CRUSH-15

95 6 1
                                    

CRUSH KITA EH.(CRUSH-15)

---

ENGLISH. Yan ang word na nakakapagdescribe sayo, well dahil sa word na yan, na turn-on ako sayo. Ewan ko ba?! Kasi alam ko na bukod sa isa nating classmate eh napaka galing mo sa subject na yan. At dahil diyan napansin kita,At guess what? Dito nagsimula ang paghanga ko sayo.

MUSIC. Isa sa pinaka magandang nagpapadescribe sayo, kasi alam mo lalo akong naturn on sayo dahil sa hilig mo sa music. Ewan ko ba, basta! Sa tuwing kumakanta ka sa loob ng room napapahanga mo pa lalo ako. Ang galing mo kase eh. Ayan nahulog na tuloy ako sayo.

SALAMIN. Alam kong hindi ka nerd, pero alam mo isa ka sa mga nakikita ko na napaka-attractive sa salamin. Pero syempre mas lamang ka sa mga nakikita kong attractive. Hay, ayan lalo tuloy akong nahuhulog sayo.

FB CHAT. Oo,isa rin to tungkol sayo. Dahil diyan nagkaroon ako ng chance na makausap ka, kahit ba na kinamusta lang kita sa sakit mo haha simple gala one lang yan. Tapos syempre papahuli pa ba ako sa mga gala one? Syempre hindi na, kaya ito ako kahit pa print lang ng project ko nakikiusap ako sayo, pero ikaw naman tong si 'Oo'; lagi ka na lang pumapayag sa mga favors ko sayo. Nako! Ayan tuloy umasa na ako sayo.

TWITTER. Dito ko minsan hinihintay yung mga update mo sa buhay mo at dito ko rin nalaman kung sino ba ang gusto mo. Agh, naririnig mo ba yun? Haha. Puso ko yun, my heart is starting to break slowly because of you.

EXCELLENCE. Syempre, this describe your special someone. Masakit man pero kailangan kong indahin, di ko kase inexpect na siya yung gusto mo eh. At ang malupit dun sakin mo sinabi, ang saya ba? Haha hindi ko alam kung ano bang meron sa organs ko at nakaya ang ganung sitwasyon. Bat pa nga ba ako aangal diba? Isa lang naman ako sa mga classmate mo na pinagkakatiwalaan mo. Why should I complain about what I feel inside? I don't even know if you even care about me.Pero thankful ako kasi diba, isa ako sa mga punagkakatiwalaan mo sa Room. Kaya ayos lang sakin yun, haha ang saya kaya habang nagtatype na lumuluha ka. Ayan, nanghihina na tuloy ako dahil sayo.

CRUSH KITA EH. Yan ang mga katagang gustong-gusto kong sabihin sayo, nakakatakot man sabihin pero halos araw-araw ng buhay ko gusto kong sabihin yan sayo. Pero pinangunahan ako ng takot eh. Sorry na ang hina ko ah? Haha Sorry DUDE. Hayaan mo makaka-move on ako Dude, wag lang sana muna ngayon. Fresh pa ang sakit eh. Di ko pa kakayanin. I will get over you, Promise.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CRUSH KITA EH.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon