NC 30

1.9K 38 8
                                    

D A N I E L

Nagising ako dahil sa liwanag at sa sakit ng ulo ko. Ugh hangover, I hate you. Napasapo ako sa ulo ko at napapikit dahil sa sakit.

"Ayan. That's what you get for partying hard last night." Sinilip ko kung sino yun at si Patrick lang pala. "I grabbed some meds for hangover. Oh, uminom ka. And, magcoffee ka din later. Nakakatulong daw yun."

Tumango ako at kinuha ko yung iniabot niyang gamot. Bakit ba kasi naimbento pa ang hangover?

"Thanks bro." Kinuha ko yung phone ko na nasa table sa gilid ko. I need to ge----"Alas dose na pala?!"

I missed school today and I won't even get to see Kathryn today. Tsk, badtrip.

Kung absent ako, ibig sabihin nag-absent din si Patrick? Yayks.

"Oo, hindi rin ako pumasok sa school dahil sa'yo." Inis na sambit ni Patrick. "Di ko tuloy makikita si Arisse ngayon."

"Bakit kasi di ka pumasok? Kaya ko naman sarili ko." Sabi ko sabay inat. Ahh! My head still hurts!

"Wow, says the man who can't even walk properly last night." He crossed his arms. Why does he act like my mother?

Napangiwi ako. I tried remembering what happened last night kaso wala talaga akong maalala eh.

"Ano ba mga pinaggagawa ko kagabi?" I asked hin. Kinakabahan ako sa isasagot niya.

Pagkatanong ko n'yun, humagalpak agad siya sa tawa. Kaya naman mas lalo akong kinabahan. Ibig sabihin may nagawa akong katawa-tawa.

Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Alam mo ba bro? Nabading ka lang naman kagabi dahil sa akin." Humagalpak na naman siya sa tawa.

Nanlaki ang mga mata ko at nandiri sa sarili ko. "Seriously? What the."

"Yes, seriously. Ang sabi mo pa sa akin kagabi: 'Bro, ang bango mo.' Tapos inamoy-amoy mo pa ako at yinakap-yakap. Grabe bro, kung nakita ka siguro ni Kath ng ganun, baka naturn-off na yun sa'yo." Tumawa na naman siya.

Naiisip ko pa lang na ginawa ko yun, kinikilabutan na agad ako. "A-ano pa mga pinaggagawa ko kagabi?"

Nagseryoso naman siya at tinabihan ako. "I found you in a room with another girl and wala kayong saplot sa pang-itaas. At ang sabi pa nung babae sa'yo, she had fun daw. May nangyari ba talaga sa inyo?"

Agad naman akong nanlumo pagkarinig ko n'yun. Nadi-disappoint ako sa sarili ko. At, mas lalo pa akong nanlumo dahil wala akong matandaan sa nangyari kagabi. Ang natatandaan ko lang is.....may tumabi sa aking babae at nilalayuan ko siya. Hanggang doon lang. Malabo na ang ibang pangyayari.

Napasabunot ako sa buhok ko. Paano kung....paano kung may nangyari talaga sa amin and paano kung mabuntis ko yung babae?

"Di ko din alam. Wala akong matandaan." I groaned because of frustration. "Patrick, paano kung may nangyari talaga sa amin and what if I got her pregnant?"

Natatakot ako. Tila ba parang bigla akong pinagpawisan dahil sa kaba. Malaki ang posibilidad na may nangyari sa amin dahil sobrang lasing ako kagabi.

Night ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon