This will be the prologue to be published on its physical book.
Wicked Writers Series on PaperInk Imprints.〰️
SECOND PERSON POINT OF VIEW
Nagkumpulan ang mga kasamahan ko sa aming himpilan nang nagsimulang magkwento na naman ang pasimuno ng chismis dito.
“Ang kwento kasi gumagawa daw yan ng mga nobela. Mystery-thriller. Kaya hindi rin nagkakalayo ng katauhan ʼyung nagsusulat at pumapatay.” he snapped his fingers in front of everyone na parang naka-jackpot siya ng intel.
The others, too, was invested to this case.
“Ano ba ʼyung mystery-thriller?” curious na tanong ng nag-o-ojt na undergrad naming trainee na naki-upo na rin sa kwentuhan ng mga pulis.
“Patayan, ganoʼn.” pa-cool na sabi ng isang kasamahan namin na walang ibang ginawa kung hindi ang magmayabang.
“Eh wala namang bago doon. Sus.” Sabi pa ng isa. Lahat sila pati ako ay napailing na lang.
Wala namang bago sa patayan. The only thing that's new is the alarming cases of murder for the past few days.
“Nagpapaniwala ka na naman sa ganiyan. Alam mo namang hindi dapat tayo nambibintang hanggaʼt hindi napapatunayang may sala nga.” Wika ko saka sumimsim sa hawak kong baso ng kape.
Ilang araw na rin kaming puyat at walang pahinga dahil sa isang kaso ng serial murder. Kalat na kalat na rin sa buong lugar ang patayan na tingin nila ay iisa lang ang gumagawa kaya naka-alerto na din ang lahat ng unit ng pulisya sa mga kanto.
Mukhang professional ngang gumalaw at pumatay ang may sala dahil apat na bangkay na ang nai-retrieve ng mga pulis pero wala pa rin kaming solid lead na makakapagturo sa katauhan ng serial killer. Bukod sa isang kulay pulang bulaklak na palaging nasa tabi ng mga yumao, wala ng ibang ebidensiyang makakapagpaliwanag kung ano ang rason sa likod ng mga patayan ngayon.
“Eh paano kung guilty nga? Kung siya nga talaga yung pumapatay? Ginagawaang cover-up yung mga kwento niya. Diba?” Mukhang nakumbinsi naman ang iba sa sinabi nito.
“Ewan ko sayo. Para ka namang di nag-college.”
Nagsitawanan ang ibang kasamahan naming pulis sa sinabi ko saka bumalik na sa kanilang istasyon.
Umismid lang si Bartolo sa akin. Kapwa ko ring pulis.
“Grabe. Ang KJ mo talaga Police Officer I, Langlang. Alam mo...” Umakbay ito sa akin saka nagpatuloy.“... ku-LANG ka talaga sa sense of collaboration.” Tumaas-baba ang kilay nito.
Hindi sa KJ. Ayoko lang na mapahamak ang taong malapit sa akin. Ngayon pa lang siya nagsisimula. At ayokong masira ang plano niya nang dahil lang sa maling hinala.
“Collaboration mo, mukha mo. Magtrabaho ka na kaya.”
Wala namang nakakaalam bukod sa akin at hindi nila malalaman at hindi ko rin sasabihin.
“Al? Tigilan mo na kaya ʼyung kwento na sinusulat mo. Mapapahamak ka lang.” Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa pagpapaalala sa kaniya.
Tuliro ako simula nang mangyari ang mga aksidente at walang-tigil ang pag-aalala ko para sa kaniya.
“Are you mad? Kapag hindi ko ito itutuloy, baka hindi rin matutupad yung pangarap kong maging sikat na writer, Charles! Umuwi ka na nga!” Pagtataboy nito sa akin ngunit nasa laptop niya pa rin ang kaniyang mata.
Halos hindi niya na rin nalilinis ang bahay niya. Makalat, madilim, amoy pinagsamang basa at alikabok. Nagkalat rin ang towel at mga tissue sa sahig na may dugo.
Napahawak ako sa aking batok at napahimas roon.
“Al...” Tinawag ko siya ngunit wala siyang naging tugon. Alam kong narinig niya pa ring tinawag ko siya. “Are you... are you behind all these killings?”
Alam kong sa paraang iyon nakuha ko ang atensyon niya.
I held my breath as she slowly turned her head to me, face pale. A wide smile creeped out of her face as she answered, “No... Why would I be?”
BINABASA MO ANG
Red Spider Lily (To Be Published Under PaperInk Imprints)
Mystery / Thriller[COMPLETED] What can you do for fame? Allora can do anything and everything under the sun. She has been eagerly awaiting her own big break in the writing world for a very long time. She was desperate. However, despite the fact that she was occasiona...