt he can even hold a gun properly. I can't even imagine him going on a mission.
Napako sa kani-kanilang mga pwesto ang tatlong pulis sa loob ng interrogation room nang marinig ang sinabi ko.
I raised a brow at them. Saka naman sila bumalik sa kanilang mga ginagawa.
Hindi naman mabiro ang mga taong ito. Hay.
I just realized this-- the older you get, the less humor you got. Just like this officers. Kung makatingin naman sagad na sagad, para tuloy akong mamamatay-tao sa mga tingin nila.
"Hey... you got this." He said with pensive melancholy in his eyes.
Kung mag-alala naman ito, para akong bibitayin na.
I didn't react to him. Hinintay pa nga niya akong magsalita ngunit lumabas na rin ito nang maramdaman niyang wala na akong sasabihin pa sa kanya.
I will make it out here, clean. I have nothing to worry about.
"We will start with the questioning." Wika ng pulis na nakaupo sa aking harap.
There were two of them inside. Nakatutok naman sa amin ang camera na ni-re-record ang aming pag-uusap. They will get nothing from me. That's for sure. Pero hindi ko sasabihing nagsasayang lang sila ng oras. I like being here. Magagamit ko rin itong experience ko sa pagsusulat ng mga crime stories.
Iginala ko ang aking mata sa kabuuan ng interrogation room. The light inside was quite dim. Siguro ay para magbigay ng intimidating atmosphere sa kung sino man ang sasalang sa interogasyon. They even picked the most intimidating and I may say yet the ugliest officers they got here. Though, they've got the muscles that I'm looking for. Hindi iyong puro tiyan na lang ang mapapansin mo.
"Wala na ba talagang ibang tao ang kakausap sa akin? Kayo na talaga?" Naboses ko tuloy ang dapat na nasa isip ko lang.
Nagkatinginan lang ang dalawa. I bet they're confused kung bakit ko tinanong iyon. Ayoko namang sabihin na pangit sila.
"Nevermind. Go on." Pinatuloy ko na sila sa kailangan nilang isagawa.
I'll try to be as cooperative as I can be para matapos na rin ito. Madali pa naman akong mainip sa mga bagay na walang saysay para sa akin.
"Miss Allora, you worked alongside with Mister Salvatore, Mister Jacinto, and Miss Delos Reyes on a publishing company, right?" May binabasa ito sa papel na hawak niya habang ang kasama niya'y tahimik lang nakamasid at nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Red Spider Lily (To Be Published Under PaperInk Imprints)
Mistério / Suspense[COMPLETED] What can you do for fame? Allora can do anything and everything under the sun. She has been eagerly awaiting her own big break in the writing world for a very long time. She was desperate. However, despite the fact that she was occasiona...