NC 34

1.5K 29 3
                                    

D A N I E L

Mabilis din kaming natapos sa pag-bake. Panay tawanan at pahiran ng icing ang naganap. Pero, nakapag-bake naman kami ng maayos.

Naiinis pa si Kathryn kasi di niya ako mapahiran ng icing. Sayang daw kasi yung suot ko ngayon. Hahaha!

Nahuli din kami ni Tita Min kanina. Ninerbyos kaming dalawa pero buti na lang okay lang kay Tita Min. Nagmamahalan naman daw kasi kaming dalawa. Ang corny pala ni Tita.

Nandito kami ngayon sa sala nila. Iniintay kasi namin bumaba sila Tito Teddy at si Kuya Robi. Para daw sabay-sabay namin kainin yung cake na binake namin. Kinakabahan nga ulit ako eh. Gusto daw kasi akong makausap ng masinsinan nila Tito at Kuya.

Pero, hindi ako dapat kabahan. Malinis naman ang intensyon ko kay Kathryn at mahal ko talaga siya.

Naghihintay lang ako ng tsamba bago ako mag-propose sa kanya. Pag naramdaman ko ng handa na siya, magpo-propose na ako.

"Buti naman bumaba na kayong dalawa." Napalingon ako sa likod ko nang magsalita si Tita Min. Nakita ko yung dalawa na bumababa sa hagdan. Napalunok ako at pilit inisip na dapat huwag akong kabahan. Nag-meet na rin naman kami nung nakaraan eh.

Hinawakan saglit ni Kathryn ang aking kamay para ipahiwatig siguro na magiging okay lang ang lahat. Nginitian ko siya ng tipid bago ako tumayo para harapin sila Tito Teddy at Kuya Robi.

"Good Afternoon po Tito Teddy." Nag-mano ako sa kanya bago ako pumunta kay Kuya Robi. "Good Afternoon Kuya." Tinanguan ko siya. Binati din nila ako pareho bago magpunta kila Tita Min at Kathryn.

"Oh ano? Kain na tayo?" Pag-aya ni Tito Teddy sa amin. "Masarap ba yung binake niyo?"

Tumayo na si Tita Min kaya tumayo rin si Kathryn. "Oo naman. With love kaya yun. Umaapaw yung love habang nagba-bake kami. Diba Kathryn at Daniel?"

Napakagat ako sa labi ko para pigilan yung ngiti ko. Otomatiko akong napatingin kay Kathryn at hindi ko na napigilan yung ngiti ko nang makita ko siyang namumula habang nakatungo.

Nalipat ang tingin ko kila Tito at Kuya. Parehas nakataas ang kilay nila pero hindi naman sila mukhang galit. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Nalipat ang tingin ko kay Tita Min at nakita ko siyang nakatikom ang labi at mukhang natutuwa sa reaksyon namin.

"I guess, mag-usap muna kayo diyan boys. While kaming dalawa ni Kathryn ay pupunta na sa dining area." Hinatak na ni Tita si Kathryn papunta sa dining area. Hindi pa nga rin makatingin sa akin si Kath eh. Na-awkward siguro bigla, hahaha.

Umupo na yung dalawa sa couch kaya umupo na rin ako sa katapat nila. Medyo humupa na yung kaba ko dahil kay Kathryn.

"So, Daniel. Hindi ko na papatagalin ha. Malinis ba ang intensyon mo sa anak ko?" Tanong ni Tito. Hindi na ako nag-isip pa at sumagot na.

"Opo. Malinis ho ang intensyon ko sa anak ninyo. Mahal ko ho siya at wala ho akong masamang binabalak sa anak ninyo." Diretso kong sagot. Ni hindi ako kumurap at diretso ko silang tiningnan sa mata.

Mukha namang nakuntento sila sa sagot ko at napatango-tango pa. "Ikaw yung kasama ng kapatid ko sa concert diba?" Tanong ni Kuya Robi.

"Ah, oho. Ako nga ho. Kasama rin ho namin yung iba naming kaibigan." Sagot ko habang nakangiti.

"Na-ikwento nga sa amin ni Kathryn kung paano mo daw siya protektahan doon." Sabi ni Tito. "At, nagustuhan ko ang ginawa mong iyon."

Night ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon