NC 8

2.7K 53 0
                                    

K A T H R Y N

*KRIIIIIINGGGG*

Guess what? Uwian na!

"Hoy Daniel! Tara sumama ka na sa akin. Or magpalit kaya muna ako ng damit?" binulong ko yung last part.

"Gusto mo umuwi ka muna? Meron ka pang ano eh." sabi sa akin ni Daniel tapos parang nandidiri pa sya sa akin.

"Wag mo nga akong pandirihan! May kapatid ka bang babae? It's normal for us, duh. Anyway, uwi na nga muna ako. Hatid mo ako sa bahay tapos diretso tayo na tayo sa pupuntahan nating malupit." sabi ko. Nakakailang kayang gumalaw pag may ano ka. Diba girls?

"Ano ka chix?! Umuwi ka mag-isa! Iintayin kita dito." sabi ni Daniel na lumalaki pa butas ng ilong kasi galit. HAHAHAHAHAHAHA!

"FYI, di ako chix. Dyosa ako duh. Pumili ka dito, ihahatid mo ako o papatayin kita sa kiss?" sabi ko sa kanya. Panakot lang yung kiss. Di ko yan ikikiss no. Ew.

"Eto na nga po. Ihahatid kita sa bahay nyo para makapagpalit ka ng damit tapos pupunta na tayo doon sa sinasabi mong nalupit. Ok na po dyosa?" sarcastic nyang sabi.

Inirapan ko muna sya bago ako nagsalita. "Ok. Tara na nga!"

Pagkarating namin sa parking lot, nagulat ako pumunta sya doon sa Ferrari. OMG same kami ng car! Hehehe. Kulay Black sa kanya. Sa akin Yellow hihi.

"Parehas tayo ng kotse. Sa akin kulay yellow naman." sabi ko sa kanya pagkasakay ko doon sa shotgun seat.

"Tinatanong? De joke lang. Buti afford mo 'to." cool nyang sabi. Aba yabang nito ah.

"Mayaman kaya kami. Amin nga yang school na pinapasukan mo eh. Tss. Pati mga mall amin yun uy! Hanggang paa ko lang yang kayamanan mo." sabi ko sa kanya. Stinart nya na din yung kotse nya.

Nagmake-face lang sya sa akin. "Ay sya nga pala, saan village nyo?" tanong nya sa akin.

"Alam mo yung Golden Gate Executive Village? Yung malapit sa Mini Stop." sabi ko sa kanya.

Nagnod na lang sya. Pagtripan ko nga muna hehe.

"Bilisan mo mag drive. Baka matagusan ko 'tong car seat mo." pero syempre joke lang yan. Panakot lang ulit hahahaha.

"HA?! PAG NATAGUSAN MO YANG CAR SEAT KO KATHRYN CHANDRIA BERNARDO, BIBILHAN MO AKO NG BAGONG KOTSE." medyo OA nyang sigaw sa akin. He loves his car so much. -_-

"Duh Daniel John Padilla. Gusto mo sampu pa bili ko sa'yo nito eh. Kaya, bilisan mo na lang magdrive. Sumasakit puson ko. Baka di kita mailibre." sabi ko.

"Ok po Dyosa. Tss."

Di ko na pinansin. Pumikit na lang ako. Masakit talaga puson ko.

"Kathryn? Ok ka lang? Gusto mo sa susunod mo na lang ako ilibre?" biglang tanong sa akin ni Daniel.

"I'm fine Daniel. Malapit na ba tayo?" tanong ko sa kanya habang nakapikit pa rin.

"Sabi mo ha. Medyo malapit na tayo."

After some minutes, nasa tapat na kami ng bahay ko.

"Intayin mo ako Daniel ha. Papalit lang ako. Gusto mo ba muna pumasok sa bahay?" tanong ko sa kanya. Nasa kotse pa rin kasi kami.

"Wag na. I'm fine here. Bilisan mo na lang."

"Ok."

Pagpasok ko sa bahay, nagulat ako kasi nandito pala si Kuya.

Night ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon