Riana
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at inilibot ang paningin. Pano ako nakarating rito??, sa pag kakaalala ko ay nakatulog ako sa office ni Jacob. Binuhat niya ba ako papunta rito sa guest room??, dahil wala naman akong maalala na nag lakad ako papunta rito!, nakakahiya naman sa kaniya, perooo sayang yung moment na yun ahh!!
Nag unat muna ako bago tumayo para mag tungo ng banyo. Naghilamos ako at nag toothbrush bago lumabas ng banyo ay kumuha ako ng twalya sa cabinet at kinuha ang iba pang gagamitin ko.
Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya pinag buksan ko ito. At wow! Kahit sa umaga ay mukhang fresh parin siya!, parang kakatapos niya lang rin mag toothbrush at mag hilamos ng mukha. Iba talaga ang kagwapuhan niya
Napatingin ako sa hawak niya na parang inaabot niya sa akin.
"Here" sabay bigay sa akin ng light blue na blouse
Naiwan nanaman si guro ng pinsan niya
"Wala akong makitang maayos na skirt na naiwan yung pinsan ko, puro maikli ang naiwan niya, wala ka na bang ibang maisusuot?" Tanong niya sa akin
"Ahh ayus na ito nalabhan ko naman yung mga damit ko kagabi kaya may maisusuot naman ako, pero salamat parin" nakangiting sabi ko, tumango muna siya bago umalis
Sinarado ko na ang pinto at tinignan ang chiffon style na blouse, maganda naman at babagay siya sa pencil skirt ko na grey kaso parang hindi siya bagay sa sapatod na suot ko kagabi pero ayus na rin, mag iinarti pa ba ako at least may maisusuot pa ako!.
___
9:46 am
Nasa gitna ako ng pag tatype sa laptop ko ng mag ring ang phone ko, sinagot ko ito ng hindi tinitingnan kung sino ang caller.
"Hello?" Sabi ko habang may tinitignan sa laptop
"Hi Yanna!"
Si Harold pala!
"Kamusta ka na diyan?" Tanong ko at tumayo para pumunta sa bintana, medyo nawawala na ang ulan at ambon nalang ang makikita sa labas
"I'm fine, medyo nakakapagod nga eh tapos ilang araw rin kaming puyat"
"Konting tiis nalang Rold matatapos rin yan, ilang araw na lang oh makakauwi ka na ulit dito!" Pag cheer up ko sa kaniya
"Ayy oo nga pala, baka mapaaga ang uwi ko"
"Talaga?, kelan ka uuwi?" Natutuwang tanong ko sa kaniya
"Actually, hindi pa sinabi sa akin kung anong araw, ang sinabi lang sa amin is mapapa aga kami ng uwi. Gusto ko ng makapag pahinga!, ilang araw akong kulang sa tulog" natawa ako sa pag rereklamo niya
"Buti naman kung ganun, don't worry, pag uwi mo rito pag luluto kita para naman ganahan ka na!" Natawa ako ng marinig ko ang tuwa niya sa kabilang linya
"Oy yanna Yanna promise yan ahh!" Napailing nalang ako sa reaction niya, hindi parin talaga siya nag babago!
"Oo nga promise!, basta galingan mo diyan para makauwi ka na rito!, miss ka na namin"
Nakangiti ako habang naalalang nalulumbay sila Mik at Zoe nung niyaya nila akong mag lunch nung isang beses. Wala raw kasi si Harold kaya walang man lilibre sa kanila.
"Eh ikaw ba kamusta ka diyan?, hindi ka ba pinapabayaan ni Jacob?, kumakain ka naman ba? Baka nag papalipas ka ng gutom mo ah" halata ang pagaalala niya sa boses niya
"Ayos lang ako rito noh, wag mokong alalahanin kaya ko naman ang sarili ko sabi ko sayo diba"
"Nga pala, nandun ka raw sa bahay ni Jacob kagabi?, tumatawag ako sayo kagabi pero hindi ka nasagot kaya si Jacob nalang ang tinawagan ko"
BINABASA MO ANG
Never Wanted
RomanceWILL BE REVISE SOON! (This is an old version. Which means cringy pa kasi bata pa ako nung ginawa ko to.) Kristine Riana Ramirez is deeply in love with Jacob Martin Santiago, Who doesn't feel the same. Will she survive this One-Sided love? Si Ria an...