Riana
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ramdam ko parin ang antok sa katawan ko kaya hindi muna ako bumangon sa hinihigaan ko. Inilibot ng mga mata ko ang kwarto, nanlaki ang mata ko at napakagat ako ng labi.
Totoo ba ang nangyari kagabi? O panaginip lang ang lahat?. Agad kong tinignan ang katawan ko at nakita may suot akong over sized shirt at short-short. Hindi naman sa akin ang damit na suot ko... kay Jacob ba ito? Naamoy ko ang amoy niya sa damit na ito kaya nakumpirma kong kaniya ito.
It's my second time wearing his shirt.. siya ba ang nag suot sa akin nito?.
Napapikit ako at inaalala kung totoo ba talaga ang nangyari sa amin. Napakagat ako ng labi ng maalala ko ang mga haplos niya sa katawan ko, ipinaramdam niyang mahalaga ako sa kaniya. At ang mga halik na iniwan niya sa katawan ko.
Pinakiramdaman ko ang katawan ko kung may masakit ba sa akin. Kinabahan ako lalo ng may naramdamang kirot sa pagitan ng hita ko.
Shit, totoo nga ang sinabi niya. Siya nga ang first time ko duon. Natatakot ako na baka malaman ni papa ang nangyari kagabi, panigurado ay magagalit iyon!.
Nasan ba si Jacob?, paggising ko kasi ay hindi ko siya nakita. Nag sisisi ba siya sa nangyari kagabi? Pag kakamali lang ba ang nangyari ?
Kaba ang nararamdaman ko ngayon. Dahil kagabi ay buong puso ko siyang hinayaang angkinin ako. Oo, isinugal ko na naman ngayon ang sarili ko. Hindi ako nakaramdam ng pag sisi, ngunit takot ang kumakain sa akin.
Baka kasi nag sisisi siya sa nangyari at ang magulang ko ay madismaya sa akin.
Tinignan ko ang oras, at nagulat ako ng makitang mag tatanghalian na! At mas lalong nanlaki ang mata ko ng maalala na may kikitain kami ngayong 9 am.
Sobrang late na ako! Bakit hindi ako ginising ni Jacob?!!
Muling nilibot ko ang paningin sa kwarto ko. Mukhang nilinis niya muna ang mga damit baming nag kalat kagabi.
Dahan dahan akong pumunta ng banyo para mag toothbrush at mag hilamos ng mukha. Hindi ako nag shower dahil tinatamad ako kaya lumabas na ako ng banyo at pumunta ng kusina.
May nakahain na bacon, egg, hotdog, at fried rice. Mayroon ring gatas na maligamgam na dahil kanina pa siguro ito naitimpla.
Dahil nakaramdam na ako gutom at tanghalian na ay napag pasiyahab kong kumain na.
Binuksan ko ang tv ng matapos akong kumain. Manonood nalang muna ako dahil wala naman akong naisip na gawin sa ngayon. At isa pa nakakatamad ngayong araw. Mamayang hapon ay napag isipan kong nag swimming. Para naman sulit ang pag punta namin rito.
Yung business trip na parang bakasyon na naging honeymoon pa!. Diba parang ewan lang?
Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng tv. Ng nararamdaman kong bumibigat ang talukap ng aking mata.
Pero muling iminulat dahil biglang may kumatok sa pintuan, inis at tamad na tumayo pa ako at humikab. Binuksan ko ang pinto at hindi mapigilang nanlaki ang mata ko ng makita si Jacob
..... paano ko siya haharapin after nung nangyari? Medyo nahihiya kasi ako... biglaan naman kasi siyang magpakita. Pati yung antok ko umurong ng makita siya.
"B-bakit?" Nauutal na tanong ko
Nagtaas ang nga kilay niya dahil sa itinanong ko at huminga ng malalim, sabay pumasok sa loob at pumunta sa sofa.
"Kakagising mo lang?" Tanong niya
"Medyo kanina pa" tanging sabi ko.
Hindi ko siya sinundan pero dumiretso ako ng ref at kumuha ako ng inumin para libangin saglit ang sarili. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko sa sala habang nandun siya.
BINABASA MO ANG
Never Wanted
RomanceWILL BE REVISE SOON! (This is an old version. Which means cringy pa kasi bata pa ako nung ginawa ko to.) Kristine Riana Ramirez is deeply in love with Jacob Martin Santiago, Who doesn't feel the same. Will she survive this One-Sided love? Si Ria an...