Chapter 2

56 0 0
                                    

Chapter Two

KASALUKUYANG bumibiyahe si Yao. Ilang oras pa’t nasa Maynila na siya. Ibang saya ang nadarama niya dahil sa wakas ay magagawa niya na ang lahat ng gusto niya nang wala sa radar ng mga kaibigan at magulang niya.

            Ngunit, nagi-guilty pa rin siya dahil sa inasal niya sa kanyang mga magulang. Batid niya ang saya at pananabik ng mga ito sa kanya nang umuwi siya noong nakaraang araw lamang.

“Anong bang naisipan mong bata ka at pupunta ka nang mag-isa sa Maynila? Ni hindi mo nga alam kung ano ang pasikut-sikot doon!” sermon sa kanya ng papa niya.

            “Pa, I need time for myself. Ayoko nang makakita ng ospital. Ayoko nang makakita ng mga namamatay na pasyente. Ayoko nang umiyak dahil sa pagka-awa sa mga pasyente kong hindi man lang makapagpa-opera dahil walang pera. Ayoko nang masermonan ng mga kaibigan ko at pati ninyo! I’m already twenty-three years old. I need a vacation. Please! Kaya ko na ang sarili ko.”

            Hindi niya na hinintay pang makapagsalita rin ang mama niya dahil palaging pinal ang desisyon nito at alam niyang hindi ito papayag sa binabalak niya.

            “I’m sorry but I have to decide for myself.” at pumasok siya kwarto niya. Kinuha niya ang mga bagahe niya at hindi na niya na chineck pa iyon dahil alam niyang lahat ng kailangan niya’y naroon na. Lumabas siya ng kwarto at sumaglit sa mga magulang niya, “I have to go now Ma, Pa, I promise I’ll call you.” At lumabas na siya ng bahay nila. Pinara niya ang isang jeep. Pinagtakhan niya pa na hindi man lang siya pinigilan ng mga magulang niya. Maging ang mama niya ay natahimik lamang.

            Sa bahay siya ni Marieth tumungo.

            “Hey are you sure about this?” nag-aalalang tanong sa kanya ng kaibigan.

            “Of course. Nag-decide na ako and it’s final.” sagot niya dito habang sinusuklay niya ang kanyang basang buhok. Nakiligo siya kina Marieth.

            “So, kailan ka ba tutungong Maynila?”

            “Later.”

            “What?! Are you insane? Gabi na!” hindi niya ito sinagot.“Dito ka na muna matulog. Bukas ka na lang bumiyahe. Ihahatid pa kita sa bus station. May nahanap ka na bang matitirahan sa Maynila?”

            “Wala pa.”nakita niya mula sa repleksyon sa salamin na umiiling ito. Nilingon niya ito. “Marieth, I may not look like it, but I can take care of myself. Ako na ang bahala sa sarili ko. As I said, it’d be my adventure.”

            Napabuntong hininga si Marieth sa narinig, “Well, If that’s what you want. Buhay mo naman ‘yan eh.” at humiga na ito sa kama. “Sleep na ako Yao ah. Tabi ka na lang sa’kin kapag matutulog ka na. Just keep the lights on kung kailangan mo pa. Good night!”

            “Good night Ieth and thank you!” tugon niya dito.

                                                                                 ***

Kinaumagahan ay todo sa pagbibilin sa kanya si Marieth. Natawa siya sa kaibigan. Hinawakan niya ang kamay nito. “Hey, it’s alright. I’ll be fine. Okay na ang lahat. Relax, okay?” Huminga ito ng malalim at nagkatitigan sila.

            “Are you really sure about this?” tanong nito.

            “Definitely sure.” she reassured her.

Circle of Friends (The Fresh Graduate Series): 1- The Unexpected FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon