Sidney Lanuza aka Lanz ang tawag nila sakin. Ang pinakaimportanting karakter. Isa akong baklang nakalimut sa paghahangad magkaroon lamang ng true love crush at ito nga ay muling binuksan at pinadama ni Blue. Si Blue naman ay isang 3rd year student ng BSGE sa Csu. Matangkad mga 5'9" ang height, medyo kayumanggi ang kulay niya, matalino, simple lang kung manamit at tsaka gwapo, pero hindi mo talaga maaakalang lahat ng girls sa csu ay may gusto sa kanya. And since Blue and Evith Have broke up they never having communication at tsaka mas malupit yung walang pansinan man lang. Evith, isang magandang babae sa cSU. Kilalang-kilala sa kanyang malaanghel na mukha. Speaking of angel si Dids naman ay pawang alagad ng Dios pero parang outsider naman sya kung husgahan sa personalan. Mabait pero walang friends.
Ang mga mababait at mapagmahal na kaibigan ni Lanz ay yung tipong hindi rin nakatikim ng true love, in short mga virgin. Si Queenie, ang leader ng barkada medyo may pagkatanga pero kapag kaharap mo ang kanyang mukha tsak magkakapag-asa ka.. but wait kapag may nagawang kagaguhan ang barkada sya lahat ang sinisisi. Si Dye naman ang athlete ng barkada. Magaling syang maglaro ng volleyball at sakatunayan nga ay nakapaglaro na sya sa regional meet. Livei naman ang superwilling to help others sa barkada at siya rin ang lola namin. Si Pearl ang mahinhin sa barkada, kung kami lahat ay virgin sya naman ang mama mary samin, parang may sakit gumalaw. Si Kimmy ang mayamang anak ng businessman, siya lang naman ang anak ng nagmamay.ari ng Santos Hospital. Kapag magkakasakit kami, kuha gamot lang sa kanilang botika ay gagaling kana. At si Amber naman ang pinakasweet na beke sa groupo. Marami na siyang naakit na lalaki sa campus but honestly walang nakakuha sa kanyang virginity.
Yang ang mga barkada ko, magulo, may mga ibat ibang katangian, at mga baliw. Isa lang naman ang kanilang hinahangad ang makakita ng taong tunay na umibig sa kanila yung wagas magmahal. Pero ako? Im out! Pass mo na. Masakit umasa.....