CRUSH-14

59 5 0
                                    

CRUSH KITA EH.(CRUSH-14)

---
Napaginipan kita. Oo alam ko nakakapanibago ang panaginip ko ngayon kasi, bukod sa andun ka; hindi ko inaasahan yung mga pangyayari sa panaginip ko. Isipin mo?! Nanliligaw ka saakin, eh hindi naman kita gusto at the first place. Seriously, I don't see myself liking you. But I think I'm wrong, very very wrong.

Kasi, one day nagising na lang ako na gusto na kita. To be honest, nagde-deny ako sa feelings ko for you. But then I can't control it na. Sa buong pagtulog ko ba naman ikaw ang kasama ko eh, hindi pa ba ako magfefeeling? Kasi alam mo naniniwala ako sa sinasabi nila na "Kapag napaginipan mo siya ng three times, it means may gusto siya sayo." but then, I'm wrong again. Huh! I'm always wrong!

At dahil nag-feeling ako, lahat ng bagay na connected sayo na pwede akong maging connected rin ay binigyan ko ng meaning, and then the day came na nagseselos ako sa js partner mo, yes yung partner mo nung js kasi parang may mutual understanding na sainyong dalawa. Hindi naman ako sure about dun pero kasi iba yung action niyo sa isa't isa. At hanggang sa malaman ko kung sino yung totoo mong crush, haha biruin mo yun?! Halos magkaparehas na yung surname namin? But the thrill is magkaspelling kami pero iba ang pronounciation, what a coincidence? Sa bawat araw na nalalaman ko na may gusto ka pang babae ay lalong tumatagos yung sakit sa puso ko. Over na kung over pero nasaktan ako eh. And I think I will never get over you,But I'm wrong. Yes, I'm wrong. Very.

Kasi naka-get over na ako, I mean it's just a waste of time if I keep on chasing him. Wala rin naman mangyayari eh, At alam ko sa sarili ko na wala naman talagang dahilan para umasa ako eh, kasi ako lang naman ang nag-feeling. Haha gaga ako eh, feelingera masyado di na natuto. Pero isa lang masasabi ko, if ever na magkita tayo at nagkaroon na ako ng lakas ng loob mula sa core ng Earth, alam mo kung ano?

CRUSH KITA EH. pero don't worry, I already get over you, It's hard I know, but I need it so badly. Kasi naniniwala ako na may isang tao diyan na deserving sa feelings ko, hindi ka-gaya mo.

CRUSH KITA EH.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon