Riana
On the way kami ngayon ni Harold sa airport, susunduin namin sila Cole at Colleen!. Umuwi na sila ngayon rito sa pilipinas at mukhang mag iistay sila rito ng matagal.
"Nakababa na kami ng eroplano, where na kayo??, gusto ko na kayo makita!!" Excited na sabi ni Colleen at ako naman ay tumawa sa kaniya
"Baba na rin kami ng kotse Colleen, eto na mag papark lang ako saglit" nag park na si Harold at bumaba na agad kami.
"Asan kayo banda?" Tanong ko kay Colleen
Si Harold ay nakasunod sa akin habang papasok palang kami ng airport
"Kakapasok lang namin ng airport Ria, wait lang kukunin lang bamin ni kuya yun bag namin" pinatay ko na ang tawag at dumiretso na kami ni Harold kung nasan sila.
Nakangiti ako ng malawak ng makita silang dalawa na kinukuha ang mga luggage nila, natawa ako ng makitang ang daming gamit ni Colleen at hawak hawak pa ni cole ang isa, model kasi eh kaya andaming gamit!.
"Ria! Harold!" Tawag nila sa amin at kumakaway pa si Colleen, si Cole naman ay umiling nalang sa inakto ng kapatid niya
"How are you guys?!" Sabay yakap ni Colleen sa amin ni Harold
"Ayos lang naman kayo bang magkapatid?" Nag fist bump yung dalawang lalaki at yumakap naman aa akin si Cole
"Hay nakakaboring sa eroplano ang tagal ng flight" sabi ni Cole habang naka akbay sa akin.
"Tulog nga lang yan buong flight" napangiti ako sa sinabi ni Colleen
"Aalis ba kayo ngayon?" Tanong sa amin ni Colleen
"Babalik ako sa company kailangan ako ni papa" sabi ni Harold at tumango naman sila
"Ako wala naman akong plano pero kukunin ko lang tung mga gamit ko sa dating pinagtatrabahuan ko tas after nun ay free time ko na" sabi ko
"Gusto ko kasing gumala ngayon para makapag catch up tayo" sabi ni Colleen
"Ayaw mo bang mag pahinga muna?" Tanong ko pero umiling siya
"Natulog ako buong oras sa flight namin" nakangiting sabi niya
"Ganto, umuwi muna kayo, para makapag pahinga at Harold bumalik ka na sa inyo dahil baka kailanganin ka na. Ako naman ay kukunin ko ang gamit ko at magkita nalang tayong apat" pumayag naman sila
"Eh Ria kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ni Harold
Sapag kaka alala ko ay may 4 na box pa akong naiwan duon, edi akyat baba ako noon?
"Oo sana kaso, nakakahiya naman kasi sa inyo"
"Ako nalang sasama saiyo Ria, si Harold ay busy pala ngayon, at itong si Colleen naman ay mag aayos pa ng gamit sa bahay" pag prisinta niya
"Sure ka Cole? Mapapagod ka lang" tanong ko at tumango siya
"At least kampanti na ako na may kasama ka Ria, tara na sa kotse" kinuha ni Harold at Cole ang mga luggage nila at binuhat
Si Colleen naman ay nakasabay sa akin at inaasar ako dahil kay Harold kaya umiiling nalang ako sa kaniya
"Ria, sa bahay nalang kaya tayo mamaya?" Tanong niya
"Sige pwede naman, tulungan ko kayo mag ayos gusto mo ba?" Tanong ko sa kaniya
"Hindi na noh nakakahiya tsaka bisita ka namin duon, ano game ka?"
"Oo naman"
Sumakay na kaming apat sa sasakyan ni Harold, yung dalawang lalaki ay sa harap at nag kukwentuhan at kami naman ni Colleen ay nandito sa likod eto tulog sa tabi ko at ang ulo ay nasa balikat ko
BINABASA MO ANG
Never Wanted
RomanceWILL BE REVISE SOON! (This is an old version. Which means cringy pa kasi bata pa ako nung ginawa ko to.) Kristine Riana Ramirez is deeply in love with Jacob Martin Santiago, Who doesn't feel the same. Will she survive this One-Sided love? Si Ria an...