Chapter 10

30 1 0
                                    

Chapter Ten

MASAYA ang gising ni Yao. Lahat ng nangyari nang nakaraang gabi ay ang simula ng katuparan ng kanyang mga pangarap. It's the first time she truly fell in love at bonus pang maituturing na mahal rin siya ng taong pinag-alayan niya ng kanyang pagmamahal. Kahit pa halos tatlong oras lang ang tulog niya'y hindi alintana iyon upang masira ang kanyang magandang mood.

Kinikilig siyang inalala ang mga nangyari. Pabaling-baling siya sa kama nang marinig ang pagkatok sa pinto. Agad siyang bumangon at isinuot ang kanyang roba. Madali niyang sinuklay ang buhok at binuksan ang pinto. Nang makita niya ang isang pink na cake ay napangiti siya. Mula sa tabi ng pinto ay humarap si Art sa kanya at kinintilan siya ng halik sa mga labi.

"Hmmh..wala man lang good morning?"wika niya dito. Naka-taas ang kaliwang kilay niya at seryoso ang mukha.

"Ahm..G-Good morning!" bati nito. Kumakamot pa ito sa ulo na tila mali ang ginawa, "Akala ko kasi-"

Kumagat naman ang mokong! Hinalikan niya ito, "Joke lang!" mabilis niyang inagaw ang cake dito at agad na tinalikuran ito. Naglakad siya patungo sa mesa. Nang lungunin niya ito ay tila naasar ito sa ginawa niya.

"Ganoon ah!" anito.

Agad niyang ibinaba ang cake at kumuwit ng icing mula doon. Pagkatalikod niya ay naroon na si Art. Nilagyan niya ito ng icing sa ilong. Gayunpama'y nagawa pa siya nitong kilitiin.

"Art! Stop it! A-Ano ba-" tawang-tawa siya sa ginagawa nito. Binuhat siya nito at marahang ibinagsak sa kama. Nakakumbabaw ito sa kanya habang kinikilit siya. Ni hindi man lang niya magawang pigilan ito dahil hinang-hina na siya sa pangingiliti nito. Mayamaya pa'y tumigil ito. Siya naman ay tawa pa rin ng tawa. Nang humupa na ang kiliting nadama niya ay maang na napatitig siya dito.

Tahimik itong nakatingin sa kanya. Bumaba ang tingin nito sa katawan niya. Nang tingnan niya ang kanyang katawan ay hindi niya napansing hindi na pala nakatali ang kanyang roba. Nakahantad ang katawan niyang tanging manipis na lingerie lamang ang tabing. She felt her heart beat faster and her breathing unsteady. Ang kamay ni Art ay naglakbay sa kanyang beywang. Alam niya ang maaring mangyari. She summoned all her willpower para pitikin ang ilong nito, "Hoy Mamang Ano! Don't you dare.." Nakakalokong tiningnan siya nito. She could see the desire in his eyes.

"Ngayon, ako naman!" at kiniliti niya ito. Itinulak niya ito pahiga at siya naman ang kumubabaw dito. Tuwang-tuwa siya nang mahanap ang kiliti nito. Sa leeg ito niyon. Walang tigil niyang kiniliti ito hanggang sa mahawakan nito ang mga kamay niya. Alam niyang nanganganib siyang kilitiin nito, kaya umarte siya.

Dahan-dahan niyang ibinaba ulo niya sa mukha nito. She will kiss him. Binitiwan nito ang mga kamay niya. Nang makita niyang pumikit ito'y agad siyang tumakbo palayo dito at nilapitan ang cake. Babangon na sana ito nang binuhat niya ang cake at binalaan ito, "Sige ka. Ipangpi-facial ko 'to sa'yo!" at pinandilaan niya ito.

Umiiling-iling itong umupo sa kama at itinaas ang mga kamay na tila naka-surrender, "Okay! I give up."

"Good boy!" at ibinaba niya ang cake. Nang marinig niya ang pag-ingit ng kama ay hindi niya na nabuhat pa ang cake. Tumakbo na siya palayo dahil papalapit na ito sa kanya. Laking pasalamat niya nang biglang may kumatok sa pinto.Sabay nilang nilingon iyon. Si Art ang pinakamalapit d'on kaya ito na tumungo d'on.

"Damn room service. Buti pa hindi na lang muna ako tumawag." naiinis na sambit nito.

"Yes!" she shouted in relief. He shot her a menacing look. She didn't flinch. "You will never win. Buhahahaha!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Circle of Friends (The Fresh Graduate Series): 1- The Unexpected FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon