Chapter 7

33 1 0
                                    

Chapter Seven

            Alas-diez na ng umaga nang magising si Yao. Kung tutuusin nama’y late na rin naman sila nakarating sa bahay nina Lyneth. Nag-inat siya at bumangon. Inayos niya ang kama at tumuloy sa banyo. She did her morning rituals. Matapos iyo’y nagpalit na siya ng kasuotan. She wore light pink capri shorts at white blouse. Nang makapagsuklay na siya ng buhok ay lumabas na siya ng kwarto at bumaba ng hagdan.

            Si Yaya Sorayda ang nabungaran niya. Nagkabatian sila. “Nasa garden si Lyneth kasama ni Trixter.” wika nito sa kanya, “Saluhan mo na sila doon.” at iminuwestra nito sa kanya ang patungo sa garden.

            “Maraming salamat po!” nginitian niya ito ang saka niya tinungo ang garden. Nang makarating siya roon ay inatake nanaman siya ng pagka-usisera. Kakaibang tagpo kasi ang nadatnan niya. Magkaharap sa bilog na mesa sina Trixter at Lyneth. Tila importante ang pinag-uusapan ng dalawa. But this is different! There’s something wrong! Para silang..parang  magkaaway na lovers?! Ano ba ‘tong iniisip ko?! Umiling siya. Hahakbang na sana siya nang biglang inabot ni Trixter ang kamay ni Lyneth.

            “Bakit hindi mo sa’kin sinabi na ikakasal na kayo?” tanong nito sa tila magkahalong galit, panghihinayang at pagsusumamo.

            Lyneth tried to free her hand from Trixter, ngunit hindi naman pinahintulutan ng huli, “Akala ko kasi nasabi na sa’yo ni Art..” tugon nito na hindi man lang makatingin dito.

            “Lyneth, I-I came back to… say sorry.” at hinaplos nito ang pisngi ni Lyneth. Siya naman ay agad na pumasok sa loob at nagtago sa curtains ng bintana sa tabi ng patio. Lord, patawarin po ninyo ako sa kabalbalan na ginagawa ko ngayon kaya lang.. you know naman me..mahilig sa juicy na chismax.. at tahimik niyang pinagmasdan ang dalawa.

            Hindi pa rin magawang tumingin ni Lyneth sa kausap, “S-Sorry for what?”

            Nakita naman niyang hinaplos ni Trixter ang mga labi ni Lyneth. Napasinghap siya sa nasaksihan. O-Okay.This is getting weird. Sa mga ganoong tagpo ay alam niya na ang maaaring susunod na magaganap. Kaya minabuti na lamang niyang lumayo muna doon. Curiosity killed the cat, right? Kahit ‘di ako pusa baka naman kung saan na ako pulutin nang dahil sa pagka-usisera ko.she thought, while walking away from the awkward place. Napatigil na lamang siya sa paglalakad niya nang maisip niya si Art. Paano na siya? He loved her so much. Ikakasal na sila. But, I guess hindi naman iyon magagawa ng dalawa sa kanya.Tila nadudurog ang puso niya sa maaaring sapitin ni Art kung sakali mang nagmamahalan nga talaga sina Trixter at Lyneth. Ngunit hindi niya iyon problema at lalung-lalo na’t hindi naman siya close sa mga ito. But still, he’ll be hurt.

            “Huy!” at may pumindot sa ilong ni Yao.

            “Huuwah—” gulat na sigaw niya.

            “I’m so sorry!” hinging-tawad sa kanya ni Art. Hindi niya napansin ang pagsulpot nito sa kanyang harap. Muntik na tuloy niyang matumbahan ang malaking vase sa likod niya dahil napaatras siya nang magulat dito.

            “Ano ba naman kasi!” singhal niya dito. “Asar naman! Kung makapang-gulat lang kasi kala mo—”

            Naputol ang kanyang sasabihin dahil sa malakas na pagtawa nito. Langya naman oh! Nalulusaw ang pride ko dahil sa mokong na ‘to! Kung ‘di ka lang gwapo baka nasipa na kita pabalikin sa tiyan ng nanay mo. I mean ni mommy pala. Ilusyonada talaga. Naisip niyaat tuluyan nanaman siyang natulala dito.

                                                                                        ***

Circle of Friends (The Fresh Graduate Series): 1- The Unexpected FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon