NC 35

1.7K 31 1
                                    

#conyonation2016


D A N I E L

Tatlong linggo ang lumipas simula nung nagpunta ako sa bahay nila Kath. Madami na ang nangyari. Sila Arisse at Patrick na. Sila Alex at Chie na. Pero kami ni Kathryn, ganun pa rin. Hindi pa ako makapag-propose kasi hindi ako makahanap ng tiyempo.

At maari ngang sa tatlong linggo na lumipas, marami na ang nangyari sa Pilipinas. Maaring may mga nabuntis, nanganak, nag-birthday o kaya ay namatay. Pero kami ni Kathryn, ganun pa rin.

Torpe. Mabagal.

"Ahh, ang hina mo Daniel!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa pagkainis sa sarili. Naiinis ako kasi I can't find the guts to ask Kathryn to be my girlfriend.

Hindi ko pa alam kung anong klase ang gagawin kong proposal. Kung magarbo ba o simple lang. Kung ano mga sasabihin ko. Kung saan ako magpo-propose. Hindi ko alam. Ano ba 'yan, para namang wedding proposal 'tong gagawin ko.

Nagulat na lamang ako sa biglang pagtapik ni Alex sa likod ko. "Ang bagal mo kasi, orb." Tumabi siya sa tabi ko. Sinuntok ko siya ng mahina sa braso niya.

"Loko."

"Hanggang tingin na lang ba ang pag-propose mo?" Biglang sabat nitong si Patrick na kakadating lang.

Nandito kasi kami sa bench. Nagsisiksikan habang nakatingin sa tatlong babaeng nagkekwentuhan sa hindi kalayuan. Sila Kathryn, Arisse at Chie. Kanina ko pa pinagmamasdan mula dito si Kathryn. Nag-iiisip pero laging nawawala sa pag-iisip dahil sa kagandahan niya. Lalo na pag natawa.

How can she just sit there and laugh and still look beautiful?

Hulog na hulog na mga orb.

"Nag-iisip kasi ako mga 'brad. Huwag kayong maingay diyan." Saway ko sa kanilang dalawa. Imbes na tulungan ako nitong dalawa, panay kuda pa eh. Tsk.

"Nag-iisip daw. Baka tinititigan lang." Sabat pa uli ni Patrick. Lakas talaga nito mang-asar eh.

"Doon na nga kayo sa mga girlfriend niyo! Layuan niyo ako." Tinulak ko sila palayo. "Huwag niyong sasabihin sa kanila na nandito ako ah. Lalo na kay Kathryn."

Pinanlakihan ko pa sila ng mata pero nagsitawanan lang sila. Mukhang sasabihin nila ah.

Pinanood ko silang lumapit sa tatlo. Maya-maya lang ay tinuro na nila Alex yung pwesto ko kaya tumingin silang lahat sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Badtrip talaga 'tong mga kaibigan ko!

Pero, nawala yung pagka-badtrip ko nang bigla akong nginitian at kinawayan ni Kathryn. Natunaw bigla yung inis ko. Isang ngiti lang talo na agad ako! Inaya niya pa akong pumunta doon sa pwesto nila. At siyempre ako, oo agad.

Nagmamadali akong tumakbo doon papunta sa kanya. Lahat na ng pagmamadali ginawa ko. Tinabig lahat ng mga nakaharang sa daanan ko. Baliw na sa pag-ibig si Daniel John. Baliw na baliw na. Pustahan, nanliligaw pa lang.

"Hi!" Bati ko kay Bal habang hinihingal pa. Natatawa siyang humarap sa akin. 'Tong mga kaibigan ko naman nang-aasar pa sa gilid ko.

"Nag-run ka ba papunta dito?" Kunot-noo niyang tanong sa akin.

Sasagot na sana ako ng bigla akong unahan ng mga kaibigan ko. "Siyempre, nagmamadali makita ka eh!" Sagot nila habang tumatawa.

Tama din naman sila. Ide-deny ko pa ba?

Ngumiti na lang ako at tiningnan ang mukha ng babaeng nasa harapan ko. Napaka-ganda. Hindi nakakasawa titigan.

"Baka matunaw naman ako DJ." Natatawang sabi ni Kathryn.

Night ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon