NC 40

1.6K 28 2
                                    

D A N I E L

Alam mo ba 'yung pakiramdam na parang wala ka ng gana mabuhay dahil ang bigat ng problema mo?

'Yan ang nararamdaman ko habang sinasaktan ako ni Rommel. Parang wala na akong saysay dito sa mundo. 'Yung parang nandito lang ako para maging punching bag ng tatay ko.

Pero ngayon parang kayang-kaya ko ng lutasin 'yung mga problema ko. Narealize ko na mayroon akong saysay dito sa mundo. Naging inspirado ako matapos kong marinig 'yung sinabi ni Kathryn sa akin. 'Yung tipong isang sabi niya lang n'yun sa akin, parang ako na ang pinakamalakas at pinakamasayang tao sa buong mundo.

Sobrang malinaw na sa akin na we have the same feelings for each other. Sobrang okay na ako doon sa narinig ko sa kanya. But still, I want to give her the best proposal. Panandalian kong nakalimutan 'yung mga problema ko sa pamilya ko at kay Megan.

Nadako 'yung paningin ko sa couch habang kinakain ko 'yung almusal ko. Napangiti na lang ako habang paulit-ulit kong naririnig 'yung boses ni Kathryn sa isip ko.

"I love you." Bulong niya na buti na lang narinig ko.

Napatalon ang puso ko pagkarinig ko n'yun. Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Pero, hindi ito ang pagkakataon para magsigaw-sigaw ako sa tuwa dahil palagay ko'y umiiyak si Kathryn ngayon. Kaya ang ginawa ko na lang ay  yinakap siya ng mas mahigpit. 

"Mahal na mahal na mahal kita." Pagsabi ko sa nararamdaman ko para sa kanya. "Are you crying ba?"

Umiling siya pero alam kong nagsisinungaling siya. Nararamdaman ko 'yung paghikbi niya sa dibdib ko. Hindi ko naman alam kung bakit bigla siyang naiyak. Kinausap niya lang si Mama tapos bigla na lang niya akong yinakap.

I sighed as I held her face para maiangat at makita ko siya. Umiiyak nga. Ayoko pa naman nakikitang umiiyak siya kasi pakiramdam ko ang sama sama kong tao. Her tears are so precious. Hindi dapat siya pinapaiyak. Ang dapat sa kanya, minamahal.

"Stop crying na." I wiped her tears away. "Why are you crying ba?" 

Umiling ulit siya at pilit niyang tinatago 'yung mukha niya. "Wala. Joke lang 'tong iyak ko."

"Kathryn naman eh. Please tell me na." I furrowed my brows. May luha pa ring natulo mula sa mata niya kaya patuloy lang ako sa pag-punas.

"I just...feel pity for you." She wiped her tears. "I told you wala lang 'to eh. Sorry, ang OA ko lang." She laughed softly.

Wala na lang akong sinabi at yinakap na lang ulit siya. Naaapektuhan din pala siya. Nakita niya kasi mismo sa harapan niya 'yung pananakit sa akin ng tatay ko eh.

"Okay na ako kasi nandito ka. Huwag ka ng umiyak, ha? Naguguilty kasi ako. Basta nandito ka, okay na ako. Masaya na ako." I kissed her forehead. "Huwag mo ng isipin 'yung tatay ko. Magkakaayos din kami n'yun. Tapos, maipapakilala na kita ng maayos sa pamilya ko."

Tumango siya at pinunasan muli 'yung luha niya. Naramdaman ko na lang 'yung paghigpit niya sa yakap. Alam mo 'yung pakiramdam na parang nasa langit ka na dahil sa saya at pagka-kuntento? Parang ganoon na 'yung pakiramdam ko eh.

"Are you already okay? 'Yung mga sugat mo ba hindi na sumasakit?" She got out of the hug and held my face softly. Concern is evident in her eyes.

"Hindi na kasing-sakit katulad kanina. I'm fine na. You don't have to worry, okay?" I smiled. "And about doon sa problema ko ngayon, sasabihin ko din 'yun sa'yo. Basta...basta iintindihin ko muna ng maigi."

"Okay lang naman kung hindi ka pa ready sabihin. Basta if you're ready na, I'm always here."

"Thank you." I mumbled. "Thank you for always being there for me. Thank you for understanding me. Thank you for supporting me." 

Night ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon